✿ Chapter Six ✿

1.7K 45 10
                                    

Nakita ko si Leo na nag iintay sa labas ng gate.

"Ohh? Bakit ka pa nandito?" sabi ko.

"Pinasundo ka kasi sa akin ng mama mo." sabi ni Leo.

"Ahh sige." sabi ko.

"Mauuna na ako ha?" sabi ko kay Josh

"Dapat hindi ka na nag abalang pumunta dito, ihahatid ko naman si Kryz sa kanila eh." Sabi ni Josh kay Leo

"Baka kasi may mangyaring masama dyan. . . Tanga pa naman yan" dugtong niya.

Akala ko pa naman natupad na agad yung pangalawa kong wish, hindi pala.

Nakita kong hinampas ni Nicole si Josh.

"Syempre, Joke lang yun." sabi ni Josh

"Thank you na lang. Nandito na naman si Leo kaya sigurado akong makararating ako ng maayos sa bahay, Bye." sabi ko.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Leo.





Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko si Josh samantalang inaaway ako nung mokong na yun.

About naman dun sa election. . .

Manalo man o matalo, Masaya pa din ako sa magiging resulta.

Kung hindi naman kasi karapat dapat sa akin ang pwesto na yun, mas okay ng mapunta sa iba.

Feeling ko kasi magiging matino naman atang president si Mr. Yabang.

Bigla bigla na lang nagsalita si Leo. Papatayin ata akonito sa nerbiyos.

"Kryzzie, okey ka lang ba?" tanong ni Leo.

"Ahmmm. Okey lang ako" sabi ko.

Sa totoo lang, parang hindi ako okey. Iniisip ko kasi yung nangyari sa election.

"Kinakabahan ka ba?" sabi niya

"Medyo." sabi ko.

"Huwag kang kabahan, nandito lang ako" sabi niya.

Napangiti ako.

Hindi ko talaga malaman kung may gusto siya sa akin o nang lalandi lang.


Nakarating na kami sa bahay at lumabas na ako ng kotse.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita kong natutulog na silang lahat.

Nagugutom na ako. Buti at may natirang dalawang pandesal sa mesa.

Kinuha ko na lang yung maliit na palaman at nilagay ko sa loob ng pandesal.

Pagkatapos nun ay natulog na ako.





Dahil nga may pasok pa kami, kailangan kong gumising ng maaga, ang masaklap pa tatlong ors lang ako nakatulog.

Naligo na ako at dumiretso nang maglakad papuntang school.

Medyo malayo naman din ang school ko pero dahil nga nag titipid ako kinakailangan kong maglakad.

Nakarating na rin ako sa school.

Kinakabahan pa din ako sa magiging resulta.

Pero manalo man o matalo, Masaya pa din ako.

Ang masama pa nito, hindi pumasok yung principal namin kasi nagka sakit.

Hindi ata kumain dahil nadismaya sa resulta, Joke.

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon