✿ Chapter Ten ✿

1.4K 36 2
                                    

8:00pm

Grabe ang nararamdaman ko ngayon. Kasi any minute eh maaaring nandito na siya.

Tapos napagkamalan pa kaming newly weds dito sa restaurant..Ang saya diba?

8:10 pm

Baka natraffic lang siya o baka naligaw sa daan? Mag-aantay pa ako kahit lang oras. Dadating din yun, tiwala lang.

8:45 pm

Kanina pa balik ng balik yung waitress. Pinipilit niya akong kumain pero ayoko . Dadating si Matthew tiwala lang.

9:10 pm

"Mrs. Catanghal,mukhang di na makakapunta yung husband niyo kaya ku--"

pinutol ko siya at sinabing

"Haha,Sorry pero di ko siya asawa"

"Ah ganun po ba" ang sabi nung waitress

I've reached my limit. Naiinis ako sa sarili ko kasi umasa ako sa wala. Ayaw ko na talaga,nagsasayang lang ako ng oras kaya uuwi na ako.

"Miss, yung bill?" nakangiting sabi ko kahit kanina pa ako naiinis

"Uhm, paid na po actually" di na ako nagulat. I kinda figured out na si Tita Cecil ang nagbayad kasi impossible naman na si Matt yun dahil nga hindi siya pumunta

"Last favor? Pwedeng pakibalot yung foods? Thank you" ang sabi ko kasi sayang naman yung food na binayaran ni Tita Cecil

Pagkabigay saken ay lumabas na kaagad ako sa lugar na yun. Gustong gusto ko na umuwi kaya tinawagan ko kaagad si Manong Driver.

Saktong pagpasok ko ng car eh biglang umulan. Hayy sumabay yung weather sa mood ko. Habang nagmumuni ako may napansin akong matandang lola na naglalakad at biglang nadapa kaya pinahinto ko si Manong at dali daling pumunta kay lola

"Lola! Okay ka lang ba?" ang sabi ko

Buti nalang di malakas yung pagkakabagsak niya.

"Okay lang ako iha, medyo nahihilo lang ako at wala pa akong kinakain pero maraming salamat" ang sabi niya

What did she say? Hindi pa daw siya kumakain? Nakakaawa naman pala si Lola

"Lola, Intayin mo ako ha? May kukunin lang po ako sa kotse" sabi ko sa kanya sabay balik sa kotse.

Pagbalik ko buti andun pa siya..

"Lola,ito oh pagkain~ Don't worry malinis po yan" sabi ko sabay abot sa kanya nung  tinake out ko kanina.

"Nako Iha, maraming salamat! Maganda ka na nga mabait ka pa. Pagpalain ka nawa ng diyos." sabi niya sabay umalis na din siya.

Biglang gumaan yung nararamdaman ko,ang sarap pala sa feeling nung tumulong sa ibang tao.

Naalala ko din sa kanya sa Grandma. Dalawin ko kaya siya bukas? Masyado na yata akong naabsorb sa mga iniisip ko habang naglalakad di ko tuloy napansin na may kasalubong akong couple at nagkabunguan kami nung guy. >__<

"Ouch."  ang sakit na pa hawak tuloy ako sa ulo ko

"Okay ka lang miss? Ikaw naman kasi di ka nagiingat." sabi nung guy

Bakit ganon parang familiar yung boses niya hay ewan ang sakit ng ulo ko magkakabukol pa ata.

Inangat ko yung ulo ko at

O______O

D________O

Di ko inexpect yung sumunod na nangyari.

"Matt..he..w?!" nanginginig na sabi ko

Si Matthew! Yung childhood friend ko! Nasa harapan ko ngayon.

Teka at sino naman yung kasama niya? Girlfriend niya ba yun o pinsan lang?

"Kilala mo siya?!" ang sabi nung babaeng napaka tinis ng boses na kasama niya sa sobrang gulat ko di ko siya napansin pero sure ako kontrabida ang role nito.

"Nah,baby ngayon ko nga lang siya nakita ee.." sagot ni Matthew

"Eh, Bakit niya alam pangalan mo ha? Babae mo siya no!" ang sabi ko niya

Aba naman. May girlfriend na pala si Matthew. Eh bakit hindi sa akin sinabi ni Tita

"Oo nga, Paano mo ako nakilala? Stalker ka no?" ang sabi ni Matthew

"Sorry, wrong person." ang sabi ko sabay yuko feeling ko kasi babagsak na yung luha ko any minute.

"Ah, okay tara na babe" sabi niya dun sa chararat na babaeng yun sabay umalis.

Di ko alam gagawin ko. Parang nakaglue na ata yung paa ko dito sa semento. Kaya pala wala siya kanina. Ang sakit sa bangs. Tapos di pa niya ako namukhaan, ay oo nga pala ilang years na din pala kami di nagkita.

Kung alam niya kayang ako yung kababata niya, papansinin niya kaya ako? Alam niya kayang nag arrange si Tita Cecil ng dinner para samin? Andaming tanong sa isip ko. Di ko napansin na umiiyak na pala ako.

__________________________________________________________________________________

Nakauwi na ako samin.Sana wala sa bahay ngayon si Mom. For sure madaming tanong yun, ayoko munang kumausap ng kahit sino ngayon. Gusto kong...mapagisa.

"Oh,Iha~ you're home early!" sabi ni Mom habang pababa ng stairs

Hah, I guess luck is not on my side today.

"Mom.." I tried to act happy as possible, sana di niya mahalatang umiyak ako.

"Kwento ko nalang sayo bukas, pagod na ako e~ haha"ang sabi ko

"Oh okay, Good night. Ah siya nga pala tumawag si Kryzz at Nicole kanina di ka daw nila macontact. I'm guessing busy ka kay Matthew no?" sobrang saya ni Mom actually botong boto yun kay Matthew, hay ayoko naman sirain mood niya.

"Ah,ganun po ba. Sige aakyat na ako" ang sabi ko

Tinignan ko yung phone ko. Grabe ang dami ngang message nung dalawang mokong na yun pero wala ako sa mood para magreply sa kanila. Announcement na nga pala ng mga nanalo bukas kaya naisip kong matulog na.

Pero parang hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Nasaktan ako sa nakita ko. Noon kasi eh nangako si Matt sa akin na hinding hindi niya ako iiwan pero ano na ang nangyayari ngayon?

Hindi ba talaga kami para sa isa't isa? Hindi ba ako karapat dapat sa kanya?

At nagsimula ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

---

Pagka gising ko eh namamaga na ang mga mata ko. Nasobrahan ata ako sa pag iyak kagabi. Ayoko sanang pumasok pero hindi maaari dahil announcement na kasi ngayon ng panalo sa student council.

Bumangon na ako at inayos na ang higaan ko para naman kahit na bad mood pa din ako eh matututo pa din ako ng right manners.

Anong oras na ba? Nilapitan ko ang mesa ko at kinuha ang cellphone ko para makita ang tamang oras

OMYGAHD! 8:00 na nang umaga. LATE NA AKO SA MORNING CLASS KO!!!

Kaya naisipan ko na lang na mamayang hapon na lang ako papasok tutal eh wala na akong magagawa.

Nanood na lang muna ako ng mga Koreanovela para mawala ang inis ko na idinulot kagabi.

PLEASE COMMENT, VOTE, FOLLOW AND SHARE

THANKS <3

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon