Bianca’s Point of View
“Uhmmm. So Bianca, Care to tell me what happened?” ang sabi ni Kryz
Nice. Dapat pala sumama na lang ako sa magkapatid.
“Uhmmm, kasi ganito yan Kryz... Huwag ka sanang magalit, kasi . . .” ang sabi ko. Syempre magagalit yan, hindi ka talaga nag-iisip Bianca
♬ Cause youre my DESTINY wooh wooh ♬
Save by the ringtone! Hay salamat!
Buti na lang at may tumawag.
“Sagutin ko lang ito Kryz ha?” ang sabi ko
“Sige, No Problem.” ang sabi ni Kryz
Lumayo na ako at nakita kong si Secretary Kim yung tumatawag.
Secretary Kim? Bakit kaya siya tumatawag?
“Miss Bianca, asan po kayo?” ang sabi niya
“Secretary Kim, Ilang beses ko ba pong sasabihin na Bianca na lang po ang itawag ninyo sa akin. Nasa bahay ako ngayon nila Kryz, Bakit?” ang sabi ko
“Kakauwi lang po ni President galing Europe. Hinahanap ka po.” ang sabi ni Secretary Kim
Tama na nga ang hinala, ambilis naman niyang umuwi. Actually si President na tinatawag niya eh yung mom ko. President siya ng kumpanya.
“Ohh. . . Ambilis naman ata.” ang sabi ko
“Tinatanong niya kung umuuwi ka ba sa house niyo? ” ang sabi niya
“Ano naman yung sinabi mo?” ang sabi ko
“Pa minsan minsan po.” ang sabi ni Secretary Kim
Actually hindi na talaga ako nauwi sa bahay. Lagi namang wala dun sila Mommy. Lagi silang out of the country. Parang hindi nga bahay yung bahay namin eh. Since may condo naman kami, dun na lang ako nagsta-stay at medyo malapit na rin sa school.
"Buti naman." ang sabi ko
"Nasa hotel kami ngayon, maybe she'll be home at 11:30pm tonight. You better get home now okay?" ang sabi ni Kim
Tumingin ako sa aking relo, 10:30pm na
"Sige po, thanks." ang sabi ko
Biglang nawala ako sa mood. Ayokong makita si Mom
Kada kasi nagkikita kami eh puro sermon ang natatanggap ko mula sa kanya.
Kung hindi naman sermon eh business related naman ang gusto niyang pag-usapan.
Bumalik na ako papunta kay Kryz.
“Oy! Bakit?” ang sabi ni Kryz
Nahalata niya atang malungkot ako
“Sorry Kryz ha? I’ll tell you some other time na lang but I need to go.” malungkot na sabi ko
“Sure ka bang, okay ka lang?” ang sabi Kryz
“I’ll be fine, Don’t worry. Sige Bye.” ang sabi ko
Iniwan ko na siya at dumiretso na papuntang bahay.
Tinawagan ko na ung driver namin dahil hindi ako marunong mag commute.
Nakarating na din kami sa bahay kaso nahihiya akong pumasok kasi nga ibang klase yung suot ko dahil nga nag disguise kami ni Nicole.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mayabang
أدب المراهقينPaano kung nagkakilala silang dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon? May pag asa bang magkaroon ng damdamin sa isa't isa ang dalawang magkaiba ang mundo? May pag asa bang magbago sila? May pag asa pa bang magkatuluyan sila? Alamin natin =) Copyrig...