✿ Chapter Eight ✿

1.6K 38 3
                                    

Kryz Point of View

Tapos na pala yung movie. Palabas na kami nang . . . may dalawang taong nagmamadaling umalis sa cinema.

Weird pero parang familiar talaga sila sa akin.

“Josh, familiar ba sila sa iyo? Para kasing kilala natin sila eh.” ang sabi ko

Sabay turo dun sa dalawang unknown na tao.

“Kung alam mo lang.” ang sabi ni Josh

“Alam ang ano?” ang sabi ko

“Secret na yun.” pang iinis na sabi niya

“Madaya ka talaga! hmpff” ang sabi ko

“Tara na nga, huwag ka ng makulit.” ang sabi niya.

Bahala na nga siya.

“Josh?” ang sabi ko

“Ano? Itatanong mo na naman?” ang sabi ni Josh

"Sungit mo naman! Huwag na nga!" ang sabi ko

"Wait Sorry. Ano yun?" ang sabi niya.

Grabe nakamamatay yung mga ngiti niya.

“Ha? Ano kasi… Ano…” nauutal na sabi ko

“Waah. Tara kain na lang tayong ice cream.” ang sabi ko

Grabe talaga. Hindi ko kinaya yun. Namumula pa ata yung pisngi ko.

First time niya kayang ngumiti sa akin ng ganun. Puro yabang kasi ang pinapakita niya.

“Panget, bakit ka namumula? May sakit ka ba?” ang sabi ni Josh

“Aahh, W-Wala! Ano ka ba mainit kasi… Tama mainit kaya kumain na tayo ng Ice cream.” ang sabi ko

“Sure ka ha? Tara bili na tayo.” ang sabi ni Josh.

Bumili na kami ng ice cream sa tabi tabi.

“Wow! Akala ko pa naman sa D.Q tayo. Dito lang pala. Pero infairness, kumakain ka pala ng street foods” ang sabi ko sa kanya

“Ano akala mo sa akin? Hindi pwedeng kumain ng ganito?” ang sabi ni Josh

“Hmpff. Inaaway na naman ako.” ang sabi ko

Malapit lang itong kantong ito sa bahay namin kaya kahit anong oras kaya ko siyang iwanan.

“Pero… Josh salamat talaga ha? Hatid mo na lang ako sa bahay. Hehe” ang sabi ko

Napakamot siya sa ulo pero sinamahan niya din naman ako.


Nasa harap na pala kami ng bahay ko pero hindi ko namalayan kasi nga. . .ang saya saya ko.

“Josh, Thank you talaga. Next time ako naman manlilibre sa iyo.” ang sabi ko

“Kahit huwag na, baka matulog ka lang ulit.” ang sabi ni Josh

“Hindi na promise! Eh kasi naman horror pa pinili mo. Ang boring kaya nun.” ang sabi ko

“Ayaw mo ba sa horror?” ang sabi ni Josh. Yung reaksyon niya parang gulat na gulat

“Duh! Obvious ba? Romantic and Comedy lang ang mga tipo ko.” ang sabi ko

“Kryz…” ang sabi ni Josh

“Bakit?” ang sabi ko.

Lumingon ako sa kanya. Gosh! Magkaharap na pala ang mukha namin.

Tapos dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.

Nanlaki yung mata ko. I mean sino ba namang hindi makakaramdam ng ganun diba?

Ano gagawin ko? Dapat ba akong Pumikit? Shit!

Papalapit na ang mukha niya sa akin.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko ng biglang . . . . .

. . . . .

. . . . .

“AAAA!”

“Aray!”

Huh? Saan naman nanggaling yun?

Kakainis. Nasira tuloy ang First Kiss ko.

TUMIGIL KA NGA KRYZ.

Anyway, pagtingin ko may dalawang taong lumabas galling dun sa halamanan ng kapit bahay namin.

TEKA! SILA. . . . .

“Nicole, Bianca?” gulat na sabi ko.

“Anong ginagawa niyo dito?” ang sabi ko.

Huwag niyong sabihing… Sinusundan nila kami.

“Ahh. ehh. Ano.. Ayun sinusundo na ni Nicole si Josh, Diba Nicole?” ang sagot ni Bianca pero para siyang kinakabahan.

“Ah! Oo! Kuya, S-Sabay na tayong umuwi kasi uhmmm hanap ka na ni Mommy hehe” ang sabi ni Nicole

“Talaga? As far as I know. Mommy is out of the country.” ang sabi ni Chinito.

 "Porket ba out of the country, hindi ka na pwedeng hanapin?" ang sabi ni Bianca

“Wait guys, Tell me the truth. May ginawa ba kayong kalokohan?” ang sabi ko

“Actually . . . Kani-” ang sabi ni Josh kaso naputol kasi tinakpan ni Nicole ang bibig niya at hinila paalis

“Oh? Look at the time. Sorry Kryz ha but we need to go na. Byebye Goodnight” ang sabi ni Nicole at mabilis na naglakad

“Uhmmm. So Bianca, Care to tell me what happened?” ang sabi ko

“Uhmmm, kasi ganito yan Kryz... Huwag ka sanang magalit, kasi . . .” ang sabi ni Bianca

Cause youre my DESTINY wooh wooh

“Sagutin ko lang ito Kryz ha?” ang sabi ni Bianca

“Sige, No Problem.” ang sabi ko

Pumunta si Bianca sa malayo at sinagot yung tumatawag sa kanya.

Nang makabalik si Bianca ay parang malungkot ang itshura niya, last time na nakita ko siyang sobrang lungkot ay nung umalis si Matthew.

“Oy! Bakit?” ang sabi ko

“Sorry Kryz ha? I’ll tell you some other time na lang but I need to go.” malungkot na sabi niya

“Sure ka bang, okay ka lang?” ang sabi ko

“I’ll be fine, Don’t worry. Sige Bye.” ang sabi ni Bianca

Naka alis na si Bianca at naiwan na lang akong nag-iisip sa labas ng bahay namin.

Ano kaya yung kalokohang ginawa ni Nicole at Bianca? At bakit alam pa ni Josh?

At bakit mukhang maraming iniisip si Bianca at lagi siyang wala sa mood?

At bakit hindi ko pa naisipang pumasok sa loob?

Tumawa ako ng bigla kong naisip ang huling tanong na yan.

Buti na lang at wala na si Josh, Nicole at Bianca at hindi nila ako nakitang tumatawa mag-isa. Kasi kung nakita nila ako nakakahiya.

Pumasok na ako sa aming bahay ay natulog.

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon