Dear Paasa

2.1K 39 3
                                    

Dear Paasa,

               Bakit ka ganyan? Bakit ang sweet mo? Bakit ang alaga mo? Bakit sa lahat ng mga sinasabi mo ang lakas nang impact pagdating sa akin? Bakit sa lahat ng mga kinikilos mo kinikilig na agad ako? Ano bang mayroon sa iyo na wala sa kanila?

               Hindi ko alam kung ano bang gusto mong iparating, nag-uumapaw ang kasiyahan na nararamdamam ko sa lahat ng mga ginagawa mo pagdating sa akin, hindi ko alam kung ganyan ka rin ba sa ibang tao. Alam mo bang natatakot ako? Kasi baka ako lang ang nagbibigay ng ibang dahilan sa lahat ng ginagawa mo, baka ganyan ka lang talaga... Baka normal na sa iyo ang ganyan.

               Pero mas lalo akong natakot noong isang araw nagising na lang akong iba na ang nararamdaman ko sa iyo, iyong pakiramdam na mahal na pala kita...

               Kung dati kinikilig na ako sa iyo pero ngayon kakaiba na. Para bang kulang na lang mangisay na ako kahit marinig ko lang ang paghinga mo o kahit makita ko lang ang anino mo... Sobrang kinikilig na agad ako kasabay nang paghuhuramentado ng aking puso.

               Kaso ang sakit pala. Kasi iba ang mahal mo... Nalaman ko lang kahapon, may parte sa puso ko na expected ko na iyon pero mas malaki ang parte sa puso kong nasaktan ako kasi akala ko... Akala ko ako ang mahal mo.

               Kahit alam kong mahal mo siya ganoon ka pa rin hindi nagbabago sweet ka pa rin sa akin. Gago ka 'no? Kasi paasa ka! Bakit ka ganyan? Layuan mo na lang ako kung ipagpapatuloy mong ganyan ka lalo lang akong masasaktan at aasa. Tangina kasi, bakit ba paasa ka?

Lubos na umasa,
Ako

Isang Libong LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon