Dear Future Girlfriend/Boyfriend
Kailan ka ba darating? Matagal-tagal na kitang hinihintay, ang tagal ko nang gustong maramdaman ang mga yakap mo, ang mga kamay mo pati na rin ang mga halik mo. Sobrang tagal ko ng inaasahan ang pagdating mo, hinanda ko na ang sarili ko sa mga maaari nating pagdaanan, sinubok na ako ng panahon at sa pagdating mo kahit ano at sino pa ang sumubok sa atin hinding-hindi na ako susuko. Nasaan ka na? Parating ka na ba? Bakit ang tagal mo naman yata?
Gustong-gusto ko nang marinig mula sa iyo ang mga simpleng, "I love you" tapos kikiligin ako, kapag naman hindi tayo magkasama gusto kong makatanggap ng text na, "Miss na kita" o di kaya "Ingat ka" ang mga simpleng salita na iyan matagal ko ng gusto marinig mula sa iyo. Sana dumating ka na... Sana.
Traffic ba riyan? O baka naman may nakaharang? Basta kahit anong mangyari nandito lang ako umaasang darating ka... Kahit anong mangyari maghihintay ako, kahit matagal... Maghihintay ako para sa iyo.
Lubos na maghihintay,
Ako
BINABASA MO ANG
Isang Libong Liham
Short StoryPara sa mga taong nasaktan na idinaraan sa isang liham.