Dear Manhid,
Hindi pa ba sapat iyong mga ginagawa kong efforts sa iyo? Hindi mo ba nararamdaman ang pagpapapansin ko sa iyo? Hindi mo ba ako nakikita? Hindi mo ba nararamdaman ang presensya ko? Ganyan ka ba kamanhid?
Siguro nagmumukha na akong tanga kalalapit sa iyo, nagmumukha na siguro akong aso kabubuntot sa iyo halos daig ko pa yata ang anino mo. Pero wala eh, ganyan ka pa rin... Manhid ka pa rin. Kung minsan ang sarap mong saksakin ng paulit-ulit para maramdaman mo ang sakit na ipinararamdam mo sa akin at para na rin sa ganoong paraan mapapansin mo na ako at hindi ka na magiging manhid.
Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal ko sa iyo? Ano pa bang gusto mong gawin ko para maramdaman mo?
Bakit ba kasi ang manhid mo?
Ang laging nagpapapansin sa iyo,
Ako
BINABASA MO ANG
Isang Libong Liham
Short StoryPara sa mga taong nasaktan na idinaraan sa isang liham.