Dear Hindi-Ko-Alam

398 15 0
                                    

Dear Hindi-Ko-Alam

                   Hindi ko alam kung para kanino ito, hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pasensya na sa papel na ginagamit ko lalo na sa sulat kong hindi kagandahan. Gusto ko lang naman sabihin na lagi lang akong nandito sa tabi mo, handang makinig sa lahat ng mga sasabihin mo kahit binabaliwala mo lang ako. Pero ayos lang sa akin! Hindi ako nagrereklamo, kung tutuusin lalo lang ako maghihintay na sana mapansin mo. Kahit matagal maghihintay ako! Basta sinisiguro ko kapag napansin mo na ako hinding-hindi ka na iiyak kahit kailan at lahat gagawin ko para sa iyo.

                   Pero sana kapag napansin mo na ako... Sana walang makauna sa iyo.


Lubos na hindi alam kung para kanino ito,
Ako

Isang Libong LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon