Dear Boys

432 11 2
                                    

Dear Boys,

               Mga gago kayo eh, mga paasa, mga pa-fall, mga walang isang salita, mga walangya, mga two-timer at walang effort!! Nakakainis kayo! Mga tarantado kayo, lagi kayong nananakit ng mga babae, lagi niyo kaming pinaiiyak, lagi niyo kaming iniiwan, kami na itong bigay nang bigay kayo itong tanggap nang tanggap pero nang-iiwan pa rin kayo sa ere. Ano pa bang kulang? Hindi pa ba kayo nakukuntento? Bakit kayo ganyan? Bakit?

               Minsan na nga lang kami magmahal lolokohin niyo pa at gagaguhin. Oo, mga tanga kami, mga uto-uto pero tama bang gaguhin niyo kaming mga babae? Maarte kami o malandi, inaamin namin iyon pero tama bang gaguhin niyo kami?

             Hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niyo, hindi namin alam kung ano ang nararamdaman niyo, kung nasasaktan ba kayo o kung wala lang sa inyo ang nangyayari? Ang hirap niyong basahin, ang hirap niyong intindihin.

               Siguro nga hindi namin alam ang mga saloobin niyo... Pero nakakagago kasi kayo.

               Pwede bang mahalin niyo kami na kami lang talaga at walang siya? Pwede bang isa lang mahalin niyo at hindi dalawa, tatlo, apat o kung ilan man? Pwede ba iyon?

               Minsan na nga lang kaming mga tanga na magmahal, ginago niyo pa.

Lubos na gumagalang,
Girls

Isang Libong LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon