Dear Babaeng-Classmate-Sa-Filipino
Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Mag-iisang buwan na tayong magkaklase pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Irregular student ka, isang araw sa isang linggo lang kita kung makita at kung minsan hindi ka pa pumapasok. Pero alam mo bang crush kita? Ang weird nga e. Kasi hindi ko alam ang pangalan mo, hindi ko pa alam kung ano ang ugali mo at kung tutuusin hindi talaga kita kilala tanging pinanghahawakan ko lang ay iyong magkaklase tayo pero nagustuhan agad kita. Napakatahimik mo at kung kakausapin ka man ng iba nating classmate puro tango, iling at paggalaw lang ng balikat mo ang mga isasagot mo. Hindi ka ba nagsasalita? Isang beses naalala kong sinubukan kitang kausapin pero iling at tango lang mga isinasagot mo sa akin. Pero alam mo bang hinding-hindi ko makalilimutan ang pangyayaring iyon? Siguro kung mababasa mo man ang sulat ko sa iyo sasabihin mong ang baduy ko. Pero sobrang weird ng nararamdaman ko.
Isang beses nagsabihan ng mga crush sa classroom, wala ka noon absent ka at katuwaan lang ng mga barkada ko. Sinabi kong ikaw ang crush ko, hindi ka nga raw nila laging napapansin kasi sobrang tahimik mo raw at ano ba raw ang nagustuhan ko sa iyo. Bigla tuloy akong napatanong sa sarili ko. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa iyo? Puro iling, tango at paggalaw lang naman ng balikat mo ang lagi mong isinasagot sa mga tinatanong namin sa iyo o kapag kakausapin ka.
Noong nalaman nilang crush kita lagi na nila akong inaasar sa iyo. Nahahalata mo ba? O wala kang pake sa mga nangyayari sa paligid mo?
Oo nga pala, bago ko tapusin ang sulat na ito. Ang alam lang nila ay may gusto ako sa iyo, pero gusto kong ipaalam sa iyo na mahal kita at iyon ang hindi nila alam. Siguro nagtataka ka kung bakit kita mahal? Kahit ako rin nagtataka. Pero wala e, tinamaan na ako sa iyo mapipigilan ko pa ba?
Ang lalaking classmate mo sa Filipino,
Ako
BINABASA MO ANG
Isang Libong Liham
Short StoryPara sa mga taong nasaktan na idinaraan sa isang liham.