Dear Ikaw,
Hello! Ako nga pala iyong babaeng laging tumitingin sa iyo sa malayo, ako nga pala iyong laging inaabangan ka sa labas ng school o kahit saang lugar na maaari mong puntahan. Oo nga pala, minsan sinubukan kitang lapitan, umaasang magdidikit ang mga balat nating dalawa, maamoy ang pabango mo at makita ang makinis mong muka sa malapitan.. Pero hindi ko magawa at hindi ko masubukan dahil nahihiya ako. Minsan din sinubukan kong magpapansin sa iyo, kapag alam kong malapit ka lalakasan ko ang boses ko o kaya naman kunwaring mabubunggo kita. Pero nabigo ako dahil hindi mo ako pinansin. Sino ba naman ako para pansinin mo diba? Eh isa lang naman ako sa mga babaeng nagkakagusto sa iyo. Siguro ang tingin mo sa akin pang karaniwan babae lang, pero hindi... Hindi ako pang karaniwan, napaka-weirdo ko, kung minsan mas masahol pa ako sa baliw, napaka-out of this world ng pagkatao ko, kung minsan ang gulo-gulo ko, minsan hindi kita gusto, minsan kasi nararamdaman kong mahal na kita pero minsan gusto lang talaga kita. Ang gulo diba? Kahit ako naguguluhan sa sarili ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko hiniling na lagi mo akong mapansin, pero sana malaman mo na nandito lang ako, nandito ako sa malayo na laging nakatingin sa iyo, nandito ako na handa kang mahalin kung sakaling hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo, nandito lang ako kung gusto mo nang makakausap.
Nasa malayo lang ako, nakatingin sa iyo... Umaasang mapapansin mo.
Hoping,
Ako
BINABASA MO ANG
Isang Libong Liham
Short StoryPara sa mga taong nasaktan na idinaraan sa isang liham.