Jess' POV
''One more time, dapat perfect na ha?'' Sabi ko sa kanila.
Nagpapraktis kami dahil magpeperform kami ng intermission number para sa intrams bukas. At eto kami ngayon, actually yung boys---Si Henry, Chris, Adriel, Ced, at dumagdag na si Axle at Oliver--- sila yung mauuna kaya kino-coach na muna namin nila Karen, Kaye at Gen.
''Eh, nagugutom na ko.'' Reklamo ni Chris sabay hawak sa tiyan at pout.
''Pagkain nanaman nasa utak mo. Hindi kayo kakain hanggat di niyo yan perfect.'' Sabi ni Karen. Nag roll-eyes si Chris at nag ginaya yung pagsasalita ni Karen.
''Masyado kasing sumisigaw si Chris sa chorus eh.'' Sabi ni Kaye.
''Kaya nga. Gayahin mo yung style ni Henry na lalakihan mo lang yung boses mo tapos garalgal effect para maganda.'' Comment ni Gen.
''Ou na ou na. Ako nanaman nakita niyo eh. Ako naman lagi eh, dapat pinag drum niyo nalang ako eh. Ajujuju T.T'' pagdadrama niya. Si Axle kasi ang nasa drum set, si Oliver sa electric guitar, ganun din si Cedric. Si Ad, Henry at Chris ang vocalist.
''Hay, drama. Lapit ka nga dito.'' Sabi ni Karen.
''Bakit? Mananapak ka nanaman? Mashaket kaya, Ajujuju T.T''
''Baliw ka talaga.'' Si Karen na ang lumapit at pinunasan yung pawis ni Chris sa noo.
''Ayiee.'' Sabay-sabay kaming tatlo nila Kaye at Gen. Habang tulala lang yung boys. First time, asot pusa kasi yang dalawa eh.
''Ang programang ito ay rated SPG---Aray!'' Siniko ko si Henry. Isa pa to eh.
''Okay tama na ang lambingan portion. Practice na ulet.'' Sabi ni Gen.
''Ay ingget si Gen. Oh eto panyo gawin mo din kay Axle.'' Sabi ni Kaye at nag-abot ng panyo.
''Bruha ka.'' Sabi ni Gen. Nakita ko namang napapangiti si Axle.
''Okay. From the top, di talaga kayo kakain pag di niyo naperfect to.'' Sabi ni Karen na bumalik na sa pwesto namin sa harap nila.
''Okay, five, six, seventy-eight!''
*drum beats*. Ang bilis ng paghampas ni Axle sa drums gamit yung mga braso niyang puro tattoo.
Habang sinimulan na nung dalawa yung pag-strum sa gitara.
Sinimulan ni Chris yung kanta.
''Lets make some history to--waah may ground yung microphone!''
Nailaglag niya yung mic sunod ng nakabibingaw na feedback. Nagtakip kami lahat ng tenga. Nang mawala na ang feedback ay ang sama ng tingin namin kay Chris.
''Take 7...'' sabi ko.
---
Allyza's POVPapalabas na ko ng room ng salubungin ako ni Ad. Nakasukbit yung backpack niya sa balikat at nakapamulsa naman yung isang kamay.
''Liz sasama ka--'' di na naituloy ni Justine ang sasabihin niya ng makita si Adriel. Takot siya kay Ad eh. ''--sabi ko nga may kasabay ka na.''
''Ah eh, Ad, kay Jaz muna kaya ako sasabay?'' Sabi ko sa kanya.
''Bakit?'' Tanong niya.
''Ah ok lang Liz, sige bye.'' sabi ni Jaz at umalis na. Naglakad na ko at sumunod si Ad.
''Alam mo, nawawalan na rin ako ng time sa bestfriend ko. Lagi nalang kasi ikaw yung kasama ko mag lunch.'' Sabi ko. Napaka possessive niya kasi, ayaw niya ng sumasama ako sa iba, gusto niya sa kanya lang.
''Sabi niya naman ayaw niya eh.'' Sabi ni Ad sa gilid ko.
''Natatakot sayo eh. Uh, and one more thing, wag mo na ko sinusundo sa room. Wag mo na rin ako ihahatid.'' Sabi ko. Simula ng maging kami ay iniiwasan na ko ng mga classmates ko, pati sakin ay natatakot na.
''Ikinahihiya mo siguro ako. Sabagay, sino nga ba namang hindi?''
Parang na-guilty naman ako bigla sa sinabi niya. Pero sa ngayon ay ewan ko kung bakit badtrip ako sa kanya, ang dami kasing works at mukhang wala ako mapagbuntunan eh.
''Tsk! Simula nung naging tayo natatakot na sila sakin. Try mo kasing bawasan yung kayabangan mo.'' Sabi ko nalang. Nakarating kami sa hallway na walang tao.
''So, you wanna break up with me?'' Parang galit na sabi niya na lalo ko namang ikinainis.
''Hindi iyon ang sinabi ko.''
''Pero yun ang gusto mong sabihin.''
''Hindi nga.'' Asar na sagot ko.
''I know it, gusto mo nang makipag-break--''
''Fine! If thats what you want.'' Hinarap ko siya. Halata namang nagulat siya. Nakakasura lang. Dali dali akong naglakad palayo at iniwan ko siya.
---
AN: Parang tanga yung dalawa XD hahaha.Anyway, imaginary pic of Adriel (pronounced as Eyd-ri-yel)--->
BINABASA MO ANG
The Wizard Guardians (Part 1 And 2)
FantasyPart 1: The Five Kingdoms Part 2: The Dark Battle A creature uknown, The most evil of all. Sleeping in the deepest void of darkness, will once again rise, awake, reveal itself, and spread darkness to conquer the magical land. Five kingdoms, countle...