Sobrang bigat ng pakiramdam ni Adriel nang magising siya mula sa pagkakatulog. Alam niyang matagal siyang nakatulog dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya. Unti unti niyang idinilat ang mga mata para i-clear ang paningin niya. Isang pale blue na tela ang nakita niya sa itaas na may pattern. Parang overlapping triangles, embroidered in gold.
Ilang segundo siyang nakatitig roon bago siya nagulat at napabalikwas ng bangon. Wala siyang maalalang nagpunta siya sa lugar na 'to o' worse, wala siyang maalalang kahit ano kagabi.
''Shit.'' Inilibot niya ang paningin at kahit walang magsabi sa kanya, alam niyang nasa loob siya ng isang palasyo; sa maalikabok na kulay lupang dingding; sa mga carvings sa kahit anung may frame sa paligid; at iyong bedside table na may inkpot at malaking quill. Hindi maganda ito. Lalo pa't wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari.
Nagmadaling tinungo niya ang malaking bintana at hinawi ang makapal na gold na kurtina at naningkit ang mga mata niya sa biglaang pagliwanag. Ilang segundong nag-adjust ang paningin niya at ang nakita niya ay mga bubongan ng tore. Malamang ay nasa mataas na bahagi siya ng palasyong kinalalagyan at bandang timog.
Nag-iisip na siya ng gagawin nang bumukas ang pintuan at isang matandang dalaga ang pumasok. Mukha itong isang maid.
''Mahal na prinsipe. Gising na po pala kayo---''
''Nasan ako!?'' tarantang tanong niya at nag bow ang maid.
''Dandelion palace. Prince Alastor.''
He didn't felt any shock at this thing. In fact, he was expecting this. He possess the slightest power of a seer. Ang ikinaiinis nga lang niya ay wala siyang matandaan. At...saglit! Napatingin siya sa maid at isang tanong ang pumasok sa isip niya. Papanung nalaman ng maid na ito ang pangalan niya at tinawag siyang prinsipe? Kung Dandelion Palace ito, si Henry ang kinikilalang prinsipe rito. And speaking of his brother, malakas ang kutob niyang nandito rin ito.
''Take me to the King,'' walang anu-ano'y utos niya rito.
Nag bow ulit ang maid at lumabas. Sumunod si Adriel. Dumaan sila sa isang corridor, he kept glancing all around, namamangha sa mga nakikita. The palace was high-ceilinged with crystal chandeliers dangling every few meters. Portaraits and tapestries lined the golden walls. Napaka strange parin ng paligid para sa kanya although nakapunta na siya sa palasyo ng Fladra noong bata pa siya.
Lumiko sila sa isang malawak na hall na napakaraming matataas na bintana na may mga napakagagandang kurtina. Nakailang liko pa sila at paminsan minsan ay may makakasalubong silang gwardiya o maid na bumabati kay Adriel. Iba na talaga ang nangyayari. Kilala siya ng mga taga-rito.
''He's inside, Prince Alastor,'' sabi ng maid ng huminto ito sa tapat ng isang dobleng-pintong gawa sa polished na kahoy. Maraming mga nakaukit roon.
Walang pagdadalawang isip na itinulak niya ang binuksan niya ang double-doors. Tila ito ang pinaka main hall ng palace, at nasa gilid ang pintuan na binuksan niya pagkat ang gilid ng trono ng hari ang tumambad sa kanya.
Kinabahan siya bigla. Sa tanang buhay niya ay ni hindi niya nakita si King Herion na tunay niyang ama. He lived in Fladra ever since he was a child. Ang tanging naging alis lamang niya roon ay noong nag-aral siya sa TwilightGrove.
''You may go,'' sabi niya sa maid, before walking boldly into the large hall. Gulat ang mga gwardiya at maski si Adriel.
Nakatayo si Henry sa gitna ng hall at nakatingin sa hari. Napahinto siya. Hindi siya napansin ni Henry.
''Where did you put them!?'' Galit na sabi ni Henry.
''Easy my son, they're safe. Actually you're brother is here.'' the king said and he glanced at Adriel.
BINABASA MO ANG
The Wizard Guardians (Part 1 And 2)
FantasyPart 1: The Five Kingdoms Part 2: The Dark Battle A creature uknown, The most evil of all. Sleeping in the deepest void of darkness, will once again rise, awake, reveal itself, and spread darkness to conquer the magical land. Five kingdoms, countle...