Ang buong kalupaan ng Mysticland ay nahahati sa apat na teritoryo. Ang Ephiphyra Devian, Terreston, Fladra at ang Morphinia. Ngunit sa timog na bahagi ng Mysticland ay may malaking lupain ang walang kahit na anong sumasakop oh namumuno.
Mayroon ang Mysticland na limang kinikilalang kaharian. Ang Ephiphyran Kingdom, Terrestian Kingdom, Fladran Kingdom, Morphian Kingdom at ang Dandelion Kingdom.
Sa ilalim ng mga kahariang ito ay ang iba't ibang lahi oh race ng mga Mystic na kanilang nasasakupan.
Ang Terreston, kauna-unahan, ay nahahati pa sa limang rehiyon. Ang North Terreston, Central, South, West and East Terreston.
Sa North Terreston, oh kung tawagin ay Great Pentagon, ay tinitir'han ng mga iba't ibang uri ng mga hayop at mga half-human-half-animals na nilalang. Kahit na ganito ang kanilang mga wangis ay nanggaling parin ang mga ito sa race ng mga Terrestians. Ang tawag sa lahing ito ng mga Terreston ay Chimeran.
Sa East Terreston naman, oh mas kilala bilang Eastern Steppe, ay walang masyadong matatagpuang mga nilalang pagkat sa napaka-infertile ng lupaing ito.
Ang West Terreston ay mas kilala bilang Plains of Argonia. Dito na nga nakatira ang mga Argonians na matatagpuan sa Argonian Village. Ang mga Argonians ay ang mga Pureblood na Terrestians. Ang tanging race ng mga Terrestians na hindi nabahiran ng banyagang dugo oh iba mang lahi.
Gayunpaman, ang pagkakailanlan sa lahat ng lahi ng Terrestians, at ang buong aklan ng mga ito ay Argonian Tribe dahil noong unang panahon ay ito lamang ang kanilang lahi. Nang matutong mag-asawa ang iba ng galing sa ibang lahi ay saka nabuo ang iba pang tribo.
Sa Central Terreston naman nakatayo ang Terrestian Palace na napapalibutan ng enchantments at maze. Mayaman ang lupaing ito. Dito matatagpuan ang mga pamihilihan ng mga Terrestian, ang mga syudad na kung tawagin ay Hidden Cities. Dahil sa nagkalat na enchantments ay hindi matutunton ang mga siyudad na ito ng mga manlalakbay na galing sa labas ng Central Terreston.
At ang huli, kahit na masasabing isa itong teritoryo ng sarili nito, ay ang South Terreston. Kahit na dito nakatindig ang Dandelion Kingdom ay kabilang parin ang lupaing ito sa teritoryo ng Terreston. Marami ang nagsasabi na dapat ay ihiwalay na ito pagkat may sarili naman itong tagapamunong kaharian, at isa pa ay halo halo ang mga lahi ng Mystic na nakatira rito.
Nasa ilalim pa ng South Terreston ang lupain ng TwilightGrove, kung saan matatagpuan ang TwilightGrove Academy oh yung paaralan ng mga Mystic. Narito rin ang Libran Bank, at ang sikat na bilihan, ang isla ng Gritcore. Kumbaga, pinaka maunlad ang South Terreston.
Mga mahahalagang bagay tungkol sa teritoryong ito:
-Binubuo ito ng limang rehiyon, limang syudad, at dalawang kaharian.
-Apat ang klima rito. Ang tag-araw, tagsibol, tag-lagas at ang taglamig.
-Walong lahi ng mga Terrestian:
Argonian, Chimeran, Terranxen, Eredelen, Mandran, Condros, Frondos, at ang Flean Stent,
Ang sumunod na Territoryo ay ang Ephiphyra Devian...
Isinara ni King Herion ang libro na nagdulot ng paglabas ng makapal na alikabok. Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan.
Mag isa lamang siya sa silid aklatan ng palasyo at nahanap na niya ang libro. Inikot niya ang paningin sa kwarto. Puno ang library ng ceiling-high na mga bookshelves na puno ng mga libro, scrolls, mga papel, at kahon. Dito kumukuha kadalasan ng impormasyon ang hari kaysa pakinggan ang mga napapanahong ulat ng mga mensahero niya. Ngayo'y gusto niyang malaman ang mga posibleng makakatagpo ng dalawa niyang anak sa paglalakbay ng mga ito, kaya't napagdesisyonan niyang buklatin ang ilang libro.
BINABASA MO ANG
The Wizard Guardians (Part 1 And 2)
FantasiPart 1: The Five Kingdoms Part 2: The Dark Battle A creature uknown, The most evil of all. Sleeping in the deepest void of darkness, will once again rise, awake, reveal itself, and spread darkness to conquer the magical land. Five kingdoms, countle...