Matapos ang isi-nerve na lunch sa Dining Hall, nagpaalam na si Adriel sa hari at umalis na sila ni Henry sa palasyo.
Ginamit nila ang passage na papunta sa likuran ng palasyo. Pagkalabas na pagkalabas nila sa palasyo ay tumambad sa kanila ang isang malawak na damuhan, at sa di kalayuan ay isang gubat na nakakubli sa isang hilera ng mas malalaking puno na nagsisilbing boundary.
Napagtanto ni Adriel na sa harap at gilid lang ng palasyo ang maze, at ang likuran nito ay isang malawak na gubat pa ang nakapalibot.
Naglakad sila sa damuhan ( the griffins were freed) hanggang sa narating nila ang boundary ng mga oak trees. May isang archway roon na papasok sa kagubatan.
''Henry, you've got the map. Pahiram ako.'' Sabi ni Adriel ng huminto sila sa archway. Nilingon niya ang palasyo, at, to his surprise, may maze na ang kaninang damuhan lang na nilakaran nila.
''Enchantments.'' Bulong nalang niya habang naghalungkat na si Henry sa leather bag niya. Hindi pa rin bumabalik ang kulay ng mata niya sa normal.
Ilang segundo pa ay nilabas na ni Henry ang isang scroll at binigay iyon kay Ad.
Kinuha naman iyon ni Adriel at in-unscroll ang mapa. Once more, tumaas nanaman mula sa parchment ang mga swirling multi-colored dusts.
Nilabas ni Ad ang wand niya mula sa belt niya at itinutok ito sj mapa.
''Whelro Eimos I?'' Bigkas ni Adriel at tinutok ang wand sa mapa. Isa iyong location pointer, kung nasan ka mismo nakatayo ay makikita mo sa mapa.
Nagswirl ang mga alikabok sa mapa at naging isang kulay nalang ito: brown. Nag iba ang mga drawing dito, at isang malaking malaking 'Terrestian Kingdom'' ang nakasulat sa ibaba ng mapa.
Tiningnan iyon ni Ad, sa left side ng mapa ay naka drawing ang palasyo, isang glade, at pagkatapos ay---
''Argonian Village.'' Banggit niya ng makita sa mapa ang village. Tumingala siya at tiningnan ang archway, alam niyang enchanted din ito dahil gubat lang ang nakikita niya. Paniguradong pag lumagpas sila roon ay iba ang makikita nila, malamang ay ang village.
''C'mon, I have a feeling that this would be great.'' Adriel tried to smile.
Hindi siya pinansin ni Henry at naglakad sila papalapit sa archway...
---''We will use the animals to reach Dandelion Kingdom before sunset. All knights and soldiers will take weapons, womans should wear armors, and childrens would be safe in the palace. Am I understood?''
''Yes, your majesty.''
Prince Torrenlor bowed to the king, and, one hand on his sword in his belt, he turned his back on the throne and marched away. Several guards followed him.
Dumiretso si Prince Torrenlor sa isang corridor, at narating nila ang dulo nito, which was a large circular, empty hall.
Hinarap niya ang mga gwardiyang nakasunod sa kanya at huminto silang lahat.
''Zeno, ikalat ang balita sa silangan ng palasyo; Magon, sa kanluran; Ferxoncoff, pumunta ka sa North Tower, Wolocroef, sa south; Genoxrein, siguraduhin mong ihahanda ng mga smiths ang mga armas; Rahmendal, maiwan ka rito. Move!''
Nag hiwa hiwalay na ang mga gwardiya para sundin ang utos ng prinsipe at tanging isang blonde na gwardiya nalang ang naiwan.
''This one is going to be a great war,'' panimula ng prinsipe at naglakad na ulit siya patungo sa isang spiral staircase na nakapaikot sa isang malaking pillar. ''The Faunas can'not explain, pero lahat ng hayop sa forest ay tila nagtatago na. I wonder how they felt it.''
BINABASA MO ANG
The Wizard Guardians (Part 1 And 2)
FantasyPart 1: The Five Kingdoms Part 2: The Dark Battle A creature uknown, The most evil of all. Sleeping in the deepest void of darkness, will once again rise, awake, reveal itself, and spread darkness to conquer the magical land. Five kingdoms, countle...