Chapter 5: Misunderstanding

891 31 0
                                    

Henry's POV

Hahahahaha! Hahahahaha! Ang galing ko talaga! Nanalo na kami dumugo pa yung ilong nung panget na mayabang na kalaban namin dahil tinamaan siya ng spike ko. Naku po, artista nanaman ako ngayon.

Ok. Balik sa dati. Buti nalang nalusutan ko yung mga fans ko kanina at eto ko ngayon, mag isang naglalakad papunta sa locker ko.

Hoo, puro pawis na ko, mahirap na, ang hot kong tingnan. :D Huahuahuahua! Sabi ko nga tama na eh.

Nakarating ako sa locker ko at kumuha ako ng pamalit na t-shirt at bimpo. Saka ko iyon binitbit at kinuha ko yung bote ng tubig at uminom.

Pagkabalik ko ng bottle ay isinara ko ang locker ng may tumawag sakin.

''Hey Henry!''

Ay, tsk. Patay ako neto. Isa 'to sa mga fans ko eh. Papa- autograph siguro. Teka asan ba yung marker ko...

''Oh, hai.'' bati ko naman. Di ako snobero eh.

''Ang galing mo kanina, congrats.'' naglakad siya dahan dahan papalapit. Nakangiti na parang may binabalak.

''Thanks.'' sabi ko at hindi ako kumibo ng tuluyan siyang makalapit.

''And because of that, I've got a surprise for you...'' tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa saka niya ko tinitigan sa mata.

''W-we-wait, uh,'' nagulat ako ng kumapit siya sa batok ko at sumandal siya sa pader at napatukod ako doon.

Hinila niya ang batok ko at saka niya ko hinalikan sa labi. Bwisit! Hindi pwede 'to! Si Jess lang ang pwedeng humalik sakin.

Hindi ko mailayo ang mukha ko sa higpit ng kapit niya.

''H-henry...''

Pareho kaming napatigil ng babae at napatingin kay Jess na nakatayo sa dulo ng hallway at gulat na nakatingin samin.

Bwisit! Bwisit! Hindi pwede 'to!

''J-jess. Jess wait!''

Nagtatakbo siya palayo. Sa sobrang inis ko ay lumayo ako sa babae na ang lawak ng ngiti. Pucha!

''You're very ugly, and you're lips tastes like overcooked squash!'' Singhal ko sa kanya at saka ako tumakbo para habulin si Jess...
---
Jess' POV

D*mn this! I saw him! I really saw him! Nakaka asar! Nakakbwisit! Bakit niya nagawa yun? Matagal na ba niyang ginagawa yun? Na kapag wala ako ay kung sinu-sinung babae na lang ang nilalandi niya? Matagal na ba niya kong niloloko! Bwisit! I really don't expect that he can do it to me! And d*mn him!

''Jess! Stop right there! Hindi mo alam!''

Hindi ko pinakinggan ang sigaw niya at patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luha ko pero alam kong nasa park sa kami na walang tao.

Hindi ko matanggap na ginawa niya yon. I'm really sure na siya ang may gustong makipag landian, hindi ba't ki-norner pa niya ang babaeng yon sa may pader? Yun ang nakita ko!

''I've got you.'' He seized my arm, pero huminto ako at binawi iyon saka ko siya hinarap. ''Jess, let me explain what happened, I didn't---''

''Shut up! Pwede ba Henry?! Hindi ako bulag! At hindi na ko magiging tanga pa para paniwalaan ka sa kung anu man ang gusto mong sabihin dahil alam kong ipagtatanggol mo lang ang sarili mo! Diba? Kaya pwede ba, tumigil ka na lang! Layuan mo na ko at saka ka makipaglandian sa mga babae mo! Wala kong oras para sa mga kagaya mo!'' Halos walang hintong sabi ko sa kanya. Lalo lang bumilis ang pag-agos ng mga luha ko.

''H-hey, I'm not a flirt...'' mahinang sabi niya. Sinigawan ko ulit siya.

''And I'm not blind. Stay away from me! You're a flirt! A lier! Walang kwentang childish boy!''

Nakatingin lang siya sakin at napahinto siya.

''You don't mean what you said.'' Mahinang sabi niya.

''Yes I do! Childish! Lier! Flirt! Anu pa pwedeng idagdag?!''

''YOU DON'T MEAN IT!''

Nagulat ako ng sigawan niya ko. I slapped him in the face. Napabaling siya sa lakas ng sampal ko at tila hindi kaagad nakapag-react.

''I hate you. I really do.'' At saka ako mabilis na lumakad papalayo...
---
''Kurt, pag dumating si Henry at tinanong kung nasan ako, pakisabi wala ako.'' sabi ko at dire-diretsong umakyat papuntang kwarto ako.

''Nag-away ba kayo ate?'' Narinig kong tanong niya at napahinto ako sa gitna ng staircase.

''Don't ask questions, just do what I say.'' Saka ako dumiretso sa kwarto at naupo sa gilid ng kama. Ilang segundo akong ganuon at binagsak ang katawan sa kama. Tinitigan ko ang ceiling at sinubukang pakalmahin ang sarili.

He did it to me. Why? Almost 1 year kaming nagsama bago ko siya sinagot, at dalawang taon kaming magkasama at ni-iisang araw ay wala siyang ginawang ganuon. Napaka kampante ng loob ko dahil alam kong seryoso siya, ni hindi siya lumalapit sa ibang babae liban sakin at kila Gen.

Pero nakita ko kung panu niya halikan yung babae---argh! Ang sarap nilang pataying dalawa! Nakaka asar!

''Nandiyan ba yung ate mo?''

Napahinto ako at kinabahan ng marinig ang boses niya sa ibaba. Inintay ko kung anung isasagot ni Kurt.

''Ah...eh...w-wala siya Kuya Henry eh. Kaka-alis lang pero di sinabe kung san siya pupunta.''

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sagot ni Kurt. Buti naman, ayoko munang harapin si Henry.

''Ahm, can I stay? Aantayin ko nalang siya.'' Nagulat ako ng marinig iyon kay Henry. Bakit parang hindi na ko naniniwalang sincere siya?

''Ah eh, sige Kuya Henry pasok ka.''

Narinig ko ang pagpasok niya. At ang pag akyat ni Kurt papunta sa kwarto niya, then everything went still...
--
Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Ang bigat na ng mata ko sa pag-iyak pero hindi ko magawang matulog.

Sinubukan kong gawing klaro ang isipan ko pero hindi ko kaya. Hindi ko pa din matanggap na niloko ako ni Henry.

Kahit ganu ako kainis at kagalit sa kanya hindi pa rin mawala ang pag ka miss ko kay Henry. Pero ang reality na niloko niya ko, di ko maisip na magagawa niya yun.

Bumuntong-hininga ako at bumaling sa bintana. Bumaling ulit ako sa kabila at pumikit, pero wala pa rin.

Tinanggal ko ang kumot ko at napagdesisyunang kumuha ng inumin dahil tuyong tuyo ang lalamunan ko.

Lumabas ako ng kwarto at napahinto ako sa kalagitnaan ng pagbaba ko sa hagdanan.

Kahit nakapatay ang ilaw ay kitang kita ko ang maamong mukha ni Henry. Nakatulog siya sa sofa habang nakapatong ang isang braso sa noo.

Napaka amo niyang tingnan. Ang sarap titigan. At nanatili ako sa posisyon ko.

Surely he had fallen asleep while waiting for me. Sana lang totoo. Sana lang.

Umiling ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng inumin.

Bumalik din ako agad pagkatapos non, at bago ako pumasok sa kwarto ay huminto muna ako para tingnan ulit siya.

Sapat ng malaman ko na dalawang taon niya kong niloko. At sa totoo lang, gusto ko na siyang kalimutan...

----
ⓝⓞⓣⓔ:

The Wizard Guardians (Part 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon