Napatingin si Henry sa tinawag ng scout bilang Prince Daedalus. Nakayuko na ang leader scout bilang pagbibigay galang. Dadalawa mula sa mga napatumba nilang scout ang nakatayo at nakapag-bow sa prinsipe.
''Prince Daedalus...we were outf---.''
''No,'' putol ng prinsipe sa pagsasalita ng leader. ''You're just doing your job. You did great, Croidge.''
Sa tono nitong kalmado ay alam ng magkapatid na isa itong makapangyarihang nilalang. Tanging makakapangyarihan lamang ang may kayang maging kalmado sa mga ganitong sitwasyon. Ngunit, hindi nagpatinag si Henry at si Adriel. Hindi na nag bow ang dalawa. Adriel found it annoying dahil ayaw niyang nag bo-bow, napilitan lang siya kay King Raigor dahil kauusapin niya ito.
''Bow to the prince!'' Tinutukan nanaman sila ng leader na nagngangalang Croidge ng spear.
''No need, Croidge. Put that down.'' Utos ng prinsipe.
Desperadong scout, naisip ni Henry.
Naglakad ang prinsipe papunta sa mga dalawa pang scout na walang malay, at yumuko siya para suriin ang mga ito.
''Sorry for those. Dinadaan namin sila sa salita, they won't budge,'' sabi ni Adriel. Ngunit sa katotohanan, na-enjoy siya sa pambubugbog sa mga ito. His bad aura was starting to show again. Matagal-tagal din kasi siyang nagpaka-bait.
Napalingon ng kaunti ang prinsipe sa estrangherong nagsalita. Fire wizard, nalaman niya kaagad. He looked tough and strong, para sa prinsipe mukha rin siyang Dark Sorcerer. No wonder, napatumba nito ang mga scouts ng kingdom. Ngunit alam niyang may mga balak ito. No one would dare go to their territory. Lubhang mahigpit ang proteksyon sa border palang ng Ephiphyra. Iniisip niya ang intensiyon ng dalawa, ngunit hindi niya direktang tatanungin ang mga ito.
''Acrian. No doubt. We hate it.'' Komento ng prinsipe sa ginamit na lenggwahe ng fire wizard.
''Anyway, we hate you.'' Umiral nanaman ang pagkairita ni Henry. ''Stupid cultures and beliefs. Stupid creatures.''
Pinilit kumilos ng mga scouts para ambaan ng mga weapon si Henry dahil sa tinuran nito. Walang ginawa si Ad. Ang prinsipe naman ay tumayo ng tuwid at tiningnan ng kalmado si Henry.
Nakadama siya ng galit dahil sa sinabi nito. Dinamay pa ang buong kultura at paniniwala nila. Ngunit hindi niya pinakitang galit siya. He knew he would be stupid to act angry. ''Everybody here is different. Everybody here hates difference.'' Sabi nalang siya.
''Wrong. Many accept half bloods. Many accept different languages. Pero kung hindi ka ganuon, then, your stupid.'' sabi pa ni Henry at hindi niya pinansin ang galit na pag-grunt ni Croidge.
''I was then hoping that, at least, Mystics will unite as one. But, we have different ancestors, and we can only continue what they have started.''
Napaisip si Henry. May punto ito. Hindi niya masisisi kung magkakaiba sila ng paniniwala pagkat namana lang naman nila ito sa mga ninuo. Ngunit, bakit hindi naisip ng mga ninuno nila na maging-isa no'ng una pa lang? Napaka-walang sense naman kasi ng mga paniniwala ng Ephiphyrans na dapat ay pure ang lahat.
''Anyway, naatasan kaming iulat sa lahat ng kaharian ang isang mensahe,'' sabi ni Ad. ''at kung hindi kami hinarang ng lima mo'ng alagad ay hindi sana nasayang ang oras namin.''
Nasagot ng sinabi niya ang tanong ng prinsipe. So they came here as messengers. Ngunit, nagtataka siya kung bakit dalawang binatilyo pa ang gawing mensahero ng kung sino mang nag-utos rito. Karaniwan kasi kung hindi magic ang gamitin para makapag-ulat ng mensahe sa iba, ay yun namang mga Mystic na marunong ng teleportation ang ginagamit. What's with these two strangers? Napapaisip ang prinsipe. San lang din galing ang mga ito?
BINABASA MO ANG
The Wizard Guardians (Part 1 And 2)
FantasyPart 1: The Five Kingdoms Part 2: The Dark Battle A creature uknown, The most evil of all. Sleeping in the deepest void of darkness, will once again rise, awake, reveal itself, and spread darkness to conquer the magical land. Five kingdoms, countle...