You and I Collide ; Part 2

168 4 2
                                    

"Ate Glacy! please naman wag nyo kong palayasin. Promise sa katapusan ng buwan babayad na ako sadyang marami lang po talagang project kaya di ako nakabayad. "   Sabi nya habang pinupulot ang mga damit nya na nakakalat sa gilid ng kalsada.

"Wala na Devon! Umalis kana, may papalit na sayo bukas. Pasensya na!" Isinara na ni Glacy ang pinto ng apartment ni Devon.

San kaya sya pupunta? Wala na syang matitirhan.

Siya si Devon Seron. 19 taong gulang at isang  scholar sa bantog na Hopeful University. Simpleng dalaga lamang sya at lumaki sa cebu. Sa cebu sila nakatira pero lumuwas sya ng maynila para magkolehiyo.

Ring! Ring! Ring! Tumunog ang Cellphone ni Devon.

"Hello?" Sinagot nya ito habang umiiyak.

"Fren! Si Danie to! Anyare sayo bakit parang umiiyak  ka?" Nag-aalalang tanong nito.

"Danie, pinalayas na ako ni Ate Glacy sa apartment *sobbing*."

"Ano? Eh pano yan? Gabi na! San ka matutulog ngayong gabi?"

"Ewan ko, siguro dito nalang muna sa labas."

"Gaga! baka ano pang masamang mangyari sayo dyan. Wait kalang pupuntahan kita para dito ka muna matulog sa apartment ko. Sabihin mo sa'kin ha kung bakit pinalayas ka. Sige bye baba ko na to,papunta na ako dyan."

Thank you Lord! Ang bait mo talaga at binigyan mo ko ng isang mabait na kaibigan. Sabi ng isip nya habang nakatingin sya sa langit.

Naghihintay sya kay Danie ng may sasakyan na dumating. Nakita nya na may bumabang lalaki at babae mula sa sasakyan. Lumaki ang mata nya ng makita  ang ginagawa ng dalawa,naghahalikan ang mga ito na parang kulang nalang ay kwarto. Mabilis ang dalawang naglakad habang naghahalikan papunta sa pinto ng apartment nya. Nagulat sya,bakit dun pupunta sa apatment ? Kailan pa naging motel yun? Naghahalikan pa din ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng apartment at bumulaga si Ate Glacy. Napatigil ang mga ito sa paghahalikan dahil sa pagkapahiya.

"Ay pasensya na Bea,akala ko ba bukas ka pa?!" Nagtatakang tanong ni  Glacy.

"Duh! Ano kaba? binigyan mo na nga akong copy ng key diba kaya i can come here whenever i want!" Padabog na sabi nito.

Bigla namang sumingit si Enrique sa usapan ng dalawa. "Babe, let's just continue this tomorrow. Bye." At siniil na nya ng halik ang babae.

"Bye babe! See you tomorrow!" Sabi naman ni Bea pagkatapos nilang maghalikan.








Nagtungo na si Enrique sa kanyang sasakyan at nakita nya si Devon sa gilid na tumatawa at nakatingin sa kanya.

"Hey! Miss ang saya mo ata? May nakakatawa ba?" Sarkastikong tanong nya kay Devon.

Nabigla naman si Devon. Hindi nya inakala na napansin pala sya nito. "Huh? Ah eh wala naman,may naalala lang ako."

"Ganun ba? Hinay-hinay lang sa pagtawa baka kase atakihin ka dyan." Sarkastiko at nakangising sabi nito sa dalaga. Binuksan na ni Enrique ang pinto ng sasakyan at pumasok na dito.

Si Devon naman ay nainis sa sinabi ng lalaki kaya napasigaw sya. "Hoy! Arogante! Wala kang pakialam kung masaya ako!"

Hindi na binigyan ng pansin ni Enrique ang sinabi ni Devon at umalis na sa lugar.


"Hoy babae! Andito na ako!" Sabi ni Danie na papalapit kay Devon.

"Hay salamat naman at dumating kana!"

Nakita naman ni Danie na nahihiripan si Devon sa dalang gamit. "Akin na nga yang mga gamit mo,tulungan na kita." Binitbit na niya ang mga gamit ni Devon.

Patuloy lang sila sa pag-uusap while naglalakad papunta sa gate ng village.

"So, bakit ka pinalayas ni Ate Glacy?" Nagtatakang tanong ni Danie.

"Sa katapusan ng buwan pa kase ako makakabayad sa kanya eh hindi sya makapaghintay."

"Huh? Diba may pera ka naman? May part time job ka kaya!"

"Andami kaseng project natin pagkatapos sakto lang yung sweldo ko."

"Tssk. Ang sabihin mo nagbigay ka na naman ng pagkain sa mga alaga mo kaya naubusan ka ng pera."

"Kasama na din yun pero di ko naman iniisip na sila ang dahilan,alam mo naman di ko matitiis ang mga yun."

"Haay naku! Ang bait mo kase! Eh pano na ngayon? makakabalik ka pa ba sa apartment.?"

"Hindi na, may pumalit na sa'kin dun."

"Wow ah! Ambilis naman makahanap ng engot na babaeng yun."

"Duh wag na nating isipin yun. Bukas na bukas maghahanap ako ng bagong matitirhan, pahiram ako ng pera ha? hehehe"

"Oo na! Sinu-sino ba naman ang magtutulungan eh di tayong mga sexy at magaganda lang hahaha"

"Ewan ko sa'yo! Tara na nga!" Natatawang sabi ni Devon.

Sumakay na sila ng taxi papunta sa apartment ni Danie.








"Miss! Isang tequila nga." Utos sa kanya ng isang  kalakihang lalaki.

"Right away sir!"

Nasa isang bar si Devon ngayon. Hindi para magparty pero para magtrabaho. Isa syang waitress sa Vibes Bar.

"Hi Miss! Halika nga dito." Hinila sya ng isang lasing na lalaki.

"Ah sir, waitress lang po ako dito. Sorry po." Nagtangka syang humiwalay sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya pero mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Ano ba?! Bitawan mo ko! Susuntukin kita pag di mo ko bibitawan!"

Hinamon pa sya ng lalaki. "Kung kaya mo hahahaha!" At tumawa ito kasabay ang mga panget na kaibigan nya.

Hahalikan na sana sya ng lalaki pero hindi nito nagawa dahil madiin nyang tinapakan ang kaliwang paa nito. "Arayyy!" Binitawan sya  kaya umalis na sya na para bang walang nangyari.

Lumabas si Devon sa backdoor "Hah! Kala nya! Hindi ako bayarang babae,never akong magiging bayaran. kaBadtrip!"

BOOGSH!!! Napalakas nya ang pagclose ng pinto.

"Ouch!"

May narinig si Devon na parang nasaktan. "Huh? May tao? " Pagbukas nya ng pinto nakita nya ang isang lalaki na nakahiga at dumudugo ang ilong.

Nataranta si Devon dahil parang nawawalan ng malay ang lalaki. "Hala sorry po!" Umupo sya at iniangat ang ulo ng lalaki. Tinapik tapik nya ang mukha nito. "Hey! Gumising po kayo. Whaaaa anong gagawin ko??... Tulong!" Tumigil sya sa pagsigaw ng ma-notice nya ang pagmumukha ng lalaki. " Teka parang sya yung lalaki kahapon... Naku Lord tulungan nyo po ako." Sabi ni Devon na puno ng kaba at pag-aalala.

_______________________________________

ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY DEVON NGAYONG NAGKITA ULIT SILA NI ENRIQUE? WELL! ABANGAN SA SUSUNOD NA UPDATE! HAHAHAHAHA

SYA NGA PALA PASENSYA SA MGA MALI-MALI KO, DI PO KASE AKO PRO HAHAHAHA BOW. THANK YOU!

® Danilyne ツ






You and I Collide [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon