Part 6

99 3 1
                                    

"Hindi ko na kailangan ang offer mo." Devon said while sipping her coffee. Nasa coffee shop sila ni Enrique.

"Oh, really? Bakit may new work ka na ba?" He grinned.

"Oo, at mas maganda yun kesa maging maid mo ko. Salamat sa awa pero kaya ko ang sarili ko." She said it with pride. Tinaasan nya ng kaliwang kilay si Enrique.

"Who said naawa ako sayo? Well, yeah siguro parang ganun na din. Nasanay na ako sa charity ko kaya tumutulong ako sa mga katulad mong hopeless." He didn't really mean it. Alam ng mga tao na Enrique Gil is such a generous man. He helps with open hands and whole heartedly. Sinabi nya lang iyon para mainis ang babae.

Nagngitngit ang mukha ni Devon. "O, talaga? Salamat ha dahil tinutulungan mo kaming mga HOPELESS pero sorry hindi ko na kailangan ang tulong mo SIR. Alis na ako."  She said it sarcastically and then tumayo na at umalis. "Bye! Enjoy your day Miss Seron!" Naiwan naman si Enrique na nakangisi.

Ganun ? Ang kapal kapal talaga ng lalaking yun. Akala mo ang gwapo gwapo! Ang gwapo naman talaga -_- Ano bang mali nya? amp..panget ang ugali! panget! walang respeto sa kapwa. Hindi naman ako hopeless! Hopeful nga ako eh..kung hopeless ako, matagal na akong nagpatiwakal! Nakakainis! sana hindi ko na sya makita forever! She murmured.

Papasok na si Devon sa skwela. Hindi pa naman sya late kaya nilakad nya nalang, tipid na din kasi yun. Gusto nya ding maglakad dahil madami syang naiisip. Kagaya nalang ngayon,kelan nya kaya ulit makikita ang mga magulang at mga kapatid? Namimiss nya na ang mga ito. Ang hirap maging mahirap pero alam ni Devon na someday she will be successful. Ginagawa nya ang lahat para matupad ang pangarap kaya kinakaya nya na mahiwalay muna sa pamilya.

"Devs! Devs!" Humihingal pa ang babae nang lumapit ito sa kanya. "O? bakit? anong meron?!" Pag-aalala ni Devon.

"Pakopya naman ng assignment please." Natawa naman si Devon. "Yun lang naman pala eh." Kinuha nya ang notebook sa bag at ibinigay sa kaklase. Hindi naman madamot si Devon pagdating sa assignments kaya nagpapakopya sya.

Pumasok na sila sa classroom. As usual, busy na naman sa pangongopya yung iba. May natutulog, nagbabasa at may nagchichismisan. "Omigod fren! Ang gwapo nya talaga. Ang perfect nya! Mayaman, matalino, mabait, matulungin, hot at gwapo. Fren, kailan kaya sya magiging akin?" Kilig na kilig na sabi ni Girl no.1 habang nakatingin sa magazine. Sumagot naman si Girl no.2 "Yes. How i wish din fren maging akin sya. waaaaaah." Sabay namang tumili ang mga ito. Napa-tsk nalang si Devon sa maharot nyang mga kaklase.  At dahil sa pagkaharot ng mga ito ay nahulog ang magazine, pinulot nya ito dahil nasa harap ng mga girl sya nakaupo. Napatigil si Devon sa nakita. Seriously? Sya ba tinutukoy ng mga kaklase? Ano'ng ginagawa ng lalaking to sa cover ng magazine? "Thank you, Devs!" sabi ni girl no.1 at napa-"Oh"  naman si Devon dahil bigla nitong hinila ang magazine. "Ummm. Biancs, pahiram naman ng magazine mo." Kailangan nyang makita ang article tungkol sa lalaki. "Sure basta take care of it ha, iadd ko yan sa collection ko of Enrique's mags and everything!" May pa-dreamy  dreamy effect  pa itong nalalaman. Naasar si Devon pero nagsmile nalang sya kahit hindi nya naman gusto. "Of course! Isasauli ko ito agad agad, promise!"

Binuklat nya agad ang mag at hinanap ang page kung saan may article ang lalaki. She silently read it. "So Enrique Mari Barretto Gil ka pala ha." Iba't iba ang pose ng lalaki sa picture. He was wearing a formal suit. Ang lakas ng dating ng lalaki kahit di ito maghubad. May pic pa dun na naka-smile ito. Ang amo ng smile pero panget ng ugali sabi ng isip ni Devon. The article talks about Enrique's life. How he ended up so successful with the age of 21. Nasabi sa article na half spanish ang binata at lumaki sa spain. Simula ng mamatay ang ama noong 18 pa si Enrique ay umuwi siya ng Pilipinas kasama ang ina at dalawang kapatid. Siya ang nakakatanda among his siblings kaya siya ang ibinoto ng mga investors para mamuno sa kompanya with the guidance of his tito Genero. That time  he was really pressured, he always thought when you're 18 you're free to do anything but not him. After school he had to go to the company. Check and plan things. That's why now he's enjoying life while working. He also confessed that he has no girlfriend but girl friends there are many. As if naman may seseryusohin kang babae! paglalaruan mo lang sila. Naku baka yang mga sinasabing girl friends ay girlfriends mo naman talaga! Sinungaling! Sabi ng iritang iritang isip ni Devon. Oo na! Sya na ang nega. Who cares kung mag-iisip sya ng masama di ba? hindi nya naman ulit yun makikita.

Pagkatapos mabasa ay isinauli nya agad ang magazine kay Bianca. "Thanks Biancs!" at nag-smile ito.

Kailangan ko na syang kalimutan. I have my new work and choks na! Isa nalang syang basura na nabulok na! wahahaha!  Umandar na naman ang pagkademonyo ng isip nya. Natawa nalang sya.

You and I Collide [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon