You and I Collide ; Part 3

155 3 3
                                    


"Ano ba kase ang nangyari Devon?!" Nag-aalalang tanong ng boss ni Devon.

"Boss,di ko po yun sinasadya. Di ko naman po kase alam na may nakasunod pala sa'kin eh padabog ko pong nasara ang pinto kaya ayan natamaan."

"Bakit mo naman kase isinara ng malakas ang pinto? Eh kung nasira yon may babayaran ka na naman sa'kin!!!" Sigaw nito sakanya.

"Ah boss! di naman po ako bingi baka pwede nyo pong hinaan boses nyo ano? Hindi naman po ako nag-aalala kase alam ko matibay yun at hindi basta-bastang masisira."

"Kahit na! Dumadahilan ka pa talaga na ikaw na nga ang may kasalan. Yan! Anong sasabihin natin dyan kapag nagising na yan? "Tinuro naman ng boss ni Devon ang lalaki na nahimatay kanina. Nandito ito sa staff room at kasalukuyang natutulog sa maliit na kama.

"Ewan ko po. Magsosorry nalang po siguro ako." Nakayukong pagsagot ni Devon.

"Eh yung kanina? Bakit mo yun nagawa sa isang costumer natin?" Boss

"Boss!! Binastos nya po ako!! Alangan namang pabayaan ko lang."Devon

"Wag ka na ngang maarte Devon. Malaki nga ang kikitain mo kapag pumayag ka. Ayaw mo ba nun?" Boss

"Gago ka pala eh! Anong akala mo sa'kin bayaran?"

"Gamitin mo utak mo Devon! Kung gusto mong kumita ng madaming pera  yung na ang pinakamadaling paraan."

"Oo kailangan ko nga ng pera pero gusto kong kitain yun sa mabuting paraan. Ewan ko sa'yo! Bahala ka dyan!"

"Hoy! San ka pupunta?! Pano na to?!"

"Kaw na bahala dyan! Kaya mo na yan !"

Lumabas na si Devon  sa bar at iniwan ang boss nya. Nawalan na sya ng respeto sa boss dahil sa nasabi nito. Inis-inis syang habang naglalakad pauwi.

"Urghh! Kakaiba na talaga paniniwala ng mga tao ngayon! Nakakainis! Ayaw ko na sa lugar na yun! Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho."









Meanwhile, si Enrique naman ay nagising na mula sa pagkakatulog.

"Ouch. Ang sakit ng ilong ko." Hinawakan nya ang kanyang ilong.

"Sir! Pasensya na po talaga sa nangyari sa inyo. Di po yun sinasadya ng empleyado ko." Sabi ng boss.

"Where is she?" Tanong ni Enrique.

"Sino po sir?"

"The girl who did this to me."

"Ah sir kase po umalis na sya."

"What? Damn it!"

Inis na inis si Enrique dahil pinabayaan lang sya ng babae. May naisip syang paraan kung paano makaganti. Yes, paglalaruan nya ito. Hindi nagpapatalo ang isang Enrique Gil.

Tumayo sya at tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan.

"Hello? Sunduin nyo ko sa vibes bar. Ngayon na!"

Lumabas na sya ng bar at naiwan ang boss na problemado. Siguradong mababawasan na ang kanyang mga customer dahil sa ginawa ni Devon.





Limang minuto lang ang hinintay ni Enrique at dumating na ang kanyang mga tauhan na dala ang kanyang limousine.Sumakay na sya.

"Sir, saan po ang punta natin?!"

"Sa San Lorenzo street."

"Sige po Sir."

Nalaman ni Enrique ang street na pupuntahan ni Devon dahil bago sya umalis ay bumalik sya para tanungin ang boss kung saan ito nakatira.






While papunta na sila sa nasabing lugar, may napansin si Enrique.

"Wait. Stop here. That's her! Go get her, you know what to do."

"Yes sir."

Lumabas na nga ang mga ito at pinuntahan si Devon na walang kaalam-alam sa mangyayari sa kanya.







"Hayyyys wala akong karapatang magreklamo sa buhay ko dahil alam ko naman na may mas naghihirap pa kaysa sa'kin. Buhay nga nama------hmhmp bhi-bhi-tawan nyo kho mmmpppp." di nya natapos ang kanyang litanya dahil may biglang tumakip ng kanyang bibig at binuhat na sya ng mga kasamahan nito.

Nagpupumiglas na sya pero hindi nya kaya dahil mas malaki ang  mga taong nakahawak at bumubuhat sa kanya. Tinakpan nila ang kanyang bibig.
 

Pilit namang inaalis ni Devon ang kamay ng lalaki mula sa kanyang bibig. "Hoooy! Bi-bi-ta-wan mokooo Ahhhhhhhhhhhh" kinagat nya ang kamay ng lalaki, kumawala ang kamay nito pero di parin sya binibitawan ng mga kasamahan nito.

"Hoy san tayo pupunta! Ahhhhh ibaba nyo ko!!!!! Ahhhhhh wala akong pera!!! Pumili na kayo ng ibang bibiktimahin pleaseee po!!! Huhuhuhu."

You and I Collide [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon