Part 9

86 3 1
                                    

"Oo na! Pauwi na nga ako eh." She was talking to her bestfriend on the phone. Pauwi na si Devon galing sa class nya. Binilisan na niya ang paglakad papuntang terminal ng bus. Dala nya ang shoulder bag at mga cartolina. "Oo na sabe! binibilisan ko na nga oh. Ba't ba atat ka?" Iritang tanong nya dito. "May surprise ako sayo!" Excited na sagot nito. "Ano ba yan? Sabihin mo nalang please para di na ako magmadali!" Biglang nahulog ang isang cartolina ni Devon. It rolled down on the street. Hinabol nya ito at.......

"Miss! Miss! Umalis ka dyan!" Sigaw ng mama na nakakita kay Devon. Paglingon nya ay nakita nya ang paparating na motor, mabuti nalang at alerto sya kaya dali-dali syang umatras at napa-upo sa sidewalk.

Tumigil naman ang motor. Nakasuot ang driver ng leather jacket at ipinailaliman ng white tshirt para sa pang-itaas. Sa lower part naman ng lalaki ay black jeans at black rubber shoes. Maputi ang lalaki at matipuno. Dahan-dahan nitong itinanggal ang helmet at bumaba sa motor. Pinulot nya ang Cartolina at agad syang lumapit kay Devon.

Si Devon naman ay dahan dahang tumayo at nagpagpag ng damit kaya hindi nya agad napansin ang lalaki. "Miss? Are you okay?" Tanong ng lalaki. Narinig iyon ni Devon kaya nag-angat sya ng ulo. "Okay ka lang?" Tanong ulit nito dahil hindi sya sumagot. "Ah! Okay lang ako. Sorry. Akin na yan." Sagot nya at dali-daling hinablot ang cartolina. Parang nakita ko na sya dati. Pamilyar talaga ang mukha nya. Yung suot nya lang ang nag-iba. Pinulot na din ni Devon ang mga nahulog na cartolina. "Tulungan na kita." Sabi ng lalaki. Pinulot na din nito ang mga cartolina.

Iniabot ng lalaki ang lahat ng cartolina sa kanya.

"Wait. You seemed familiar. Nagkita na ba tayo dati?" The guy asked na ikinagulat naman ni Devon. Hindi sya nag-angat ng ulo. "Hey!" Hinawakan ng lalaki ang chin nya para iangat ang ulo niya. Konti lang ang distansya nila.

Binitawan nito ang chin ni Devon at ang sariling chin naman nito ang hinawakan at nag-isip. "Devon?" Then he smiled. At gusto ng tumakbo ni Devon. Bakit nakita pa nya ang lalaking kinaiinisan nya noon? At ang worst pa ay nakilala sya nito pero think positive pa rin, mukhang nagbago na ang lalaki. "Ako nga." Nakasimangot nyang sagot. "Wow! The last time i saw you was the day you turned down my offer. Well, don't worry i'm not like that anymore." Tumawa ng mahina ang lalaki. Napaisip si Devon. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tsaka ibang iba na ang dating ng lalaki di gaya dati na palaging nakaformal suit at ang buhok ay nakagel para tumayo talaga ang sa harapan na ngayon ay iba na, yung normal na lang na buhok nya, walang gel o ano pang kaek-ekan na nilagay. Sya pa rin kaya ang CEO ng company nila? He looks a rocker than a man who works in a company.

Kailangan ng umalis ni Devon dahil matatagalan na sya kaa nagpaalam na sya. "Sige. Mauna na ako sa'yo ha? Salamat, Enrique."

"Wait! How did you know my name?" Nagtaka sya. Sa pagkakaalam nya ay di pa nya nasabi ang pangalan sa babae. "You're the CEO of Gil Properties. I saw you on a magazine few years ago." She confidently said and smiled.

"Well, I'm not the CEO anymore. It's nice to meet you again. Bye. Just be careful okay?" He winked. Napalunok nalang si Devon sa ginawa nito. Nahahanginan talaga siya sa dating ng lalaki. Nagnod nalang siya at binilisan ang paglakad papunta sa terminal.

Enrique then get back to his motorcycle and gone to his gig.

"Dude, ang aga mo ngayon ha, diba 6 pa magsta-start ang show niyo?" The guy holding a glass of wine asked. "You know I don't want to be late." Enrique answered. "Paano yan, wala pa ang bandmates mo?" The guys asked again. "I can wait." He stiffly answered.

Nasa bar sya, nandito kasi ang gig nila. He quitted as a CEO few years ago and became a guitarist. Ito yung gusto nyang gawin. Though tutol ang mommy nya sa kanyang naging desisyon ay wala na rin itong nagawa dahil pursigido sya. Salamat na din sa tulong ng nakababatang kapatid na si Kean na syang umamin ng saloobin nya kay Arjo. Si Arjo naman ay di nagdalawang isip na tulungan sya kaya heto sya ngayon, sinusunod ang pangarap nya.

While waiting for the bandmates, he seated near the corner. Iniisip nya yung pagkikita nila ni Devon. Namangha sya sa ganda ng dalaga. It was still her few years ago. Natawa sya bigla dahil naisip nya ang katangahan na nangyari dito kanina. Napailing na lang sya.

You and I Collide [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon