echo. devil + toodler = world war!

73 6 1
                                    

a/n: may dinagdag akong scene. nawala sa isip ko kanina sa sobrang excited kong magupdate. sorry hehe

GARNETTE

It's been a week mula nang magpropose saken si Graunt. Yes. Umamin na ang devil na nagsisimula nang bumalik sa pagiging angel. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sya pupunta dito sa bahay at araw araw din na walang humpay na asaran ang namamagitan sa kanila ni Dustin tulad ngayon....

Kanina akala ko nananaginip lang ako na yakap nya ako habang natutulog ako. Buset na to, totoo pala kaya nagulat ako sa pagmulat ko ng mata, muka kagad nya ang bumungad saken! Agad akong tumakbo sa banyo para dali-daling maligo. Mabuti na lang wala na sya pagpasok ko sa kwarto. Ngayon, nagluluto ako ng umagahan namin pero nakabackhug lagi sya saken.. Sweet nga, pero naasiwa at nahihirapan akogn kumilos kasi pabalik balik ako sa kalan at sa lamesa pero may nakadikit saken at nakapatong pa ang baba nya sa balikat ko. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya saken at kinuha ko ang itlog na ilalagay ko sa soup pero naramdaman ko na naman ang kamay nya sa may parteng tyan ko, niyakap ako at hinaplos ang buhok ko saka ipinatong ulit ang baba nya sa balikat ko. Nainis na ako. Hinarap ko sya at saka sinabing, "Hindi ko mat-" naramdaman kong lumapat ang labi nya saken. He gave me a peck on my lips then he smile. "Aantayin kitang matapos dyan." sabi nyang nakangiti saka nagtungo sa living room at binuksan ang TV. Naiwan akong pinapanood sya sa paglabas nya sa kusina saka ako nagbalik sa pagluluto.

"Mommy, bakit nadito na naman sa bahay ang karibal ko sayo? What is he doing here?!" bungad saken ni Dustin na halatang kagigising lang. Ngumiti ako at nilapitan sya. "Baby, he's not your karibal. You're my number one guy." alo ko sa kanya. Nakita kong nagliwanag ang muka nya sa sinabi ko. "Is that true, Mommy?" paninigurado nya. Tumango ako. Agad syang tumakbo sa kinaroroonan ni Graunt at saka ko narinig ang sinabi nyang, "You heard it! Mommy said I am his number one guy! That means you're just her number two!" Natawa ako sa sinabi nung bata at pinagpatuloy ang pagaayos ng dining area. Ilang sandali pa'y naguunahan na ang dalawa papunta saken. "Diba, Mommy, I am your number one guy? Sabi nya he's your one and only." nakasimangot na sabi ni Dustin. "That's true. I am your Mommy's one and only guy. Ikaw, hindi ka guy. Bata ka pa. Palaki ka muna para maging guy ka at ma-save mo si Mommy mo sa mga mananakit sa kanya!" patol naman ni Graunt. Paiyak na si Dustin pero tong Graunt na to tuwang tuwa pa dahil natalo nya ang bata. Baliw talaga -__-

"You're both my boys. Let's eat na." sabi ko tapos umupo na ako. Nagunahan na naman ang dalwa sa upuan kung sino ang tatabi saken. Iisa ang upuang katabi ko at talagang pinagaagawan nung dalawa ang upuan. Jusmeyu, malalagasan ako ng buhok neto!!! "Enough! Dun na lang tayo sa harap ng TV kumain tutal mahaba ang sofa dun. Hakutin nyo na lang ang pagkain at ilagay sa center table." utos ko sa kanila. Mabilis naman silang kumilos. Dala ni Dustin ang kanin habang kay Graunt naman ay soup. Dala ko naman ang Tempura na parehong paborito ng dalawa. Bumalik ulit sila sa dining room upang kunin ang mga plato namen. This time, sa gitna nila ako naupo. Tahimik naman kaming kumain habang nanonood ng TV kaya lang.......

Binuksan ni Graunt ang TV at naghanap ng palabas. Nang makakita ng sci-fi movie si Graunt ay tumayo muna sya saglit para kumuha ng juice sa ref. pasimple namang kinuha ni Dustin ang remote na nakapatong sa center table. Inilipat nya ang channel sa cartoon network. "What the?!" bungad ni Graunt galing kusina. Nagtongue out naman si Dustin. Ilang minuto lang nakalipas ay nagpaalam si Dustin na iihi sya. Syempre, ang lokong si Graunt, hindi papatalo kaya agad nyang inilipat ang channel sa HBO. Ano pa bang eexpect mo pagdating ni Dustin at nakitang wala sa Cartoon Network ang channel? Bago pa man magsalita si Dustin ay agad kong binawi ang remote kay Graunt at saka inioff ang TV. Nakita kong dinilaan ni Graunt si Dustin at akma namang susuntukin ni Dustin si Graunt anytime. Napailing na lang ako.

Devil's Love Story [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon