GARNETTE
Wala kaming imikan habang nasa kotse kami. Basta nakangiti lang siya. Nakangiti talaga as in. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Like the view you're seeing,huh? Agad ko namang binawi ang tingin at ibinaling ko sa labas. Kapal mo ah. May tinitingnan lang ako sa side mo. Palusot ko. Shet. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Sumulyap ulit ako sa pangalawang pagkakataon tapos na-focus ako sa labi niya. Automatic nag-flashback yung halik nya kanina nung nasa theatre kami. Ang lambot ng labi niya. Parang ang sarap halikan. Ang sarap ulit- WHAT?!! ERASE! ERASE! ERASE! Guess you like the kiss. Want me to repeat it? at inilapit nya yung mukha niya sa mukha ko.
O///////O
*sampal sa kanya* PERV!
Pero tinawanan lang nya ko. Ngayon ko lang napansin na nasa bahay na pala kami. Dali-dali akong bumaba ng kotse nya at agad nagtungo sa kwarto ko. Pagod na ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at nagmuni-muni. Mahal ko si Levi. Pero bakit naguguluhan ako sa ina-akto ni Graunt ngayon? Bakit ganun siya? Hindi kaya sinasaniban yun? At muli ko na naman naalala yung halik niya. Inis na pinagsasampal ko ang sarili bilang pagsaway sa kaiisip sa halik na yun. Pakiramdam ko nagtaksil ako kay Levi. Bukas na bukas sa pad na ako uuwi. Hindi ko siya kayang harapin dahil sa nangyari samen ni Graunt. Aish. Bat kasi biglang lumandi yung demonyong yun eh! Ako pa talaga!
Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. Bukas hahakutin ko na sa pad ang mga gamit ko. Medyo maayos na naman yun dahil tinapos na namin ni king ang pagpipintura. *sigh* Nahiga ulit ako sa kama pagkatapos.
Naalimpungatan ako sa ingay na nangyayari sa baba. Dali-dali akong bumangon at tumakbo palabas para tingnan kung anong nangyayari. Si Graunt, nagbabasag ng mga gamit! Graunt! sigaw ko. Agad naman siyang napatingin sa akin at naudlot ang pagbabasag sana ng vase na hawak hawak nya. Aga - aga ang ingay mo! Ano bang nangyayari sayo? Ba't ka nagwawala dyan? Napansin kong namumula ang ilong nya pati mata. Sa sobrang galit, ibinato niya yung mga throw pillow at umakyat. Napatigil sya sa tapat ko. Akala ko aalis na sya pero kinaladkad nya ko palabas ng bahay. Nagpumiglas ako at pilit kumakawala mula sa pagkakahawak nya. Ano ba Graunt! Bitiwan mo ko!! ngunit wala syang naririnig. Nakarating kami sa garahe at binuksan nya ang shotgun seat ng kotse nya tsaka niiya ako itinulak papasok. Natumba naman ako papasok sa loob kaya nagkachance syang isara ang pinto ng kotse at mabilis na nagtungo sa driver seat. Agad na binuhay ang car engine at saka pinatakbo ng matulin ang kotse. Graunt ano ba?! Dahan dahan ayoko pang mamatay!! pero wala siyang narinig. Sa sobrang takot ko, mariin kogn pinikit ang mga mata ko at nagtakip na lang ng tenga. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa ganung posisyon hanggang sa namalayan ko na lamang na nakatigil na kami at bumaba sya ng kotse. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko ang isang breath- taking na tanawin. Hindi ko alam kung nasan kami pero, parang paraiso ang nakikita ko. Bumaba ako sa kotse at nagtungo kung saan nakahilata sa damuhan si Graunt. Nakahiga siya tapos nakapikit ang mga mata. Ibang klase din tong maging emo. Napailing na lang ako. Anong ginagawa natin dito? untag ko sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko, sa halip tiningnan lang niya ako at bumalik sa pagkakapikit ang kanyang mga mata. Tch. Alam mo bang nakapantulog lang ako ni hindi pa ako nakakapagmumog tapos kinaladkad mo na ako dito? Aba naman Graunt, hindi mo ako alagang tuta! nagpapadyak pa ako para mapansin niya. Hoy ano ba kin-
Manang left us. My used-to-be mom left me. She's all that I have. Stephanie fired them all. All of the house cleaners, including Manang Perla and Mang Karding. putol niya saken. Napaawang ang bibig ko at napaupo. Close pala talaga sila ni Manang Perla. Sa halos isang taon na pamamalagi ko sa piling nila, napuna ko na sweet si Manang Perla kay Graunt. Bagamat isang salbaheng bata si Graunt, nadun pa rin si Manang sa tabi niya. Nung minsan nga, nahuli ko pang pinapatulog ni Manang si Graunt. Naupo rin sya at humilig sa balikat ko. I dont know how to start again without her. She's all I have. sabi niya. Maya-maya naramdaman ko na lang ang balikat kong namamasa na dahil umiiyak na si Graunt. Hinayaan ko na lang na ilabas nya ang kanyang emosyon para kahit papano ay gumaan gaan ang pakiramdam nya. Yung Graunt na kilala kong bully, maangas, walang kinatatakutan ay umiiyak ngayon sa balikat ko. Totoo ngang lahat ng tao ay may kahinaan.
BINABASA MO ANG
Devil's Love Story [on-going]
Non-FictionKapag sinabing "DEVIL" automatic nasa isip natin NEGATIVE. Bakit nga ba hindi,di ba? Kasi nasa kanya na lahat ng masasamang ugali. What if, this Devil also knows how to love?