hello nak :)
@@@@@@@@@@@@@@@@@
LEVI
Mabilis kong tinapos ang mga paperworks ko para makasabay ko si Garnette. Dadalhin ko siya sa isang petshop. Balak ko siyang bilhan ng isang tuta para naman malibang siya. Fifteen minutes before her classes end natapos lahat so dali-dali akong nagpunta sa room nila. Hinintay ko na lang siya sa gilid ng classroom nila para hindi ako tawag pansin sa klase niya. Sumandal ako sa pader at pansamantalang tumingala at pinikit ang mga mata ko. Maya-maya pa narinig ko na ang professor nila na nagpaalam at nagsimula na silang maglabasan. Nakita ko si Graunt na nauunang lumabas ng room. Wow. Natutuwa naman ako at naisipan niyang pumasok. Saglit akong nawala sa pag-iisip kay Garnette dahil kay Graunt. Huli silang lumabas ng room. She's with her friends. Girls, can I borrow her? tanong ko sa kanila. Sure Sir, kahit wag niyo na po ibalik. Ingat lang po kayo dyan, nangangagat yan. Bilin nung isa niyang kaibigan. She just glared at her friend at natawa naman ako sa hitsura niya. Shall we go? baling ko sa kanya. Wala sa loob na tumango siya. Kinuha ko yung gamit niya at dadalhin ko sana pero tumanggi siya. Ayaw mong ako ang magdala ng gamit mo?tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Umiling siya. Bigla akong nakaisip ng kapilyuhan. Hindi ako umimik pero nang makita kong wala na sa pinag-usapan namin ang atensyon niya, hinablot ko ang bag niya sabay takbo. Hahahaha catch me if you can, Garnette!I shouted. Naman Levi! narinig kong sigaw niya. Paglingon ko, natakbo din pala siya. Haha ang cute niyang tingnan! Ikaw talaga! Lagi mo kong pinatatakbo. salubong niya sakin kasama ang pagbatok siyempre =_________= HAAAYYY kawawa naman ako kung magiging girlfriend ko 'to napakabrutal.
Sumakay na kami sa sasakyan ko at tinahak namin ang daan papunta sa isang petshop.
*U* ----> mukha niya pagkakita ng petshop. Kulang na lang maging diamonds ang mga mata sa sobrang excited.
Inalalayan ko siyang bumaba ng kotse. Hi, we would like to adopt one of your puppies here. bungad ko sa receptionist ng petshop. This way Sir. at gi-nuide niya kami patungo sa mga cages ng puppies section. Isa lang ang pinaka pinagtatatalunan niya na kala mo isang bata talaga - keeshond puppies. How much? tanong ko sa attendant. While having a transaction with the attendant, I keep my eye on Garnette. Nililibot niya ang buong shop. I need to interrupt first our deal baka kasi may iba pa siyang magustuhan. Like the other breeds or you'll stick to keeshond? tanong ko sa kanya. Magaganda sila. Pero.....tapos tumingin siya sakin at nagpuppy eye na naman. OH NO....
Can you buy all of these?? Please???Gusto ko silang iuwi lahat!pagmamakaawa ni Garnette. Garnette, I can't buy all of these. May apat na German Shepperd sa bahay. Agad naman siyang nalungkot. Okay, let's make a deal. I'll buy you a puppy not one but two puppies. Is that alright? Agad naman siyang ngumiti. Gusto ko nun! At tinuro niya ang keeshond. Dalawang keeshond? And she nodded. Alright. I answered. The next thing she did is shout YEHEY!!!!!!with matching talon talon pa na parang tumama sa lotto. Isip bata talaga -____- Bumili na rin ako ng accessories at lahat ng alam kong kakailanganin ni Garnette para sa mga puppies. Babae't lalaking keeshond pala ang natitirang puppies. Good.
Pagdating sa sasakyan, kinandong ni Garnette yung lalaking puppy. Ano kayang maipangalan sayo? HMMM. Alam ko na! mula ngayon tatawagin kitang Levii! sabi niyang tuwang tuwa. Bakit Levii? San mo nakuha yung name na yun?takang tanong ko. Sa pangalan mo. walang kagatol gatol na sagot niya habang nilalaro yung tuta. Napapreno naman ako bigla. Oh bakit? gulat niya. Naman Garnette. Ang ganda ganda ng pangalan ko para sa pangalan ng asong yan. reklamo ko.Eehhh ikaw may bigay nito sakin eh! Kaya ikaw ang daddy niya. Tapos ako yung mommy! sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. Eh yung isa, anong name?tanong ko. Arnette para galing sa Garnette. sabi niya. Napangiti naman ako sa inisip niya. Akalain mong kahit isip bata siya, nagawa niyang magbuo ng family which consists two humans and two puppies serves as our children. Kung wala lang siyang sakit ngayon for sure kikiligin ako. Tiningnan ko yung isang tuta sa backseat, natutulog pala kaya tahimik. Pinaandar ko na ulit yung kotse at dumiretso na kami sa bahay.
Pagdating sa bahay agad pinakawalan ni Garnette si Levii at Arnette sa garden. Masayang nagtatakbo yung dalawang tuta. Kitang kita sa mukha ni Garnette ang kasiyahan. Naisipan kong videohan siya habang nakikipaglaro sa mga tuta. Habang nagvivideo ako, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Arnette. Kagat-kagat niya ang laylayan ng pantalon ko na waring sinasabi na makisali ako sa laro nilang tatlo nila Garnette. Pinagbigyan ko ang inaakala kong gusto ng tutang yun at hindi ako nagkamali. Nakipaghabulan samin ang dalawang tuta at kung titingnan ay para talaga kaming happy family.
Ang sarap lang isipin na sana magkatotoo din yun.
BINABASA MO ANG
Devil's Love Story [on-going]
Документальная прозаKapag sinabing "DEVIL" automatic nasa isip natin NEGATIVE. Bakit nga ba hindi,di ba? Kasi nasa kanya na lahat ng masasamang ugali. What if, this Devil also knows how to love?