chapter 3

5 0 1
                                    

Umaga...
Nagising si Bea dahil sa lakas ng tunog ng kanyang cellphone.. kinuha niya iyon at sinagot..

"Hello" Sabay hikab niyang sagot

"Gising na girl at mag ready kana? May pupuntahan tau?"
Masiglang balita ni ainah sa kanya..

"Kayo muna ni carlo girl.. Antok pa ako, sulitin ko munang matulog.. pass muna ako diyan kung ano at kung saan man ang lakad niyo."
Mahaba niyang sabi dito..

"Ayokong maging chaperon nlang palagi sa inyo noh? Tutuksuin niyo rin lang nman ako..always and always nalang"
Dagdag niyang sabi sa kaibigan..

"OK Sige..bahala ka girl, ako nlang ang magreready at mamaya susunduin na ako ni Carlo ko.. mamamasyal lang naman kami sa boracay.."
Parinig ni ainah sa kaibigan

"Huh? Bo-boracay? Sige Sige ready na ako daanan niyo na ako ngayon din?"
Mabilis na sagot ni Bea sa kabilang linya.. para siyang pusang napaso sa higaan at agad siyang tumayo at mag aayos na ng gamit.

"Oh eh akala ko Hindi kana sasama?"
Si ainah

"Ai huwag ka ainah? Kukurutin ko yang singit mo kapag di niyo ako sinima sa beach ..sasama na ako sa inyo noh?
Taas kilay niyang sabi sa kaibigan..

"OK sige.. kumuha ka ng maraming damit mo at aabutin daw tau ng tatlong araw dun sabi ni Carlo."

Dali Dali nga siyang naglagay ng mga damit nia sa kanyang bag at naligo agad at siyempre OK na siya sa suot niyang pantalon at T-shirt lang tsaka tinali ang mahabang buhok.. nagpaalam na nga siya sa kanyang Ina at ama na busy sa sarisarili nilang ginagawa sa kabilang bahay..at pinayagan naman siya..ayun nga narinig na niya ang pag busina ng kotse ni Carlo at kasama na nga nito si ainah sa labas.agad naman siyang sumakay..

Habang nakasakay sila ay nakikinig siya ng music sa cellphone niya.nkaheadset siya..dahil ayaw niyang marinig ang dalawang kaibigang naglalambingan sa isa't isa mula sa harapan..dahil siya ay nasa likod ng driver seat.. naiinis pa siya dahil sa lambingan nila ay baka madisgrasiya pa sila dahil nga nagdadrive si carlo.. at yon nga muntikan na nga sila..

"Pwede ba ainah? Mamaya muna lambingin si Carlo at baka madisgrasya pa tayo ng dis oras?"
Inis niyang sabi sa dalawa..
Kaya tumigil na nga sila at parang bata namang sumimangot si ainah sa kanya na pinandilatan niya ng tingin.

Welcome to Boracay!

At nakarating na nga sila sa beach na iyon.. parang bata namang nagtatakbotakbo si Bea matapos mailapag ang bag sa hotel na tinuluyan nila ng kaibigan.. naglakad lakad muna siya..Habang nakatingin sa mga ibang Tao doon na busy sa pag suswimming at mga nagtatakbuhang mga magbabarkada din.. naisip niya na Sana marami din sila para masaya..kaso tatatlo lang sila at isa pa chaperon lang siya.. grrrtt sumama lang nman siya dahil gusto niyang makapunta sa boracay..

Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon