chapter 9

24 1 0
                                    

"Ayy kabayong multo ka?"
Sigaw ni Bea ng maalimpungatan siya sa biglang pagkagising dahil biglang tumigil ang sasakyan. Napatingin si Lance sa kanya at dahil mukhang nagulat din ito sa lakas ng boses niya..
Halatang pinipigilan lang ni Lance na mapangiti sa hitsura niya..

Muntik ng masagasahan ung kalabaw na biglang tumawid sa kalsada kaya nagpreno si Lance.. eh napasarap ang tulog niya.. kaya ayan siya parang engot... umiling iling nalang siya at humalukipkip nalang sa upuan.. inalis narin ni bea ang headset sa tenga na kanina pa tumutugtog at natulugan pa niya..

"Pwede ka na ulit matulog kung gusto mo.. medyo malayo layo pa tayo"
Seryosong sabi ni Lance sa kanya.. tumingin siya Kay Lance..

"Ah malayo pa pala? Mga ilang oras pa kaya Sir?"
Tanong niya.. kasi naman apat na oras na ata silang nagbibyahe pero kumakalam na ang kanyang sikmura..

"Mga apat na oras pa siguro"
Si lance

"Mahaba habang oras pa pala"
Sambit niya..

Tumingin sa kanya si Lance..
"Bakit may reklamo ka?"
Tanong ni Lance sa kanya

"Ha? Wa-wala Sir? Sige lang !
Take your time sa pagdadrive"
Aniya.. pero Hindi nalang siya ulit pinansin ni Lance..

Sa halip ay nakinig ulit siya ng music at ibinalik ang headset sa tenga niya..

Nag inat - inat si Bea Pagkagising niya .. hmmmm
Nasa biyahe parin sila.
Tumingin siya Kay Lance na patuloy parin sa pagdadrive.. wala ata sa isip ang huminto muna upang kumain sila.. kaya naman nainis siya sa lalake..gutom na siya eh..

Tumikhim siya..

"Hayyst gutom na ako.. Hindi pa kaya gutom ang kumag na to?' Bulong niya.. pero narinig siya ni Lance..
Kasi naman nakaheadset siya.. waaahhh???

Tumingin lang sa kanya si Lance..halatang galit ang mukha.. pero hinayaan nalang niya..
'Papatulan na talaga kita kapag patuloy mo parin akong pinapahirapan..' sa isip niya!

"Hindi tayo kakaen hanggat Hindi tayo nakakarating sa pupuntahan natin."
Seryoso si Lance sa pagkakasabi sa kanya na hindi sila kakaen..

Bumuga siya ng hangin tsaka niya kinuha ang biscuit sa bag niya..maalala niya lagi pala siyang may baon baon na skyflakes..

"Hay nako..buti nalang meron ka pa?"
Parang baliw niyang kinakausap ang biscuit habang kinakaen.. naririnig naman iyon ni Lance..

"Gusto mo Sir?"
Abot niya kay Lance..
pero tinanggihan siya ni Lance.

Ngumiwi ngiwi nalang siyang itinuloy ang pagkaen..
Bahala siya sa buhay niya!

Nakarating na nga sila sa lugar na pupuntahan nila..
At mukhang tama talaga si Bea.. kawawa siyang taga hila ng maleta nila ni Lance.
Nauna na si Lance sa kanya habang silay naglalakad patungo sa bahay ni George.. ang client daw ni Lance..
Mukhang mahalaga ata ang pag uusapan nila at si Lance na mismo ang pumunta sa bahay ng client..
Isang matandang babae ang sumalubong sa kanila pagkabukas nito ng gate..
Siguro ay isa ito sa mga katulong ng bahay na iyon..

"Hello po Sir.. kayo po ba si Sir Lance monte mayor? "
Salubong ng matanda Kay Lance.at agad namang tumango si Lance..

"Out of town po Kasi ngayon si Sir George..kaluluwas lang po niya kahapon..pero ipinagbilin po niya na pag Nakarating na kayo dito ay dumito daw muna kayo habang hinihintay niyo po si Sir..Kasi po emergency ang kanyang pag alis.."
Mahabang paliwanag ng matandang babae..
Nahalata naman ni Bea ang pagkainis at pagkadismaya sa mukha ni Lance..

"Ganon ba? Sige po. Hihintayin nalang namin siya"
Sagot ni Lance..

Agad namang pinapasok sila ni aleng Mira.. para naman siyang asong sumusunod Kay Lance..hahaha grrrr

Sa wakas.. nakakaen narin siya at nabusog ng sobra..
Kasi naman hindi pa siya pinakain ng boss niya..?
Hmmm bad talaga ..

si aleng mira ay nagtungo sa dalawa na nakaupo sa sala habang nanonood at Hindi manlang nag iimikan..

"Sir Lance, ihahatid ko na po kayo sa magiging kwarto niyo" sabi ng matanda Kay Lance at agad naman silang tumayong dalawa sumama sa matandang katulong..

'Hay salamat po Lord at makakapagpahinga narin ako ang sakit sakit na ng paa ko..
Makakahiga narin ako sa malambot na Kama..yees'
Ang sa isip naman ni Bea..

"Dito po kayo Sir.. maluwang po tong kwarto na ito para po talaga yan sa magkasintahan at mag asawa.."
Saad ni aleng Mira sabay tingin Kay Bea.
Hay napagkamalan pa talagang magkasintahan o mag asawa sila ni Lance..
Sa loob loob ni Bea parang natuwa siya sa sinabi ng matanda pero nainis din siya dahil suplado si Lance.. ayaw na niya ang narinig..hehe

"she's my private Secretary aleng Mira.."
Walang kangiti ngiting Saad ni Lance.

"Wala na bang ibang kwarto Dito na para sa kanya"
Turo ni Lance Kay Bea..

Inirapan naman ni Bea si Lance.. parang ayaw siyang makasama. Grrrrrr???

"Wala na po Sir.. eto lang po"
Sagot ni aleng Mira..
Kaya Walang nagawa si Lance..

"Sige po Sir Lance.. maiwan ko na po kayo.. tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo"

"Mauna na po ako mam Bea"
Paalam din sa kanya ni aleng Mira..

Nauna na si Bea na pumasok sa kwarto..dahil gusto na talaga niyang magpahinga..
Nauna narin siyang nag shower.. at sumunod naman si Lance.. mukhang naiinis si Lance sa kanya kasi feel at home siya..hehe

"Doon ka sa sahig matulog"
Sabi sa kanya ni Lance..
Naiinis siya Kay Lance dahil nakahiga na nga siya sa Kama.eh anu naman ngayon kung magkatabi sila? Maluwang naman Yong Kama..kahit pa nga iikot ikot siyang matulog ay Hindi parin niya masasagi si Lance sa luwang ng Kama eh..

'Nakakaasar talaga tung lalakeng to? Ang Arte? Ahh basta Hindi mo ako mapapatulog sa baba?'
Sa loob loob ni Bea na parang Hindi niya narinig ang sinabi sa kanya ni Lance..kahit pa boss niya ito ay papatulan niya at mas lalong aasarin niya..haha

"Narinig mo ba ako?"
Si lance

"Opo Sir.. pero ayokong matulog sa sahig..never??"
Sagot niya

"Isa? Hindi ko ibibigay ang sweldo mo?"
Parang tigreng Saad ni Lance Habang nakatayo sa Kama..

"Kahit na..basta ayoko Sir.."
Pagmamatigas niya
Dahil Hindi naman si Lance ang nagpapasweldo sa kanya kundi ang mommy niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mong babae? Pagdating naten sa company ifafired na kita"
Sigaw sa kanya ni Lance..
Para na silang aso at pusa na Walang nagpapatalo..

"Edi ifired mo ako? Tignan ko lang kung may mahahanap kapang kasing bait ko at kasing ganda't sexy kong Secretary mo?"
Bulyaw din niya Kay Lance parang nakalimutan niyang boss niya parin ito.. muntik din siyang masuka sa sinabi niya..haha lalo na sa maganda at sexy..

"Aba? Ang yabang mo ah? Ah basta? "
Sabi nalang ni Lance dahil totoo nga naman yong sinabi ni Bea..mabait siya pero Hindi nga lang nagpapatalo ito..at syempre? Maganda naman talaga ang dalaga at sexy...

Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon