chapter 7

4 0 1
                                    

Natapos na nga ang tatlong araw nilang pag stay sa boracay ng kanyang mga kaibigan..kahit papaano ay masaya at nag enjoy si Bea doon..

"Oh Bea! Ikaw muna ang bahala dito sa bahay at bantayan mo itong tindahan"
Sabi sa kanya ng Ina..

"Sasamahan ko lang ang tatay mong magtinda ng isda sa pwesto natin sa palengke.."
Patuloy ni aleng lena

"Opo nay?"
Sagot niya.. habang siya ay nagwawalis sa loob ng bahay.. tutal wala pa naman siyang trabaho dahil fresh graduate palang siya sa course na BSIT.
Kaya maghahanap palang siya ng trabaho kung sakali..

Mabuti nalang at may nanay at tatay siyang mababait at masisipag..swerte siya.

Araw ng lunes.. maagang nagising si Bea upang maghanap ng trabaho.. naisip niyang kahit anong trabaho na diyan ang mahahanap niya kahit hindi na related sa course niya basta may trabaho lang siya..
At ayon nga may nakita siyang "wanted Secretary" sa may malaking building na nakita niya.. Monte Mayor Company yon.. yun yong pinakamayaman sa lugar nila..at marami itong malalaking business..pero Hindi niya kilala ang mga Monte Mayor.. naririnig lang niya ang pangalan na yon..
Kaya naman Dali siyang pumasok sa loob ng kompanya at may nakita siyang babae don na nakaupo mukhang manager ito o Secretary din.. ng naipasa niya ang resume niya ay pinaupo siya ng babae at sinabing hintayin ang may Ari at iinterviewhin siya.

Dumating na nga ang may Ari sa company na yon.. at sinamahan siya ng babae sa office ni madam Marissa Monte Mayor.. pinaupo siya sa harap ng lamesa ni madam marissa na siyang nakaupo din. Tsaka sinabi ng matandang may Ari sa babae na iwan sila ni Bea.. tinignan muna ni madam marissa ang resume niya.. kinakabahan naman siya dahil mukhang seryoso ang matandang may Ari at baka Hindi pa siya makuha..

"So, you're Bea Acosta..right? "
Tanong sa kanya ni madam Marissa..

"Y-yes ma'am?"
Sagot niya agad..

"Graduate ka pala ng information technology.."
Tanong ulit ni madam marissa sa kanya

"Opo madam.."
Sagot niya

"Pero Bea, ang magiging trabaho mo dito ay Secretary..
At Sana magtagal ka sa magiging trabaho mo kasi ang boss mo ay ang anak ko.."
Seryosong saad ni madam marissa sa kanya..
Ang alam naman niya ay si madam marissa na ang boss niya..iba pa pala? Ang anak pala nito..hmmm Pero ok lang basta may work na siya..

"Gagawin kong 10,000 ang sweldo mo..starting palang yon..at kung nagtagal ka after 6 months.. magiging 20,000 na ang sweldo mo.."
Patuloy na sabi ni madam marissa sa kanya..
Masaya na siya don sa sinabing sahod niya malaki laki narin yon..

"Thank you po madam.. asahan niyo pong magtatagal ako sa trabaho ko" aniya

"Aasahan ko rin Yang sinabi mo Bea, kasi walang nagtatagal na Secretary ng anak ko eh..Kaya Aasahan kita Bea"
Nakangiting saad sa kanya ng matandang mayaman..

Masayang umalis si Bea..
Dahil may trabaho na siya at syempre malaki ang sahod niya kaya hindi na niya iyon sasayangin pa..

Pagkagising ni Bea ay agad siyang nag almusal at dumiretso na siya sa banyo upang maligo..ayaw niyang ma late sa unang pasok niya sa kanyang trabaho..
Hindi niya alam ang kanyang isusuot..pinili niya nalang na magsuot ng black skirt at tinernohan niya ng white blouse.. tsaka nilugay nalang niya ang mahaba niyang buhok.. and now? Ready na siya sa trabaho niya..

At nakarating na nga siya sa LMR Monte Mayor Company.. medyo kinakabahan nga lang siya konte..sinamahan siya ulet ng babae sa office ng anak ni madam marissa at doon narin ang kanyang magiging office..

Binuksan na nga ng babaeng si charlot ang pintuan sa office ng anak ni madam marissa at nadatnan nilang nakaupo ang lalake pero nakatalikod ito..busy sa pag eencode.. malamang eto ang boss niya..

"Good morning Sir!"
Si charlot..

"Nandito na po Yong bagong Secretary niyo Sir,"
Patuloy niya.

"OK paupuin mo muna siya"
Sagot ng binatang anak ni madam marissa na siyang CEO sa kompanyang iyon.. Hindi ito tumitingin sa kanila dahil busy nga siya sa pagtatype ng kanyang mga reports..malamang iyon Yong mga ipapagawa sa kanya nito hehe..

"Sige Bea umupo ka muna dito sa magiging table mo"
Sabi ni charlot sa kanya tsaka ito umalis..at naiwan nga silang dalawa ng boss niya na Hindi parin siya nito pinapansin,, ni ayaw manlang siyang tingnan.. nakikipag usap na nakatalikod..

"Alam mo naman na siguro ang magiging trabaho mo dito"
Tanong sa kanya ng lalakeng boss niya na hindi parin nakatingin sa kanya..

"H-hindi pa po Sir."
Sagot niya dito..kasi Hindi pa naman niya talaga alam kung ano ang mga dapat niyang gawin.. kumunot naman ang noo ng binatang boss niya sa kanyang Sagot..

"Umalis kana dito kung hindi mo naman pala alam ang trabaho mo.."
Walang ganang Sagot ng boss niya sa kanya..

Medyo nainis naman si Bea sa kanyang narinig mula sa boss niya..hmmmm bakit siya pinapaalis kaagad..

"S-sir??"
Napalakas ang boses niya sa gulat..kaya naman napalingon sa kanya ang binatang boss niya..
Kapwa sila nagkatitigan at nagulat dahil ang lalakeng boss niya ay ang lalakeng nakaaway niya sa boracay na barkada ni Carlo..
Si Lance.. Lance Monte Mayor!

"Ikaw?"
Sambit niya Kay Lance..
Nakatitig parin si Lance sa kanya..

Tumikhim siya at natauhan..
"Ahhmm H-hindi pwedeng umalis ako Sir.. kasi nakuha ko na ang isang buwan na sweldo ko kay madam marissa"
Pagmamatigas niya dito..
Aalis nalang Sana siya dahil Hindi niya kayang makita ang supladong lalake..pero kailangan niya ng trabaho.. Hindi siya pwedeng mag resign agad..

"Ganon? Sinusundan mo ba ako?"
Sabi ni Lance sa kanya.. nakataas pa ang kilay..

"Hindi po Sir.. nakita ko lang Yong wanted Secretary sa labas kahapon kaya Napa apply ako dito.. Sir???"
Parang nang aasar nitong Sagot Kay Lance..

"Oww talaga lang ah.."
Si lance

Oo naman talaga? Feel mo naman Sinusundan kita? Ang Kapal naman ng balat mo?
Bubulong bulong niyang sabi pero Hindi ito malakas..

"May sinasabi ka?"
Tanong sa kanya ni lance

"Ahh wa-wala po Sir.. sabi ko po, ano na po ang mga gagawin ko?"
Sagot niya with matching ngiting aso..

Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon