Chapter 16

2 0 0
                                    

"oh.. a-anong tinitingin tingin mo diyan?"
tanong ni Bea kay Lance na pupungay pungay ang mata habang nakasandal sa upuan sa may kubo.sila nalang dalawa ang naiwan doon. si Vanessa at Mich ay binuhat ni Ryan at Rico papuntang tent nila. hindi na nakayanang maglakad ang mga dalaga dahil sa kalasingan.

Bea's POV

nahihilo ako parang hindi na ata ako makatayo..feeling ko tuloy parang ang bigat ng katawan ko, dito na ata ako matutulog sa kubo..

"ayan..matakaw ka kasi sa alak?"
nakatitig lang saken si Lance habang sinesermonan ako.

"w-wala kang *hik* pakealam? k-kj *hik* ka kasi?"
mahinang sigaw ko sa kanya.. hayys makapunta na nga sa tent ko at para makatulog narin ako.pinilit kong tumayo at maglakad pero waley eh.. hindi na talaga kaya ng katawan ko at nahihilo talaga ako.. buti nalang agad akong nahawakan ni Lance kaya hindi ako natumba.. napasubsub ako sa matitipunong dibdib niya.. shet..ang tigas?

"pasaway ka talaga.."
ani Lance

napatingala ako at kitang kita ko ang maamo niyang mukha at ang labi niyang kaysarap halikan.. nakatitig siya saaken habang nakayakap parin siya sa akin.

pero bigla nalang niya akong binuhat na parang bagong kasal..

"ibaba mo ako? s-saan *hik* mo ako dadalhin *hik*.."

"tumahimik kalang, ibabagsak kita kung hindi ka pa tumahimik"
-Lance

hindi nalang ako nagsalita pa at baka totohanin pa ng kumag na to ang sinasabi.. wala talagang hiya??

dinala lang naman niya ako sa tent ko at nakita kong inayos niya yong higaan ko tsaka niya ko pinahiga.. naramdaman ko ring tinanggal niya yong sandal ko at pinunasan niya ako ng maligamgam na tubig. pinolbohan pa ata ang mukha ko..

Lance's POV

kahit kelan talaga napakatanga ng babaeng to? iinom inom pero hindi naman pala sanay? siya pa talaga unang nagyaya ng larong anu yon? truth or dare daw? tss?? kalokohan..

"umayos ka?"
sabi ko sa kanya habang pinopolbohan ko siya ng matapos kong punasan ang mukha niya.. pero napansin kong nakatitig lang siya sa akin habang pinopolbohan ko yong mukha niya.. siguro nawala na yong kalasingan nito! pero bigla nalang siyang tumawa.. tinatawanan niya ako? haisst kahit kelan talaga baliw ang mga babae.

"ang panget mo ? "
ani Bea tsaka tumawa ulit ng nakakabaliw.. hayy lasing nga talaga'.

"tss..pinagsasabi nito? "
sabi ko ng nakakunot noo..

tawa parin siya ng tawa.. tinatawanan niya yong pagmumukha ko..pati lamok na lumilipad tinatawanan pa.umepekto na ata lalo yong nainum nitong alak.. parang baliw pala to pag nalasing..

"matulog kana.."
tatayo na sana si Lance para lumabas. pero..

"d-dito kalang ple-please? nat-tatakot ako d-dito.."
sabi ni bea at tumigil narin itong tumawa.

wala ngang nagawa si Lance kundi samahan muna si Bea sa tent nito.naawa naman siya dito bukod sa lagi na nga niyang inaaway at sinusungitan kaya naman pumayag nalang siya.

nagulat siya sa alarm ng relo niya..nakatulog pala siya sa tabi ni Bea habang binabantayan ito. tinignan niya ang oras at ala una na pala ng madaling araw.. tumayo na siya at inayos ang sarili.ngayong tulog na si Bea pwede na niyang iwan at bumalik narin sa tent niya. aalis na sana siya pero tinignan muna niya ang natutulog na dalaga. hindi siya nagdalawang isip na hinaplos ang makinis na mukha ni Bea tsaka nito hinalikan sa noo.. pagkatapos non ay tuluyan na nga siyang lumabas.

hindi pa sana magigising si Lance kung hindi siya nasinagan ng araw sa kanyang tent.. bumangon na siya kahit inaantok pa.. kung hindi lang kasi dahil sa kalasingan ni Bea kagabi ay hindi siya napuyat..

dumeretso siya sa kubo at nadatnan niya si aleng mira at Greg na abala sa paghahain ng pang umagahan . nahagilap din niya si Bea at Ryan na naghahabolan sa tabi ng dagat..mukhang masaya ang dalawa..kaya naikuyom nalang niya ang kanyang mga kamao habang tinitignan ang dalawa.

"akin na kasi yan ?"
sigaw ni Bea habang hinahabol si Ryan.

"kung mahahabol mo ako ibibigay ko na tong watch mo"
-Ryan

"Ryan..? isa?"
pinandilatan niya ng tingin si Ryan. pero wala yon kay Ryan.

"c'mon baby.. habulin moko?"

"hmmmp.. dalawa? sige kapag hindi mo pa ibigay yang relo ko? pwes sasabihin ko sa mga barkada mo ang nakita ko.."
tumigil na nga si Ryan at tumakbo palapit kay Bea..

"promise mo saken na hinding hindi mo ipagsasabi ang nakita mo .."

tumango naman si Bea at ibinigay na nga ni Ryan ang relo niya.. kanina kasi paggising ni Bea ay nakita niya yong ano ni Ryan yong kwak kwak niya.hahaha paano naman kasi derederetso siya sa cr ng lalake paggising niya. kasalukuyan namang nagjijingle si Ryan kaya ayon? sumigaw ng malakas si Bea at lumabas sa loob ng cr.

"oyy sorry ha kung kinuha ko yong relo mo..!"
tinabihan ni Ryan si Bea na nakaupo sa tabi ng dagat..

"ok lang yon..."
ani Bea

"ikaw naman kasi sinisilipan moko? crush mo siguro ako noh?" biro ni Ryan

hinampas naman ni Bea si Ryan sa balikat..
"uy kapal mo ha? kasalanan ko ba na makita ko yan."
ani Bea

tawanan silang dalawa... gwapo rin naman pala si Ryan lalo na pag malapitan kitang kita mo ang maamo niyang mukha at ang kanyang dimple.. masayahin at may pagkakalog din minsan..

Greg's POV

sa wakas tapos narin kaming nagluto ng breakfast ni aleng mira..masaya ako ngayong araw na to dahil kasama ko ang aking mga kaibigan..mas masaya sana kung meron din dito si Victoria.. hmmm nalungkot bigla si Greg..

well Victoria is Greg's fiancee.

"bro.? anong ginagawa mo diyan sa labas ng kubo ? sinong tinitignan mo!"
sabay tingin sa gawi ng dagat kung saan nakaupo sina Bea at Ryan..pero nakatalikod ang mga ito.

"wala bro.. tara na nga?"
hinila ni Lance si Greg papasok sa kubo .
nagpahila narin ako sa loob. aha?? mukhang may nahahalata ako sa Bestfriend kong to ah? di kaya nagseselos to kay Ryan? tsk tsk...iba kasi ang timpla ng mukha eh.

"ano yan bro.? don't tell me.. nagseselos ka ?"

"no.."
tipid na sagot niya.

Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon