chapter 12

8 1 0
                                    

nag ring ang cellphone ni lance habang natutulog at naalimpungatan siya ..
inis niyang kinuha ang phone kung sino ang tumatawag at agad niyang sinagot ng makitang si greg ang tumatawag.. pati narin si bea na kasamang natutulog ay nagising narin dahil sa lakas ng tunog ng cp ni lance.. ang layo ng agwat nila maraming unan ang ipinagitna nila sa pagitan nila.

narinig ni bea ang usapan ni lance at greg mula sa kabilang linya. mukhang uuwi na si greg..
na siyang ikinatuwa naman niya dahil kapag nakapag usap na ang dalawa ay makakauwi narin siya.. ayaw na niyang maging secretary pa ni lance..

"oh bakit gising ka?"
tanong ni lance sa kanya ng lingunin siya nito ng matapos na ang pag uusap nila ni greg.

"na-nagising kasi ako sa tunog ng phone mo"
aniya

"nakikinig ka lang ng usapan eh"
ani lance

nabwisit naman siya sa sinabi ni lance sa kanya
mukhang iniinsulto siya .

"hay ewan? makatulog na nga?"
sabay talukbong ng kumot si bea ayaw niyang makipagtalo sa mokong na boss.

kinaumagahan...

naunang nagising si lance sa kanya at pagbaba niya sa kusina ay nakita niya si lance na nakaupo sa mesa at may kausap itong lalake habang sila'y umiinom ng coffee.
mukhang mayaman din ang kausap..gwapo rin ito pero mas lamang parin si lance sa kagwapohan.. malamang si greg na ang kausap ni lance.. umuwi siguro kaninang madaling araw kaya naman ito tumawag kay lance.

"good morning po"
bati niya sa dalawa ng mapansin siya ng mga ito.. dumiretso siya sa kinaroroonan ni aleng mira at tinulungan nalang niya itong magluto.. habang panay naman ang tingin sa kanya ng dalawang binata.. lalo na si lance masama ang tingin sa kanya..

"siya ba yong secretary mo bro.?"
tanong ni greg kay lance..

tumango lang naman siya at humigop sa kape..

" ang cute niya.. in fairness ha"
nakangiting sambit ni greg

"huwag mong sabihing type mo bro. ha?"
sabi niya at nagkatawanan silang dalawa sabay tingin kay bea at nakita naman iyon ni bea.

'bwisit ka talagang mokong ka...ako siguro ang pinagtatawanan niyo at kung ano ano na siguro ang sinasabi mo tungkol sakin diyan sa Greg na yan ah? humanda ka saken..'
sa isip ni bea sabay irap kay lance..

tinapos lang niya ang ginagawa niya at nagpaalam siya kay aleng mira.. magpapahangin lang siya sa labas.. nagpunta siya sa may hardin..

nahalata naman ni lance na wala na si bea sa kitchen..
luminga linga siya pero hindi na talaga niya ito makita..

habang si bea ay nandon sa hardin at parang tangang kinakausap ang mga bulaklak

"bwisit talaga yong kumag na yon? "
aniya.. nakaupo siya sa harap ng mga bulaklak.

"napaka tsismoso pa niya ha? tinatawanan pa ko.. dalawa sila ng greg na yon? edi wow?"

tumayo na siya at pinameywangan ang mga bulaklak..

"sana naging bulaklak narin ako...gaya niyo, walang pinoproblema at sana naging singganda ko kayo?"
aniya..

wow? tama ba yon? singganda niya talaga..hehe

magsasalita pa sana siya pero hindi na niya naituloy ng biglang may nagsalita sa likuran niya.. nagulat tuloy siya.

"mas maganda ka pa nga sa mga bulaklak na yan eh"

nang lingunin niya ito'y.. laking gulat niya dahil si Greg yon.. kaya naalarma siya !

"ah s-sir Greg, ikaw pala?"
si bea

"ngayon ko lang nalaman na may tenga pala ang mga bulaklak at nakakarinig"
nakangiting saad ni Greg kay bea.. lumapit siya dito

ngumiti naman ng tipid si bea at ibinaling ang tingin sa mga bulaklak..

"anong ginagawa mo dito?"
tanong sa kanya ni Greg at umupo rin ito sa tabi ng mga bulaklak..

"wala sir ! nagagandahan lang ako sa mga bulaklak na to' "
pagkakaila ni bea..

nakangiting tumango tango lang si Greg..

habang si lance naman ay nasa kwarto.. katatapos lang niyang naligo pero naiinitan parin siya kaya binuksan niya ang bintana at ayon nga.
dumampi sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin.. napapikit pa siya !

pero teka? mukhang may nahagilap ang mga mata niya banda sa may hardin..

natanawan niya sina Bea at Greg na mukhang masayang nag-uusap.. kitang kita niya na mukhang masaya si Bea sa kung ano man ang mga sinasabi ni Greg sa kanya..
lalo siyang nainis sa dalaga dahil hindi pa niya lubos kilala si Greg.. playboy ito. pero dumidikit na siya kay Greg..

agad na bumaba si Lance papuntang hardin para tingnan ang dalawa..

nagulat naman si Bea at Greg sa pagsulpot agad ni lance doon.. hinila ni Lance ang kamay ni Bea . na siyang ikinagulat naman ni Bea..

napa "ayy.." naman si bea sa paghila sa kanya ni Lance

"oh bro.? akala ko nasa kwarto ka?"
tanong ni Greg sa kanya..

"ano ba? yang kamay ko nasasaktan ako.."
pabulong naman ni bea kay Lance dahil sa pagkakahila niya dito..

ngunit hindi siya pinansin ni Lance.. at si Greg ang sinagot nito..

" yes bro.. pero may ipapagawa kasi ako kay Bea kaya ako bumaba.."
pagsisinungaling ni Lance

tumingin siya kay Bea na hawak parin ang kamay nito sa dalaga..

"tara ? may gagawin tayo.."
"sige bro.."
aniya sa kaibigang si Greg..

tumango lang naman si Greg na nalilito sa kaibigan.. bakit kailangang hilain pa nito si bea.. hehe

muntik pang madapa si bea kasi naman ang bilis maglakad ni Lance at dahil hindi parin binibitawan ni Lance ang kanyang kamay
hilahila parin ito ni Lance hanggang sa makarating sila sa kwarto nila..

naiinis na si bea..
pero parang gustong gusto ng kamay niya ang paglalapat ng kamay nila ni Lance..
haist whatever.. basta naiinis parin siya sa boss nito..

"tupiin mo ang lahat ng damit ko ?"
sabi ni Lance sa kanya. umikot naman ang kanyang mga mata dahil yun lang pala ang ipapagawa sa kanya.. eh kung makahila siya at makasugod sa kanya parang napakaimportante na ang ipapagawa.. haaayy !

" magtutupi lang naman pala.. pwede ko naman gawin to mamaya.."
mahinang sambit ni Bea
tsaka inumpisahan na nitong tinupi..

" nagrereklamo ka? alalahanin mo? wala kang sweldo.."
sabi ni lance sa kanya habang pinapanood siyang nagtutupi..

hindi nalang siya nagsalita o sumagot pa kay lance..

Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon