Chapter 14

3 0 0
                                    

kinabukasan ay nagpunta na nga sila sa echo island.. kasama si Bea at aleng Mira.

meron din silang ibang mga kasama sina Rico, Ryan, Vanessa at Mich mga kaibigan din sila ni Greg.. mayayaman din ang mga ito..
minsan naring nakasama ni Lance ang mga ito noong Birthday ni Greg ..

"hi Lance.." bati ni Vanessa kay Lance.. na kararating lang sa kubo na nirentahan nila. kasama niya sina mitch ,ryan at rico.

Tinignan lang naman ni Lance ang babae at hindi siya nagresponce sa dalaga.

"wow ha? isnob parin until now?.. hmmmp?"
ani Vanessa na humalukipkip

"hay nako Vanessa.. ako lang kasi ang type ni Lance.."
pagmamayabang na saad naman ni Mich.tsaka ito tumawa at umupo sa kubo ng tila maarteng pag upo.

"tumigil na nga kayo? eh kung maligo muna kaya kayo guys.. andoon na si aleng Mira. sundan niyo.."
sabi ni Greg sa mga kaibigang babae.dahil nakasuot na sila ng suit.

"hmmp ok fine.. mich let's go?"
hinila na nga ni vanessa si mich at sinundan na si aleng mira na nauna ng lumangoy dahil tapos narin siyang nagluto ng kanilang makakain at dahil siguro ay nainitan na ang matanda.

naiwan naman sa kubo sina Lance,Greg,Rico  at Ryan. dahil mamaya pa siguro sila maliligo..

oh nga pala? kaya pala ganoon nalang ang pagpapapansin ni Vanessa kay Lance dahil simula noong nagkakilala sila noong birthday ni Greg ay nainlove si Vanessa kay lance pati narin si Mich ay crush din niya si Lance.iba talaga ang karisma ni Lance..lahat ng babae ay nagugustuhan siya. ikaw na ang pogi Lance??
hehehe..pati nga ang mga girls doon ay panay ang tingin sa kubo kung saan nandoon si Lance at siya lang naman talaga ang tinitignan lalo na at bakat na bakat ang suot nitong sando sa kanyang matitipunong dibdib..tsk !

ng biglang?

"bro ? si Bea pala?"
tanong ni Greg kay Lance.

tumingin naman si Lance sa kanya..

"hindi ba kasama ni aleng Mira?"
tanong naman niya kay Greg..

"ewan ko? pero kanina si aleng mira lang nakita ko."
ani Greg..

sakto namang meron na si aleng mira papasok sa kubo at halatang pagod na sa kalalangoy.

"aleng mira si Bea po? hinahanap ni Lance hindi niyo po ba siya kasama.,?"
si Greg ang nagtanong

"akala ko nga andito na siya eh..wala pa pala kanina ko pa siya hinihintay sabi ko sumunod nalang siya sakin pagkatapos niyang magbihis. iniwan ko siya kanina sa park nagseselfie selfie siya doon.kaya sinabi kong mauna nako magbihis at susunod nalang siya."
paliwanag naman ng matanda.

"sundan mo kaya siya sa park sir.."sabi ni aleng mira kay Lance

ngumisi naman ito..
"bahala siya sa buhay niya.."
ani Lance..

at nagpaalam siya sa mga kasamahan sa kubo upang magshower muna sa banyo bago lumangoy..

"anak.. bakit hindi pa kayo maligo ng mga kaibigan mo? nauna na yong mga babae.. iniwan ko sila doon"
tanong ni aleng mira kay Greg habang nagpupunas ng tuwalya..

"mamaya po..hintayin lang po namin si Lance" aniya



pumasok na nga sa comfort room si Lance ng makarating ito at nagtungo sa panlalake..

samantalang si Bea ay abalang nagpapalit din ng damit sa pambabae.. nagpipicture picture pa siya sa loob. hay naku??adik din pala ito sa selfie.

at ng matapos na siyang magpalit ayun ready na siyang lumangoy.. syempre ngayon lang nanaman siya ulit magbebeach.. dalidali niyang inayos ang mga gamit at sarili at lumabas baka kasi hinahanap na siya ni aleng mira.dahil nauna na ito.. ng biglang may nabangga siyang matigas na bagay na tumama sa ulo niya dahil nakayuko siya.

ouchhh???

napahawak siya sa ulo at tumingala.. nabigla siya?

"s-sir Lance?"bulong niya..

sa matitigas na dibdib lang naman ni Lance siya nabangga pero masakit ahh.. akala mo matigas na kahoy na.'hehe

halatang nabigla din naman si Lance sa kanya.at nakita niyang kumunot ang noo ni Lance ..

"who told you to wear suit like that? hindi mo bagay.."
tinignan siya ni Lance sa suot niyang two piece lang? hehe

"b-bakit ? may problema ba sa s-suot ko..?"
hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Lance sa tuwing magsusuot siya ng maiiksing short o damit..hindi daw niya ito bagay. haysss pakialamero talaga..

"feeling mo naman ang sexy mo..magbihis ka muna at may pupuntahan tayo ..tanggalin mo yang suot mong yan."
utos sa kanya ni Lance..

"pero si-"

"wala ng pero pero bilisan mo?" putol niya sa sasabihin sana ni .

"isshh..fine?"
pinandilatan niya ng tingin si Lance..

'how dare you? ang sexy ko kaya? inggit kalang?'
ang sa isip naman niya habang nagbibihis ulit ng damit  dahil may pupuntahan daw sila.. imbes na maliligo na sana siya eh may pakialamero kasi lahat nalang pinapansin.

pagkatapos siyang nagpalit ay hinila siya agad sa kamay ni Lance..at ayun nanaman ang pagkabigla niya at nakaramdam ulit siya ng kuryente patungo sa puso niya..hihi kinikilig naman siya dahil hawak hawak ni Lance ang mga kamay niya at pinagtitinginan naman sila ng mga kababaihan doon..

"ay may girlfriend na pala si mr. pogi ko?"

"ang swerte naman ni girl"

mga naririnig niyang bulungan at hiyawan habang silay naglalakad patungong ewan?? ewan kong saan siya dadalhin ni Lance..

tumigil sila sa paglalakad ng mapansin niyang isang maliit na store na bilihan ng mga damit ang kanilang pinuntahan . pumasok sila doon at namili si Lance ng mga damit at may napili na nga siya tsaka niya binigay ito sa kanya..

inabot naman niya..

"oh ? yan ang suutin mo? mas nababagay sayo yan."
pormal na sabi sa kanya ni Lance..

tinignan naman niya ang napili ni Lance na isusuot niya.

isang pambabaeng jersey na walang manggas at kulay sky blue iyon tsaka maiksing short na terno din ng jersey..

napangiwi naman siya..
hindi naman ako magbabasketball eh? tsk ang sa isip nalang niya.. baliw talaga tong mokong na to? kung siya kaya magsuot nito?hakhak napangiti siya!

"anong nginingiti ngiti mo jan? ayaw mo ba?"
tanong sa kanya ni Lance

napawi ang ngiti niya..dahil inirapan siya ni lance.. naaasar ata?

"g-gusto ? I mean , pagtsatsagaan ko nalang palang isuot" aniya

lalo ring kumunot ang noo ni Lance sa sinabi niya kaya hinila siya ulit palabas..

"tara na nga?"
.
.
.

Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon