Chapter 15

4 0 0
                                    

hinila siya palabas ni lance.. narinig pa niyang nagpaalam yong cashier na babae kay lance.. at oo nga pala bakit hindi ito binayaran ni lance. nakalimutan ata nitong magbayad pero bakit pati yong cashier hindi manlang sinabihan sila na magbayad?

"sandali?"
sabi niya kay lance pagkalabas nila.

"what?"
ngumisi sa kanya si Lance..

"hindi ka pa nagbayad don sa cashier.."

"wala ka nang pake.."
tuluyan siyang hinila ni Lance pabalik sa cr upang magpalit.. hayys.. nakakaasar na talaga tung lalakeng to?

nang matapos na silang magpalit ni Lance ay pumunta na sila sa kinaroronan nila Greg kasama nito ang mga kaibigan niyang lumalangoy.

hindi naman maipinta ang mukha nina vanessa at mich ng makitang magkasama sina Lance at Bea .. nagbubulungan ang dalawa pero nahalata iyon ni Bea.

"Bea anak, halikana "
tawag sa kanya ni aleng mira na nasa gitna ng dagat.. nakayakap ito sa salbabida.

agad namang lumangoy si Bea papunta kay aleng mira.tinignan lang naman siya ni Lance habang lumalangoy. buti nalang at sanay na sanay na si Bea at marunong lumangoy kahit walang salbabida..

naisipan ng magtayo ng tent nina Greg at Lance kasama sina Rico at Ryan dahil gumagabi na..habang sina aleng mira at Bea ay nag iihaw ng barbecue. abala naman si Vanessa at Mich sa pag aayos ng mesa sa kubo. kinakausap din ni Vanessa at Mich si Bea..hindi naman sila galit o insecure kay Bea dahil lang sa crush nila si Lance.. dahil mabait naman talaga ang dalawa .

"laro tayo?"
tanong ni Ryan sa kanila habang nakaupo silang lahat sa kubo.katatapos lang kasi nilang kumaen.

"sige.. pero ano namang lalaruin naten"
sabi ni Greg .

"kayo nalang guys.."
bored na sabi ni Lance tsaka ito tumayo at lumabas sa kubo. tinignan lang ni Bea ng tingin si Lance palabas.. hayy kahit kelan talaga abnormal yon? napaka kj? tsss...

"ok guys.. truth or dare nalang"
sabi ni Bea at kinuha yong bote.

"gusto ko yan"
sang ayon ni Ryan..

"how?"
tanong ni Vanessa

"papaikutin naten yong bote at kung kanino tatapat siya ang taya.siya ang papipiliin."
agad namang sabi ni mich..

"ok game?"
ani Greg

"ako nalang muna magpapaikot ng bote"
pinaikot na nga ni Rico at tumapat kay Mich..

"oww my G.. ako talaga? ok truth." aniya

"nakipag date kana ba?"
tanong ni rico

"yes naman"
mabilis niyang sabi.

muli nilang pinaikot ang bote at tumapat din ito kay Greg.

" dare "

" dalawang lagok na alak bro."
uminom nga ng dalawang tagay si Greg..haha

muling pinaikot ang bote at tumapat din ito kay Bea. nanlaki ang mga mata niya. ano kayang pipiliin niya. ayaw niya kasing mag truth.

" ok.. dare " aniya
so, dalawang tagay din na alak ang ininom niya. ayaw niyang mautusan eh.

muling pinaikot ang bote at tumapat kay Vanessa..

" isshhh.. ako talaga? hmmp dare.."
aniya

si Greg ang nag utos sa kanya.

"gusto kong papuntahin mo dito si Lance."
dali dali namang tumayo si Vanessa at pumunta sa kinaroroonan ni Lance.

"anong kalokoha-"
hindi naituloy ni Lance ang sasabihin ng pilit siyang hinila ni Vanessa papasok sa kubo.kitang kita niya si Bea na nakangiti habang nag uusap sila ni Ryan.. masyadong magkadikit ang dalawa sa upuan..

"we're here.."
sabi ni Vanessa ng makapasok sila sa kubo ni Lance. agad ding nawala ang ngiti ni Bea ng dumating sila. magkahawak kamay pa sila ha?? pero tinabig din ni Lance yong kamay ni Vanessa at umupo sa tabi ni Greg.

"continue.. "

pinaikot na nga ulit ni greg ang bote at tumapat ulit kay Bea.

"dare" agad niyang sagot

"dalawang tagay ulit"
ani Rico

tumagay nga ulit si Bea at pasimpleng tumitingin si Lance sa kanya.. ramdam narin niya ang pagkahilo dahil nakaapat na siyang tagay. ngayon lang siya uminom ng alak kaya hindi siya sanay.

pinaikot muli ni Rico ang bote at tumapat kay Ryan.

"truth" mabilis niyang sabi..

"anong pangalan crush mo.."
tanonh ni Greg

"Bea!"
mabilis na sagot ni Ryan
at nanlaki naman ang mga mata ni bea at napatingin siya kay Ryan na katabi tapos kinindatan pa siya.. nakita naman iyon ni Lance..

"oh Bea.. crush ka pala ni Ryan , uyyyy"
loko loko talagang Rico.. at inulit pa? sabagay crush lang naman ako ni Ryan.wala namang masama?tsss kaya pala dikit ng dikit saakin eh.

hindi nalang umimik si Bea at ngumiti siya ng tipid.

"wala namang masama eh. pareho lang kaming single.. diba Bea..?"
dugtong pa ni Ryan sabay akbay kay Bea pero pinandilatan siya ni Bea upang tanggalin ang pagkakaakbay sa kanya.kaya naman inalis din ni Ryan.

itinuloy parin nila ang paglalaro ng truth or dare hanggang sa nalasing na ang mga babae lalo na si Bea kasi puro dare ang pinipili niya kaya panay tagay ng alak ang kapalit..

siya nga pala , kaya hindi binayaran ni Lance ang biniling jersey ni Bea ay pagmamay ari nila ang department store na yon pati narin ang Eco Island na pinuntahan nila ay sa family Monte Mayor.


Ang Masungit Kong Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon