Hindi naman siya pinansin ni Lance..instead, sinabi nalang niya dito ang mga dapat niyang gawin.. ang dami dami niyang ginawa ..
Mukhang pinapagod siya ni Lance para siguro maisip niyang mag re-sign.. ahh kaya pala walang nagtatagal sa kanyang Secretary... kasi masungit na nga siya.. Wala pang awa kung mag utos..
Hayyy naku..
Pero Hindi siya magpapatinag dito..Hindi siya susuko sa lalakeng yon.. kailangan niya ng trabaho.. titiisin nalang niya ang ugali ng boss niya..
Sa dinami daming magiging boss niya.. bakit si Lance pa?Maagang natulog si Bea ng makauwi siya sa bahay nila..
Dahil sa sobrang pagod niya. Unang pasok palang niya iyon pero stress na siya.."Bea?? Gumising kana diyan..
may pasok ka pa"
Malakas na katok ni aleng Lena sa kwarto niya..
Kaya napabalikwas siya sa kanyang Kama..
Oo nga? May trabaho na siya kaya dapat maaga na siyang nagigising..Hindi tulad noong Wala pa siyang trabaho ay nagigising siya sa anomang oras na gusto niya. .Ano pa ba? Dating gawi?
Pagkatapos niya nag almusal ay naligo na siya..
Plain white dress ang kanyang sinuot na hanggang tuhod..itinali nalang niya ang kanyang mahabang buhok..
And now..ready na naman siya sa kanyang trabahong nakakastress..mabuti nalang at nauna siya sa office..
Kasi Wala pa si Lance.. pero may naririnig siyang mga tili mula sa 1st floor. Kaya pumunta siya sa labas upang silipin ang mga nagtitilian.. nakita niyang paparating na si Lance..ang boss niya.. Bubulong bulong ang mga staff.."Eiiihhh...ang pogi talaga ni Sir Lance.."
Narinig niyang sabi ng isang staff doon..
Ngunit patuloy parin si Lance sa paglalakad..ni Hindi man lang ngumiti ito sa mga staffs na bumabati sa kanya..
Suplado talaga ang kumag..Ngunit pati rin naman siya ay nakatingin parin Kay Lance na siyang paparating patungo sa kanya..ayy sa office nito.. na siyang kinatatayuan niya..
"Good morning Sir"
Bati nalang niya dito..
Pero Hindi siya pinansin ng binatang boss.sinundan niya ito papasok sa office niya.."Sir..gusto mo ng coffee? "
Alok niya Kay Lance.."No"umiling si lance
Inayawan ni Lance na ipagtimpla ito ng kape..kundi binigyan siya agad ng gagawin.. hinanda na niya talaga ang sarili dahil alam niyang pahihirapan siya ni Lance..
Hirap na Hirap niyang binuhat ang mga malalaking karton na ang laman ay mga libro.. muntikan pa siyang matumba..pero agad din niyang nacontrol ang sarili..
"Sa susunod huwag kana kasing mag sandal kasi wala ka sa pageant."
Sambit ni Lance sa kanya na hindi manlang siya nito tulungan.. ang bigat kaya?
Lalo naman siyang naiinis sa Narinig.. kaya inirapan nalang niya si Lance.. kahit pa boss niya ito..'Ang sama talaga ng ugali ng kumag nato? ' sa isip niya
Pagkatapos mag lunch ni Bea ay sinabi ni lance sa kanya na may pupuntahan daw sila bukas at may imemeet silang client..importante daw yong lakad nila na yon sabi ni Lance at siguro matatagalan daw sila doon dahil malayo layo ang lugar na iyon..
Haay mukhang mahihirapan nanaman si Bea sa lakad nilang iyon ni Lance.. kailangan may energy siya.. sigurado pahihirapan nanaman siya ng poging supladong boss niya.."Bakit ganyan ang suot mo"
Mababang tinig ni Lance matapos siyang tingnan ng paibaba.."Magpalit ka muna ng damit mo.. sa probinsiya tayo pupunta at hindi sa mall?"
Patuloy ni Lance sa kanya..
Napangiwi din siya sa sinabi ni Lance sa kanya dahil lahat nalang ng sinusuot niya kinokontra niya.. paano naman kasi magbibyahe sila sa probinsiya pero ang suot niya napakaiksing palda at naka sandal nanaman siya..pano nalang kung maglakad sila ng malayo..hehe
Wala siyang nagawa kundi Magpalit..buti nalang marami siyang dinalang damit.. isang maleta..haha akala mo isang buwan niya don.."OK na po ba ito..sirrr??"
May pang aasar naman nitong sabi Kay Lance na nakaupo sa table nito..
Sa suot niyang simpleng white T-shirt na may tatak pang boracay na halatang remembrance lang niya yon noong nasa boracay sila ng kaibigan.. tapos pantalon.. nakasapatos narin siya tsaka nito tinali ang mahabang buhok..Tiningnan lang siya ni Lance at Hindi siya sinagot kung ok na Yong suot niya..gaya ng dati..walang pake.. tumayo lang siya at
"Ok let's go..Dalian mo.. ayoko ng mabagal.."
Sabi lang sa kanya at tumayo ito at nilampasan lang siya sa kinatatayuan niya..
Hinabol niya ang boss niya patungo sa kotse nito hila hila pa niya ang kanyang maleta..
Sumakay na sila sa kotse ni Lance.."Sa likod ka?"
Sabi sa kanya ni Lance ng Sumakay siya at sa tabi ni Lance siya Sumakay..sa harap.Tumingin naman siya Kay lance na Hindi ito nakatingin sa kanya habang kausap siya.
"Dito nalang ako Sir.. Bakit bawal po ba?" Aniya
Pero Tiningnan siya ng masama ni Lance.."Ah-ahmm I mean, masikip na kasi doon sa likod Sir..nandon pa kasi yong mga gamit natin"
Sabi pa niya.. na talagang Hindi na siya umalis..
Hinayaan nalang din siya ni Lance.. matigas ang ulo niya eh..At Hindi nalang din siya sinagot ni Lance.. pinaandar nalang nito ang sasakyan ay sila'y umalis na nga..
Naboboring naman si Bea sa habang nakasakay.. tingin - tingin naman siya Kay Lance pero busy ito sa pagdadrive at seryoso ang gwapong mukha.
Hindi siya mapakali kasi ang tahimik..Hindi man lang siya kausapin ng boss..Kaya kinuha nalang niya ang cellphone at headset..
Nakinig nalang siya ng music para Hindi siya maboring..
Sumandal siya sa kinauupuan Tsaka niya pinikit ang mga Mata.. matutulog nalang siya habang nakikinig ng music..
Suplado rin lang ang kasama niya kaya hindi niya makausap.Palihim din siyang tinignan ni Lance habang nakapikit..
Tinitigan siya ni Lance..
Aha! Maganda pala ang hugis ng mukha niya at ang labi ni Bea na mapupula na hugis puso pati na ang mga pilik Mata niyang mahahaba..