Nanliit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang papalayong taxi na sinakyan ng isang pasahero. Luminga ako sa paligid at nag-abang ng panibagong taxi.
Wala sa sariling napatingin ako sa sapatos ko habang naghihintay. Pinaglaruan ko ang mga bato sa aking paanan habang naghihintay ng masasakyan.
"Yeah, see you later baby." Hindi ko napigilan ang mapatingin sa aking gilid.
Saksi ang aking mga mata sa ginawang paghalik ng kapitbahay ko sa kanyang kasintahan bago ito sumakay sa kotse at umalis. Wala sa sariling napangiti ako at napailing na lamang.
Hindi na bago sa akin ang tanawing 'yon. Halos araw-araw ko yata sila nakikitang ganyan. Sa pananatili ko sa Canada sa loob ng dalawang taon, kabisado ko na yata lahat ng galaw ng mga kapitbahay ko rito.
"Good morning, Evangeline," bati ng aking isang taon nang kapitbahay gamit ang kanyang matigas na Ingles.
Matamis akong ngumiti. "Good morning, Martha."
"On your way to the hospital?" tanong niya.
Tumango ako at maagap na napatingin sa narinig kong papalapit na sasakyan. Mabilis kong sinenyasan ang taxi.
"I need to go. Have a nice day!" paalam ko habang pasakay ng taxi.
Ngumiti ito at kumaway sa akin."Take care!" rinig kong sigaw niya.
Tuluyan na akong sumakay at kumaway sa kanya habang papalayo ang taxi na sinasakyan ko. Sinabi ko ang destinasyon ko kung saan ako nagtatrabaho sa loob ng isang taon.
Noong unang dating ko rito ay hindi agad ako nakapasok sa trabaho. Mahirap, oo, pero sinuwerte naman ako dahil pagkalipas nang mahigit isang taon, natanggap na ako bilang nurse sa isang sikat na hospital dito sa Canada. Masaya na rin ako dahil nakatutulong ako sa pamilya ko sa Pilipinas. Nakabili na kami ng bahay sa tulong ng ipong pinapadala ko. Sina nanay at ate na lang ang magkasama roon kaya minsan ay hindi ko rin mapigilan ang mag-alala sa kanila pero alam kong hindi pababayaan ni ate si nanay.
"Here...." Inabot ko ang bayad nang tumigil kami sa hospital.
"Good day, ma'am!" saad ng taxi driver.
Ngumiti ako at tumango. Tuluyan na akong lumabas at pumasok sa hospital. Habang naglalakad ay sinuot ko ang aking identification card. Dumeretso ako sa station namin at agad tiningnan ang duties ko ngayong araw.
"Buti naman at nandito ka na! Hinahanap ka ni Mr. Smith! Ayaw uminom ng gamot na hindi ikaw angnagpapainom. Sumasakit na ang braincells ko!" hysterical na wika ni Helda, ang kababayan kong Pilipino na nurse rin.
Napahawak ako sa batok ko.
"Pagpasensyahan mo na 'yon. Alam mo naman si Mr. Smith, maarte talaga," paliwanag ko.
Tumango ito at inabot na sa akin ang kit kung nasaan ang mga gamot ni Mr. Smith. Mabilis kong kinuha 'yon at dumiretso sa executive room nito. Kumatok muna ako bago pumasok.
"You're here! My favorite nurse is here already!"
Natawa ako sa narinig kong masayang bati ni Mr. Smith. Lumapit ako roon at sumalubong sa akin ang tatlong laptop na nakaharap sa kanya. Nasa tabi niya rin ang isa sa mga 'butler' niya; hindi ko alam na uso pa pala ang mga 'yon sa panahon ngayon.
"Mr. Smith, I told you to stop working and don't stress yourself until you're completely well," sermon ko sa matanda.
Nilapag ko ang kit sa tabi at nagsimulang ayusin ang dextrose ng matanda. Inayos ko rin ang mga gamot at antibiotics niya. Sinaksak ko ang mga 'to habang abala siya sa pagbabasa ng kung ano sa laptop niya. Ang alam ko ay isang mayamang telecom owner si Mr. Smith. Wala raw itong asawa o anak na magbabantay sa kanya kaya pag nagkasakit ay deretso sa hospital.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman
RomanceEvangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in comatose. She's basically at her wit's end. But what if while she's at her lowest, her much-awaited Sup...
Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte