Sorry
"Ayoko."
Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya pero nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang paghawak sa aking braso. Hinarap niya ako sa kanya at kitang kita ang pagtitimpi niya.
Alam ko, naiinis na siya sa akin.
"Why?"
"Sira ulo ka ba?" inis kong wika.
Tinagilid niya ang kanyang ulo at bahagyang ngumisi. Napahawak siya sa kanyang batok at bahagyang natawa. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa inaakto niya.
"Well, that's my nickname you know," aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan siya.
"Mag-mall ka mag-isa mo," pagsusungit ko.
"Kung hindi ka talaga galit sa akin, why are you avoiding me?"
Napaiwas ako ng tingin.
Bakit nga ba? Basta!
"Hindi nga sabi."
"Then shop with me," deretsa niyang wika.
Marahas ko siyang binalingan ng tingin. Huminga ako nang malalim at napabuga ng hangin. Padabog akong naglakad para lagpasan siya at nagtungo na sa hallway ng mall.
"Yes!" rinig kong wika niya sa likuran ko.
Pinaikot ko ang aking mga mata at pinilig na lamang ang aking ulo. Tinungo ko ang department store, dumeretso ako sa mga sapatos at hinayaan ko lang siyang sumunod mula sa aking likuran.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga sapatos na nandoon at nakita ang hinahanap ko. Kailangan ko ng sapatos na kulay puti para sa uniform namin. Meron naman ako pero parang bibigay na yata siya.
"What do you need?" tanong ng nasa likuran ko.
Hindi ko siya pinansin at kinuha na lamang ang sapatos na kailangan ko. Umupo ako sa isang sofa roon, nilapag ko ang gamit ko sa aking gilid at ganoon din ang sapatos na napili. Bahagya akong yumuko para alisin ang rubber shoes ko pero may nauna sa akin.
Lumebel sa akin si Uno, tinukod niya ang kanyang kanang tuhod sa sahig at siya mismo ang nagtanggal ng sapatos ko.
"Ako na."
Pilit kong hinahawi ang kamay niya pero sa halip ay hinuli niya ang aking dalawang kamay at mahigpit na hinawakan 'yon. Nag-angat siya ng tingin sa akin at seryoso akong tiningnan.
"Galit ka talaga sa akin 'no?" aniya.
Natigilan ako sa tanong niya. Paano niya nagagawa 'yon? The way he asks, parang napaka-inosente na para bang ako pa ang magi-guilty sa ginagawa ko.
Bakit ba ako napasok sa sitwasyong ganito?
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'to. Hindi mo responsibilidad at mas lalong hindi ka obligadonggawin ang mga bagay na 'to."
Sinubukan kong huminahon para magkaintindihan kaming dalawa.
"But I want to. Gusto ko at kaya ko, bakit hindi ko gagawin?" banayad niyang wika.
Napahawak ako sa noo ko at napabuntong-hininga. Sabi ko na nga ba, mahirap palinawagan ang isangtaong tulad niya. Nasanay siya na pag gusto at kaya naman ay gagawin na.
"Pero Uno, hindi naman dahil gusto mo at kaya mo... gagawin mo na," saad ko.
"I'm sorry..."
Hindi ko alam kung bakit pero nabigla talaga ako sa sinabi niya. His face shows sincerity and his eyes were directly on mine. Seryoso at tagos sa puso ang paghingi niya ng tawad.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman
Storie d'amoreEvangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in comatose. She's basically at her wit's end. But what if while she's at her lowest, her much-awaited Sup...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte