Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

▪ 10 ▪

73.4K 1.6K 153
                                    

Inosente

"Saan ka galing? Tapos na duty mo di ba?" tanong ni Raffie.

Tumango ako.

Nilagay ko ang ilang papel sa taas ng station at walang lakas na kinuha ang bag ko.

"Tinignan ko lang si nanay," sagot ko.

"Uuwi ka na ba?" tanong niya.

"Ano oras out mo?" balik kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa orasan niya at bahagyang hinawi ang bangs niya.

"Hm, wait mo na me, isang pasyente na lang niyan at tapos na ako. Diyan ka muna, pagbalik ko... alis na tayo," aniya.

"Okay."

Sinundan ng mga mata ko ang papaalis niyang bulto.

Luminga-linga ako sa paligid tsaka umupo sa stool chair na nandoon. Tinanggal ko sandali ang aking salamin dahil sa pagod ng mata.

Hindi ako gaanong nakatulog kagabi at masama rin ang gising ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na parang wala akong gana. Buti na lang at natapos ko ang duty ko na walang ginagawang kapalpakan.

"Hey, let's go?" Napaigtad ako sa narinig kong boses.

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang ngiting-ngiting mukha ni Uno. Natigilan ako nang makita siya. Kakaiba ang aura niya ngayon—maaliwalas ito at preskong-presko. Naka-simpleng t-shirt lamang siya at simpleng khaki shorts.

Naramdaman ko ang literal na mabagal ngunit malakas na kalabog ng puso ko. Nahigit ko ang aking hininga at napaiwas ng tingin.

Ano 'yon?

Hindi pwede.

Sandali akong pumikit bago siya hinarap muli.

"Anong let's go?"

Sinubukan ko ang lahat para maging normal ang aking tono.

Tinagilid niya ang kanyang ulo at bahagyang lumapit pa sa akin kaya hindi ko napigilan ang mapaurong. Bawat kibot ng kanyang bibig ay na memorya ko na yata sa paninitig ko sa kanya.

"I told you right? I'll come with you. I thought you're gonna buy stuff? Nakalimutan mo ba?"

"Ano?"

Kumurap-kurap ang aking mga mata.

"Seryoso ka roon?" I trailed off.

"Yeah, of course. I don't say things that I didn't mean. Sasamahan kita," puno ng kasiguraduhan niyang wika.

Hindi ko akalaing seryoso siya roon.

Mas lalo pang nagwala ang aking puso. Simula kagabi ay hindi na ako natahimik at wala akong ginawa kung hindi isarado ang utak ko tuwing alam kong mapupunta ito sa ayokong konklusyon.

"Are you okay? You're not wearing your glasses. May masakit ba sa'yo?" Puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

Akmang hahawakan niya ang aking noo nang mabilis kong hinawi ito. Bahagya akong ngumiti at umiling.

"Okay lang ako. Hindi mo na ako kailangan tulungan. Kaya ko naman at saka siguradong busy ka."

"What? No. I'll go with you," desidido niyang saad.

Napabuntong-hininga ako at mataman siyang tiningnan sa mga mata. Kita kong naguguluhan siya at pati ako ay alam kong naguguluhan din ako sa sarili ko.

"Uno."

Humugot ako ng hininga at umiling muli.

"Sige, sabihin natin na sasamahan mo ako... Tingin mo ba makapapamili ako nang maayos kung alam kong lahat ng mga mata ay nasa sa'yo? Itapak mo lang 'yang paa mo sa loob ng mall ay siguradong lulundag ang mga tao papunta sa'yo."

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon