Superman
"Concerned citizen mo mukha mo," saad ko sabay irap.
Pinilit kong pigilan ang mga tumutulong luha sa mata ko. Sobrang sakit ng puso ko at hindi nakatutulong na nakikita ako ng isang gaya niya. Ang laking sampal kaya nito sa akin.
"Come with me. Let's fix your problem," aniya.
Kumunot ang aking noo.
"Ayoko. Wala kang alam sa nangyayari sa akin. Isa pa, ano bang ginagawa mo rito? Kung napadaan ka lang, sige na... dumeretso ka na sa pupuntahan mo."
"Damn, hard," rinig kong mahinang wika niya.
"Ano?"
"Nothing. It's just that, I want to help."
Napaismid ako.
"Hindi nga?"
Binalingan ko siya at bahagya akong natigilan nang makitang seryoso siya. His eyes were directly looking at me. Pilit nitong tinatanggal ang harang sa paligid ko.
Hindi pwede.
"Montgomery, wala akong lakas na makipag-away sa'yo ngayon. Kaya pwede ba? Time out muna,"deretso kong wika.
Kita ko ang pagbuntong-hininga niya. Nagtitimpi yata siya dahil sa ginagawa kong pagtataray.
"Hindi naman ako nakipag-aaway. Cease fire muna. Okay ba 'yon?"
"Cease fire?" pag-uulit ko.
Tumango siya.
"Yup."
Pwede ba akong maniwala sa taong 'to? Parang kanina lang ay halos pagbantaan na niya ako dahil sa napakaliit na bagay na nagawa ko tapos ito siya ngayon, nagpapakita ng kabutihan.
Pwede ba talaga 'to?
"Okay," pagsang-ayon ko.
"So now? Are you going to tell me why you are here outside? Sitting like you don't have a place to go?"
Napalunok ako.
Naninibago ako. Sobra-sobrang naninibago. Hindi ko akalaing ganito si Uno Montgomery. Oo, hindi ko naman siya kilala at mas lalong hindi ko alam kung ano ang tunay niyang personalidad pero hindi ito ang inaasahan ko.
Malayong malayo ito sa inaakala ko. Napakaamo ng mukha niya ngayon at mas lalo siyang gumwapo dahil sa pinapakita niyang pakikipagkapwa-tao sa akin. Nakagagaan ng loob, mas lalo akong napapaniwalang marami pang mabuting tao sa mundo.
Pwede na siya....
Pwede na siyang mapasama sa mga mabuting tao. Kaunti pa, pasok na siya.
"Nakikita mo ba yung bahay na 'yon?"
Tinuro ko ang bahay namin na nakapatay na matatanaw sa hindi kalayuan.
Bahagya siyang natigilan dahil doon.
"Yeah..." he trailed off.
"Bahay namin 'yan... Dapat bahay namin pero wala eh... Bumalik ako rito at nalaman ko na lang na hindi na pala."
Sa bawat pabigkas ko ng mga salitang 'yon, parang paulit-ulit na bumabalik sa akin ang lahat. Sinong mag-aakalang mismong kapatid ko ang gagawa nito? Kahit anong intindi ko, hindi ko pa rin maisip kung bakit.
Kung nangangailangan naman siya, handa naman akong tulungan siya. Hindi ganitong iiwan niya si nanay at itatakbo niya lahat ng napag-ipunan namin.
"I don't really know what's happening but— Fuck. I'm not good at comforting people," aniya.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman
RomanceEvangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in comatose. She's basically at her wit's end. But what if while she's at her lowest, her much-awaited Sup...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte