Sweet
"Hah?"
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Alam ko namang emotional lang siya ngayon kaya siya nagkagaganyan at siguradong naghahanap lang siya ng makararamay sa kanya.
I felt this before, yung pakiramdam na gusto mo ng kausap pero hindi mo masabi sa sarili mong pamilya.
Siguradong gano'n din siya.
"My grandmother died, Evangeline. She died while we're here in Manila and she's in Argao. She's the closest to my heart, she always understands me and she's always there for me even though I was a big jerk. Sakit ako sa ulo pero hindi niya pinaranas 'yon... now... wala man lang kami sa tabi niya," puno ng sakit niyang wika.
Nakatingin lamang ako sa mga mata niya. Ibang iba ang Uno na nakikita ko ngayon.
So vulnerable.
So true and no pretentions.
His eyes were conveying different emotions that I never thought I would see. Hindi ko tuloy mapigilangmaisip kung ganito rin ba ang nakita niya sa akin noong nakita niya akong nakaupo sa gilid ng daan.
"Uno, araw-araw, bawat pagpasok ko sa hospital ay nakakikita ako ng namamatay o nasa bingit ng kamatayan. Oo nga at nagpapakahirap kaming masalba sila para mabuhay pero wala eh... gano'n talaga. Lahat tayo... ipapanganak at sa dulo ng lahat, mamatay din. Hindi pwedeng pigilan 'yon. Sa nakikita ko, mahal na mahal mo siya at mahal na mahal siya ng pamilya niya. Sigurado akong alam niya 'yon at sigurado rin akong kayo ang nasa isip niya bago siya namatay," banayad kong paliwanag.
Ayokong may masabi akong mali. Masyadong emosyonal ang sitwasyon niya ngayon.
Bahagya siyang ngumiti na naging dahilan ng kaginhawaan sa loob ko. Yumuko siyang muli at parang nahiya pa sa ginawa niyang pag-iyak sa harap ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinisil 'yon.
Tinapik ko ang kamay niya at ngumiti rin.
"Damn. I don't know what to say. I'm so shy," nahihiya niyang wika.
"Shy ka pa riyan. Ako nga ilang beses mo nang nakitang umiiyak..."
Bahagya akong napatingin kay Kelly na malungkot na nakatingin sa amin. Tinuro niya ang orasan at tumango naman ako.
"Ayoko man basagin ang moment mo pero... may duty kasi ako. Mabuti pa umuwi ka na muna, sigurado akong hinahanap ka na ng pamilya mo," dagdag ko.
"But..."
Natigilan siya at napabuntong-hininga na lamang. Malungkot niya akong tiningnan pero ngumiti pa rin siya.
"Anong oras labas mo?" tanong niya.
Napahawak ako sa aking batok bago napatingin sa orasan ko.
"Mamaya pa akong gabi..." mahina kong sagot.
"I'll fetch you," agaran niyang alok.
Namilog ang aking mga mata at maagap akong umiling.
"Hindi na! Ano ka ba? Kailangan ka ng pamilya mo tsaka meron na akong lugar na tutuluyan kaya pwede mo na akong alisin sa charity case mo," balita ko sa kanya.
Matamis akong ngumiti pero unti-unti ring napawi 'yon nang sumama ang timpla niya. Sumeryoso ang kanyang ekspresyon at nagtagis ang kanyang bagang.
"Do you really think you're a charity case?" puno ng pagkairita niyang wika.
Napaawang ang aking labi at sinubukan kong magsalita pero wala talaga akong masabi. Nakatatakot siyang kausapin ngayon, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman
RomanceEvangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in comatose. She's basically at her wit's end. But what if while she's at her lowest, her much-awaited Sup...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte