Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

▪ 2 ▪

100K 2.1K 97
                                    

Immature

Five years ago...

Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko habang naririnig ang sinasabi ng pinsan ko sa kabilang linya. Para akong mabubulunan dahil sa kanya.

"Oo... Sige, makipagkikita ako. Malapit na ako sa university mo," sagot ko.

"Mag-stay ka na muna sa library. Hindi tayo pwedeng makita ng mga kaibigan ko na magkasama baka sabihin nila kay mama. Doon na lang kita pupuntahan," aniya.

Napakagat ako sa aking labi.

Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Wala sa sariling napikit ko ang aking mga mata. Nasasaktan ako para sa nanay ko dahil sa gagawin naming pag-uusap ng pinsan ko. Patunay ang aming pag-uusap sa realidad na hindi lahat ng nakaukit sa dugo ay patuloy na nakaukit doon.

"Yeah, promise. I'll go back after an hour," rinig kong wika ng isang tao.

Mabilis kong naimulat ang mga mata ko dahil sa naramdamang kakaiba. Parang pamilyar ang boses na 'yon, base sa reaksyon ng puso ko ay parang narinig ko na 'yon.

Pero saan?

"Cutting? Well... you can say that pero babalik din ako promise. Shut your mouth, Gelo. Of course hindi nila pwedeng malaman! Gusto mo bang patayin ako ni Adrianna! Especially Carl! Just make an excuse. May kailangan lang akong tingnan," sunod-sunod na wika ng lalaki.

Nanliit ang mga mata ko habang palapit ang lalaking 'yon. Mukhang may kausap siya sa cellphone niya.

Habang papalapit siya ay mas lalo kong nakikita ang mukha niya. Natigilan ako at sandaling na-blangko. Parang nakalimutan ko ang pakay ko sa lugar na 'to habang nakatitig sa lalaki na 'yon.

"Yes. Bye. Thank you."

Pinutol niya ang tawag at pinatunog ang kanyang kotse. Nagsulubong ang aking kilay dahil doon. Hindi ko maiwasan ang tingnan ang orasan mula sa cellphone ko.

Hindi pa naman oras ng labasan..

"Excuse me..." singit ko.

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kotse bago ako tiningnan.

Teka lang...

Lunok.

Ang gwapo.

"Why?" aniya sa matigas na Ingles.

Napakagat ako sa aking labi. Itinaas ko ang aking noo at tiningnan ang lalaki nang masinsinan. Kahit na nakasusunog at nakalulusaw ang tingin niya ay pilit kong tinibayan ang tingin ko sa kanya.

Tao siya...

Gwapo lang 'yan, tamad naman mag-aral. Aanhin ko ang gwapo kung walang pangarap!

"Hindi pa oras ng labasan. Bawal pang lumabas. Nakasara pa ang gate para sa mga estudyante ng university na 'to," pagsasalaysay ko.

Ngumisi ito.

Anak ng shark!

Pwedeng Superman ng buhay ko—hindi! Never! Tandaan, hindi porket gwapo ay pwede nang pumasa bilang Superman! Sa ginagawa pa lang niya ay hindi na siya pasado!

He is no superhero!

"So?" sarkastiko niyang tanong.

"Bawal lumabas means bumalik ka sa loob at mag-aral nang mabuti!" pigil inis kong wika.

Nanatili siyang nakahawak sa pintuan ng kanyang kotse. Bahagya siyang humarap sa akin at pinakatitigan din ako. He looked at me using his hot blazing eyes.

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon