Come for you
"Your doorknob sucks," reklamo ni Uno.
Napangiwi ako at inirapan siya.
"Damn... I can easily enter your apartment without using too much force," rinig kong bulong-bulong niya.
Anong akala niya sa apartment ko? Afford magpalagay ng high security?
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pintuan. Bago ako pumasok ay hinarap ko siya. Kita kongnatigilan siya sa biglaang pagharap ko at hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.
"What?" inosente niyang tanong.
Tumikhim ako at inayos ang ekspresyon ko.
"Maraming salamat sa paghatid mo, pwede ka nang umuwi. Ingat ka," pamamaalam ko.
Akmang tatalikod na ako nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinarap ako muli sa kanya. Ako naman ang natigilan sa ginawa niya. Nahigit ko ang aking hininga at namilog ang mga mata ko sa munting paglapit niya sa akin.
Evie!
Gising, huy!
"Uh... ano?"
Sinubukan kong maging normal ang boses at ekspresyon ko.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya.
Maagap akong umiling.
"Why?" hindi makapaniwala niyang wika.
"Di ba sinabi ko na sa'yo yung dahilan. Lalaki ka, babae ako at hindi magandang tingnan. Gabi na, delikado sa daan. Sige na..." saad ko.
"Are you mad at me?"
"Hindi."
"Really?" pangungulit niya.
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa hamba ng pintuan.
"Bakit mo ginawa yung kanina?" deretso kong tanong.
"What are you talking about? The traffic thing?"
Hindi ko alam paano niya nagagawang magmukhang inosente sa mga panahong ganito.
"Hindi talaga ako makapaniwala... grabe... paano... gusto mo lang makuha ang number ko..." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.
Hindi talaga ako makapaniwala. Oo nga at mayaman siya, kaya niya pero normal ba 'yon? Dahil kaya at pwede niyang gawin ay gagawin niya na?
Isa pa, bakit? Anong makukuha niya sa pagsasayang ng pera para lang sa mga ganito?
"Fine... sige na. Pumasok ka na sa loob. See you tomorrow," aniya habang halatang nagpipigil ng ngiti.
Kumunot ang aking noo.
"Akala ko ba puno ng meetings ang araw mo bukas?"
Tuluyan na niyang hinayaan ang kanyang sarili na ngumiti. Inangat niya ang kanyang kamay at bahagyang akong napaurong nang bigla niyang tapikin ang aking ulo.
"Don't think too much. Lock your doors and don't stay up too late. Good night, Evangeline," ngitingngiting wika niya.
Tinalikuran niya ako at dumeretso na sa kanyang sasakyan. Sinundan lamang siya ng aking mga mata at hindi ko mapigilang mapabuga na lang ng hangin nang makita ko siyang makaalis nang tuluyan.
Sandali akong mariing napapikit bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment ko. Napasandal ako sa pintuan at mahigpit na napakapit sa seradura ng aking pintuan.
"Evie... hindi maganda 'to," bulong ko sa aking sarili.
Napahawak ako sa aking puso at dinama ang mabilis na pagtibok nito.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman
RomanceEvangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in comatose. She's basically at her wit's end. But what if while she's at her lowest, her much-awaited Sup...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte