Chapter 7-6

11 0 0
                                    


Mac's Pov

Andito ako sunod ng sunod kay Kirsten at kay Enzo, bakit ba kasi ako pumayag na sumama rito? pero mas okey na to no? ilang dates na namin ni Kirsten ang nasira dahil sa page-epal nitong lalaking bestfriend na ito, "Mahal ko? pink or white?" tanong ni Kirsten, sasagot sana ako ng umepal na naman yung Enzo, "White gown ka diba? white na lang, plus magagamit mo pa sa casual wear" sabi nito, "you're right! thank you talaga bebe ko, such a help" sagot nito at niyakap si Enzo, kabanas na ah. Ngumiti lang ako ng peki, kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ito, walang laman inbox ko natural kasama ko naman yung taong tenetext ko, haist.

Inopen ko agad messenger ko

Ako: remind me again bakit sumama ako rito? nagmuka ang nag third wheel.

Mark: asan ka ba?

Earl: akala ko date nyu ni Kirsten maysumama ba sa mga girls?

Gio: naku! masama yan! pinagpalit ka na harap harapan pa! AHHhAha

gagong Gio to ah!

Ako: tangina ka Gio, okey lang sana kung girls ang naki hirit dito edi sana hindi ako op, eh si Enzo the bestfriend eh

Earl: anong ginagawa nya dyan?

Mark: akala ko ba kayo lang nandyan?

Gio: Enzo the bestfriend/karibal HAHAHHA

tangina talaga tong si Gio makakatikim na talaga to

Ako: pak you Gio! humanda ka bukas makakaganti rin ako

Gio: *peace sign* pare, patawad

tarantado talaga.

Mark: pwede ba Gio, hindi ka nakakatulong, ulol ka talaga

Gio: ang harsh ha!

Earl: text ko kaya si Kaka para ma tauhan ka?

Gio: bakit may number ka ni Kaka?

Earl: binigay nya, bakit selos ka?

at yun po mga kaibigan nag talo na hu si Earl at Gio, mga sira ulo talaga, mas mabuti na to na eenjoy ko s apagtatalo ng dalawa, nagulat na lang ako ng hinatak ni Kirsten ang Phone ko, "sino ka text mo?" sabi nya na may pagseselos sa muka, nilingon ko si Enzo, tumitingin lang ito sa mga damit sa store.

"a random girl" biro ko, "gusto mo ng random punch?" naiinis nyang tanong, mas lumapad ang ngiti ko, "bakit busy ka naman sa bestfriend mo diba?" sabi ko sabay cross arm, "asus! nagseselos ka lang kay Enzo eh" pangasar nya, nilingon ko ulet si Enzo na nasa counter na na medyo malayo na sa amin, "akala ko ba date natin to ba't kasama yang si Enzo" sabi ko, "jelly boyfriend of mine, kawawa naman bored na yan sa condo nya, kaya sinama ko na don't worry masosolo mo rin ako" sabi nito and she kissed my cheek, at lumapit na sa counter, pasalamat sya mahal ko sya, atr ngumiti na ako.

binuksan ko ang messenger ulet, at mukang peacemaker na naman si Mark sa dalawa,

Ako: tama na nga yan, untogin ko kayo dyan eh, Huy Gio walang number ni Kaka si Earl, oa nito HAHAHHHA

Mark: mukang naka score ang ating kaibigan

tumawa naman ako ng malakas kaya nilingon ako ni Kirsten, "si Mark, nahawa na talaga kay Trexia" bulong ko sa kay Kirsten, tumawa rin ito.

Ako: mga sira ulo, mga lubong sa pagibig.

Gio: nahiya naman kami sayo

tumawa lang ako and I close my messenger app. Habang palabas na kami ng isang shop may naka salubong kaming isang babae, "Dina?" tawag ni Enzo, "Enzo? Enzo ikaw nga wow! long time no si? and Kirsten?" sabi ng babae, "oh my gosh! Dina" sabi naman ni Kirsten sabay beso nito, "oh may gad kamusta na? kayo na ba?" sabi ng babae dahilan para mawala ang mga ngiti ko, lakas ng trip ng babae to ah, tumawa naman si Enzo aba masaya ka pa ha? "Baliw, Dina? this is Mac, my boyfriend" sabi naman ni Kirsten with a proud voice, kaya ngumiti ako, "oh my gosh! Mac Angelo Lacson?" sabi nito, "the one and only" pagyayabang ko, siniko naman ako ni Kirsten, classmate pala nila tong si Dina sa elementary kaso Us based na daw, doon nya naman kasama si Janelle yung isa ring bestfriend ni Kirsten, after the lunch.

"bebe ko I need to go na, susundoin ko pa si Mommy, para sa birthday ng mommy mo bukas"pagpaalam nito, maslumpad ang ngiti ko, "sure ka? okey ka lang?" tanong ko, sempre kunwari pipigilan muna, HAHAHA "okey lang, I promised mom and dad eh" sagot naman nito, good! pagkaalis ni Enzo, "ang sama mo" bungad agad ni Kirsten, tumawa naman ako, "tara movie tayo, namiss kita kung alam mo lang" sabi ko, "miss you to" sagot naman nito at pumasok na kami sa cinehan.


Enzo's Pov

"okey na man ba ang flight nyu mom?" tanong ko as soon as naka rating kami sa condo, "sempre, private plane yun, mabuti at may kaibigan ka na Santos" biro nito, tumawa naman ako, "bakit? tama yan anak ng hindi puro Kirsten na lang, make friends sa ibang tao, bakit sinasakta mo ang sarili mo kasi" sabi pa nito, nawala ang mga ngiti ko sa sinabi nya, "ma, alam mo naman na hindi ko kayang ewan sa ere ang kaibigan ko, at mahal nyu rin si Kirsten diba?" sabi ko, "mahal na mahal, parang anak ko na yun, pero nasasaktan ka na anak, sabihin mo na, I know hindi ganoon ka babaw si Kirsten para ma sira ang friendship nyu dahil sa confession mo, please, just tell her para malaman nya na nasasaktan ka rin" sabi pa ni mommy at iniwan ako sa sala, nilingon ko ang frame na may picture namin, kaya ko bang sabihin sa kanya ang nararamdama ko, kaya ko na bang isang alang-alang ang friendship namin?


Mirzi's Pov

"Paano na yan Mirz? eh? mukang walang epek si Enzo eh" sabi ni Greath, "paano ang plano?" dugtong ko, "maghintay ka lang, alam kong may babalik rin sa offer ko, trust me" sabi ko naman, bigla na lang bumukas ang pinto ng bahay namin, andito na pala ang twin sister ko, with our lovely parents, well sanay na ako siya naman talaga palaging nakakasama rito, "Mirzi, andito ka lang pala, ba't hindi ka sumunod sa amin" sabi ni mom, "tinamad ako eh" simpling sagot ko at tumalikod na sakanya, "maghanda ka para bukas, pupunta tayo sa birthday ng mommy ni Kirsten Wilson" sabi pa ni daddy, nilingon ko sila, "nagbibiro ba kayo? do you think pupunta ako sa bahay ng mortal kong kaaway? si Kristen na, bff nya yan" sabi ko sabay turo kay Kristen, asa silang pupunta ako don, "it's okey ma, pa, wag nyu nang pilitin ang ayaw" sabi ng magaling kong twin sister at na unang umakyat sa akin, "where are your manners?" tanong ni mommy, tumawa lang ako, "nasa kilikili ko" sagot ko at tinalikuran sila, ano ako sunod sunoran dito? I'm the queen bee rito, "ayaw mo talagang pumunta don?" tanong ni Greath, "gaga ka ba ikaw ba sasama sa parents mo?" tanong ko, "no way, boring yun noh" sagot naman nito, "good dahil tayo ay magkakaroon din ng sariling party" sabi ko, "hmmm? gusto ko yan" sabi ni Greath at nag apir kami, I know makukuha ko rin si Mac, I know.

Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon