Chapter 7-2

8 0 0
                                    


Mac's Pov

Nakukulitan kami ni Kirsten ng biglang pumasok si Trexia at Curtny sa tambayan, pawis na pawis sila, anong trip naman ng dalawang to? "Mukang nag jogging kayo ah" biro ko, tumawa naman si Kirsten sa sinabi ko, dumila lang si Trexia, "Kirs, lumabas ka dali may delivery para sa'yo" sabi ni Curtny na pumapalakpak pa, "ha? ganino galing?" takang tanong ni Kirsten, "Basta! dali" sabi ni Trexia sabay hatak kay Kirsten, langhiya iniwan pa akong magisa rito, tumayo ako para sundan sila.

Nakita kong ngumingiti si Kristen kasama ng isang lalaking naka talikod, sino to? "special delivery for Ms. Wilson, from Indiana, USA" sabi ng lalaki sabay harap, nanlaki ang mga mata ni Kirsten "Oh! my! gosh! Enzo Christoffer Thompson" sigaw nito at tumakbo papunta sa lalaking yun at niyakap ako, aba't niyakap pa, sino ba itong Enzo Christoffer Thompson na ito? "sino yang niyayakap ni Kirsten pare?" tanong ni Earl, nilingon ko sya "hindi ko kilala" sagot ko agad, tinignan ako agad ng tatlo, mangaasar naman tong mga mukong na ito eh, "I smell selos oh" sabi ni Gio, sabi na ngaba eh, "suntok gusto mo?" inis kong sabi, lumayo naman ito, "chill ka lang, biro lang" sagot naman nito.

"When ka umuwi? bakit hindi ka nag pasabi?" tanong ni Kirsten, mukang excited talaga ito sa pagdating ng Enzo na ito,  kabanas, "kanina lang, at kaya hindi ako nag pasabi kasi may word tayong surprise" sagot naman ito at niyakap si Kirsten, nakakailan na tong lalaking to ah, mumarte akong umuubo, tumawa naman ang mga mukong, "Oh my gosh! Mahal ko, andyan ka pala" sabi nito, thank you at napansin mo rin ako, hinila ako ni Kirsten, sumunod naman ang mga mukong samin at tumabi sa mga shota nila, "Enzo, this Mac, my boyfriend, Mahal ko, this is Enzo Christoffer Thompson, my bestfriend" pagpakilala naman ni Kirsten, "Finally, nice meeting you Mac, Enzo" sabi nya naman and he offer his hand, tinaasan ko sya ng kilay dahilan para sikuhin ako ni Kirsten, "Mac Angelo LACSON" sabi ko and I shake his hand, diniin ko talaga ang Lacson para alam nya ang lulugaran nya.

Binigyan naman ako ni Kirsten ng "what the fuck look" nya, kaya nag smile lang ako para painsosente, hahahaha, "moving on, this is Mark, Trexia's Boyfriend" sabi ni Kirsten nakipag shake hands rin sya, "Earl, Curtny's boyfriend"  ganon rin ginawa nya, "and Gio, Kristen boyfriend" dugtong pa ni Kirsten, "and bebe ko, this is Kristen in person" masigla pang sabi ni Kirsten, wait did she call him BEBE KO? "bebe ko?" saad ko, "ay Mac, wag magselos, tawagan yun nina Kirsten at Enzo, ito kasing si Enzo ay napaka cheezy, mahilig tong magbigay ng tawagan sa mga kaibigna nya" pagkwento ni Trexia, "ahhh? chezy talaga, grabi ka sakin baby" sabi naman ni Enzo, "bakit hindi ba?" saligbat ni Trexia "baby?" sabi ni Mark na parang umuusok ang ilong, "oo baby tawagan namin, may problema?" tanong ni Trexia, "wala" sagot agad ni Mark, tumawa naman sina Earl at Gio ng palihim, siniko ko si Earl mas tumawa ito, "asan si Jan?" tanong ni Enzo, tinignan agad namin si Earl na nawala ang mga ngiti, "may issue ba?" takang tanong ni Enzo, hinawakan sya ni Curtny sa kamay, "wag na natin syang pag usapan beb" sabi pa ni Curtny, "beb-beb, sipain kaya kita" bulong ni Earl, "ano yun Earl?" tanong ni Kirsten, "ha? wala, naiwan ko pala phone ko sa loob" palusot nito.

"So when ka dumating?" tanong ni Kirsten, "kanina lang, dito na ako agad nag punta, salamat sa assistance ni babe sa airport nila, kaya hindi mo talaga na tunugan ang pagdating ko" sabi pa nito. "babe? sinong babe?" tanong ni Gio, "si Kristen" sagot naman ni Gio, alam kong hindi na tuwa si Gio doon, e sya kaya ang pinaka selos sa amin, pati nga aso pinag seselosan nyan eh, "Let's continue our catching up sa coffee shop na lang, nakakatawa nasa gitna tayo ng hallway" sabi ni Trexia, tumawa yung mga Girls kasabay ni Enzo, kaya nakitawa naman kami kahit pilit "sama kayo?Mac?" dugtong nito, "ha? ah, ano kasi nagpapasama si Mark an gawin yung project nya sa botany, diba pare?" sabi ko at tinignan si Mark, lumipat ang attensyon kay Mark, "ha? ah oo yung sa case study ko" sagot naman nito, "ha? diba tapos ka na don?" tanong ni Trexia, "re-rejected yun, kailangan kong uletin" sabi ni Mark, tumango naman si Trexia pero tinitignan parin si Mark, "kayo babe?" tanong ni Curtny kay Earl, "may gagaein ako, pass ako" sagot naman nito, tumango lang si Curtny, "ikaw munchkins?" sabi ni Kristen, "sorry munch, pero kailngan kong sunduin si mommy ngayon" pagdadahilan ni Gio, teka? umalis ba si tita? parang hindi naman ah, kaya walang nagawa ang mga girls at umalis na lang kasama yung Enzo.

Pagkaalis nila, "kailan umalis si tita?" tanong ko kay Gio, "ha? hindi ah, ayuko lang sumama don" sabi ni gio sabay busangot ng muka, "ikaw ba Mark, na reject talaga yung case study mo?" tano ni Earl, "hindi no, tulad ni Gio ayuko lang sumama don, nakakainis yung Enzo na yun" sabi naman ni Mark, tama nga sila nakakainis talaga yung Enzo, paano ba sila nagkakilala ni Kirsten at bakit may iba akong kutob.


Trexia's Pov

Pinagmamasdan ko si Kirsten, masaya talaga sya sa pagdating ni Enzo ngayo, pero hindi rin mawala sa isip ko yung behavor ng apat kanina, "mukang malalim yang iniisip mo ah" tanong ni Kristen, "oo nga ano ba yun" dugtong naman ni Curtny, hinarap ko sila, "wala naman, nagtataka lang ako sa inasal ng apat kanina" sabi ko, "what do you mean" tanong ni Kristen, "hindi nyu ba pansin, kanina nag invite pa sila na tumambay kina Mark diba, tapos ng inaya na natin dito, biglang may gagawin, diba" kwento ko, tumango naman si Curtny, "feeling ko insicure sila sa pagdating ni Enzo" sabi naman ni Kristen, sasagot pa sana ako ng dumating sina Kirsten,  "may problema ba?" tanong ni Kirsten, "wala" sagot naman ni Kristen, at nagpatuloy naman ang kwentohan namin.

Pagdating ko sa bahay, agad kong tenext si Mark na nasa bahay na ako, sempre nasa rule book yun ng mag shota diba? pagbaba ko ng kotse, sakto naman ang paglabas ni lolo, andito na naman siya? "8 ba ang dissmisal mo?" bungad nya agad sa akin, I kiss his cheek, "no po, kanina pang 4, pero nagkwentohan pa kami kasi kakauwi lang ni Enzo" kwento ko, "ah, the young Thompson, nagkita nga kami ng dad nya kanina, well aalis na ako" sabi nito at iniwan na ako sa may pinto.

Pagkapasok ko ng pinto agad tumawag si Mark, "hi boo" bungad ko, "mukang na miss mo agad ako ah" dugtong ko, "sempre naman no" proud nyang sagot, "ngapala, may jar full of chococlate chip cookies ka naman dito, bakit ang spoiled ni mommy sa'yo no?" sabi nya, tumawa naman ako, "kasi malakas ang charms ko kay tita kaya sorry ka na lang" pagyayabang ko, "well, agree naman ako dyan sa part na yan" natatawang sabi nya, "kailan ka daw bibisita miss na ni daddy ang siomai at lumpia mo" dugtong nya pa, "Hahaha" tawa ko, "Let's see if pwede ako this weekend" sabi ko, sumangayon naman si Mark, and nag usap na kami ng nga bagay bagay.

After that call nilapag ko na ang phone ko, napaka close ko na sa pamilya ni Mark parang parte na ako ng buhay nila, samantalang ako takot paring ipakilala sya sa pamilya ko, sina kuya lang kasi ang may alam about sa amin, hanggang kailan ko e tatago si Mark sa family ko? napaka unfair ko kay Mark, nakapa duwag ko, na kahit sya hindi ko kayang e harap kina daddy, hindi ko namalayan na napaluha na pala ako, "bunsot?" tawag ni kuya Lemuel kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko, "bakit?" tanong nito at agad lumapit sakin, bumuhos ang mga luha ko, "napaka unfair ko, napaka makasarili ko, mahal na mahal ako ni Mark at kaya nya ipagsigawan yun kahit saan, samantalang ako heto, kahit sa sarili kong pamilya hindi ko sya kayang ipakialala" kwento ko sabay yakap sakanya, "shhhh...tahan na, sabihin mo na kaya kay Mommy at Daddy" sabi nito, "pero? pero paano pag na galit sila" sabi ko, "diba mas magagalit sila kasi naglihim ka? o? sa iba pa nila malaman diba, mas mabuting ikaw na mismo ang magsabi" sabi nito, napaisip ako sa mga sinabi ni Kuya, "pagisipan mong mabuti, tahan na" sabi nya and he kissed my forehead

Kinabukasan, hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kung sasabihin ko na ba? kahit sa pagligo at pagbihis yun parin ang laman ng utak ko, pagbaba sa dinning area, nandoon na sina mommy at daddy pati mga kuya ko, umupo na rin ako, huminga ako ng malalim, at pumikit

"Mie, die, may boyfriend na ako"

sabi ko pero pumipikit parin ako, "Si Mark?" tanong ni daddy, "oo, and I'm very sorry at tinago ko to sa inyo" sabi ko kasabay ng pagdilat ko, "teka how did you know his name?" tanong ko, tumawa naman silang lahat, "anak matagal na naming alam, hinihintay lang namin na iakw mismo ang magsabi" sabi ni mommy, tinignan ko si kuya Lemuel kumindat ito, nilipat ko ito kay kuya Robert, "fine, ako na nagsabi, nadulas ako okey" guilting sabi nya tumawa naman kaming lahat, "okey lang sa inyo?" tanong ko sa parents ko, "why not? maganda ang epekto sa'yo at sino kami para humadlang sayo anak" sabi naman ni mommy, ngumiti ako at tumayo and I kiss them, "pero free ba sya mamayang dinner?" tanong ni daddy, "po? bakit?" tanong ko, "I want to meet him" sabi ni daddy, ngumiti ako, "then, dinner it is" proud kong sabi, ngumiti naman silang dalawa at umapir naman yung dalawang mukong.

Masaya akong dumating sa school at agad pumunta sa Bs Bio council office, doon ko kasi sinabi kay Mark na magkita kami, pagdating ko doon, "boo, ano yung sasabihin mong dapat personal? may problema ba?" alalang tanong nya, umiling ako, "my parents want to meet you, sasama ka samin sa dinner" kwento ko, "ha? ako? di-dinner with your pa-parents? ma-mamaya?" nauutal nyang sabi tumango ako, "Ha?" sigaw nya at tumawa ako.

Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon