Chapter 8-5

10 0 0
                                    


Trexia's Pov

Andito kami ngayon sa condo ni Curtny, gift ng parents nya sa kanya, bakit hindi ako humingi ng condo kay mommy para maka takas na sakanila? Asa naman akong bibigyan nya ako sa hiling ko, "teka? Trex, malapit na pala birthday mo" sabi ni Curtny kaya napalingon ako sa kanya, "ano plano mo? may party ka?" tanong naman ni Kristen

Umiling ako, "Nope, Simpling dinner lang sana with you guys? okey lang ba?" sagot ko, tumabi sa akin si Kirsten, "Sempre! basta completo tayo yung mag barkada, masaya na yun" sabi naman ni Kirsten kaya ngumiti ako, I know she supports me always, tumayo naman ako, "Gusto ko sana sa birthday ko ngayon kayo lang ang makasama ko" sabi ko, "ang landi mo ngayon" biro naman Curtny and hug me tight.

"kami na mag oorganize ha, para less problem sa'yo" sabi ni Kristen, "hahaahaha, Sige kayo bahala" sabi ko naman at tumawa kaming apat.

Pagdating ko ng unit ni Tyro nagulat ako na nandoon pala si daddy and mommy, lumapit ako kay mommy at nilampasan lang sya, hinila nya ang braso ko, "wag kang bastos andito ako" galit na sabi ni daddy, I just looked at him and nag smirk, "ano na ang nangyari sa'yo Trexia?" panimula ni daddy, "Hindi ka pumapasok at nagkakafail ka na? yan ba ang pinaglalaban mong freedom" dugtong nito, "bakit? meron ba ako non?" agad kong sagot, "aba't nagiging bastos ka na ah?" sigaw ni dad at aakmang sasampalin ako, pero pinigilan sya ni mommy

agad namang lumapit ang mga kuya ko sakin, "dad, please pumunta tayo dito para umuwi na sya" sabi ni kuya Lemuel, "Sige dad, sampalin mo ako, saktan mo ako, kasi sanay na sanay na akong sinsasaktan mo, dad, akala ko ikaw yung hero ko. Ikaw yung matatakbuhan ko pagnasasaktan ako, pero ikaw, ikaw pa yung nanakit sa akin, How could you agree to a deal na alam nyong masasaktan ako, subrang masasaktan ako" sigaw ko

"You knew, wala akong magagawa anak" sigaw ni daddy habang umiiyak na, "dad meron! pero pinili mo magtago dyan sa panatalon ng tatay mo" sigaw ko sabay takbo papaunta sa kwarto ko, nilock ko yung pinto at nanglambot na ang mga tuhod ko, napaupo ako sa may pintuan, "I love you dad, and I'm so sorry" bulong ko.

Nagising ako sa buzz ng phone ko, tinignan ko ang paligid madilim na pala, I check my phone 2am na pala, Nakita ko ang text message ni Kirsten, "Please, kausapin mo ako" pinatong ko ang phone ko at ipinikit ang mga mata ko, nakakapagod maging matapang at malakas, marami na akong nasasaktan.


Kirsten's Pov

andito kami sa tambayan pinaguusapan namin ang birthday dinner nya, "ano ba talaga yung plano natin?" sabi ni Earl, "dapat kakaiba, minsan na lang natin makasama si Trexia" sabi naman ni Kristen, "tama, mukang medyo busy pa naman yung kaibigan natin ngayon" dugtong naman ni Gio, ngumiti ako, "I have a plan" saadni Mac

"ano yun pare?" tanong ni Earl, "We will have the dinner the day before sa birthday nya, and after that, pag apak ng 12 midnight yun yung time na aalis sina Trexia at Mark, to have their quality time" sabi ni Mac, "maganda yan, para mapasaya talaga natin si Trexia" pagsang ayon ni Kristen, "so we need to find a perfect place para sa trip na yun" saad ko, "boracay" tugon ni Curtny, "tama! boracay! I'll arrange the hotel na" sabi ni Gio at tumayo na to have a phone call, "I'll arrange the plane na, fix na ang boracay ha" sabi naman ni Kristen and inayos na rin ang travel nina Trex

"kami na ni Earl bahala sa resto" sabi ni Curtny at inayos naman nila ang mga pagkain, ng naka alis na sina Curtny at Earl, tumabi sakin si  Mac, "they need this, kahit manlang bago, bago man sila maghiwalay ay maging masaya sya, kahit isang gabi lang" sabi ko, "I know, and we will make this memorable" sabi ni Mac and he kissed my forehead.

Nagulat ako ng biglang nag buzz ang phone ko, when I checked my phone nakitang kong may senend na picture sa akin si Lemuel, "bakit?" alalang tanong ni Mac, "inabot ko ang cellphone ko sa kanya.

"You're invited to Kevin's and Trexia's engagement party at Hao grand hotel, **/**/** 6pm, s-see you there" pagbasa ni Mac, "wala na talagang kawala sin Trexia" saad pa nito, "Mac..." nanghihina kong bulong at yumakap sakanya, "matapang si Trexia, I know malalampasan nya to" sabi ni Mac

"malalampasan ni Trexia ang ano?" sabi ni Curtny kaya napahiwalay ako sa yakap ni Mac, "ha? wa-wala" pagsisinungaling ko, "alam kong may nangyayari dito Kirsten, please sabihin mo na" saad ni Curtny, natahimik ako sa sinabi nya, "bakit kailangan ni Trexia na saktan si Mark? bakit nagiba sya ng section? bakit baksakn na sya? at bakit hindi na sya natin nakakasama, please sabihin mo, dahil mararamdama kong nasasaktan na si Trexia" sabi ni Curtny

naluha ako sa mga sinabi nya at ikinuwento ko kay Curtny ang tunay na nangyayari, ipinakita ko na rin ang text ni Lemuel, naiyak si Curtny sa mga nalaman nya, hanggang sinabi na rin naminsa iba, "hindi nko alam na ganyan na pala ang nagyayari" malungkot na sabi ni Gio, "dapat hindi malaman ni Mark to, please hayaan natin si Trexia na" sabi ni Mac, tumango naman ang lahat habang halata talaga sa mukang ang lungkot ng bawat isa

"hi guys!" bati ni Trexia habang hawak hawak ang kamay ni Mark, "may clasi pa ako, una na ako" saad ni Curtny at humalik sa pisngi ni Earl, "sama na ako ikaw Kirs?" dugtong naman ni Kirsten", "sunod ako" sagot ko naman, "well break is over, una na rin kami" sabi naman ni Earl at umalis kasama ni Gio

"anong nangyari sakanila?" takang tanong ni Mark, tumawa naman kami, "basta kami na bahala" sabi ko at bumulong sakanya, "birthday surprise" tumango naman ito, "gusto ko yan" masiglang saad nya

I'm so sorry Mark, ayaw ko man na masaktan ka pero ito ang makakabuti para sa'yo. I'm really sorry. 

Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon