Chapter 7-4

5 0 1
                                    

Enzo's Pov

Kakagaling ko lang sa mall to have my groceries, dito kasi ako nagstay sa condo unit namin, hindi pa kasi ready yung pinatayong bahay namin, habang sina mommy at daddy naman ay bumalik muna ng USA, pagdating ko agad namang tumunog yung phone ko, "mommy?" bungad ko agad, "you're stuff arrived na anak?" sabi nito, tinignan ko yung box sa sahig, "yes mom, kakauwi ko lang kasi" pagpaliwanag ko, "okey anak, magingat ka dyan" sabi pa ni mommy and she ended the call.

Nilapag ko ang pinamili ko sa counter ng kitchen then lumapit ako sa box, agad kong dinampot yung maliit na box sa loob nito at pumasok sa bedroom, ngumiti ako at binuksan ang box, nakita ko yung friendship bracelet nya, 7 years old lang kami noon ng binigay nya ito, kasi na takot ako sa injection, she never left my side until na tapos yun, hawak hawak ko lang yung kamay nya, pero dahil sa paghawak rin na yun nawala ang takot ko.

Binalik ko ito sa box, dinampot ko naman ang isang subre nasa loob yung old plane ticket, the first time kung umuwi na nabiyak ang puso ko, ito yung birthday ni Kirsten, natuwa sya sa pag dating ko, pero hindi ko rin akalain na sa mismong party nya ipapakilala si Jake, oo mahal ko si Kirsten, matagal na, hindi ko namalayan sa simpling pagkakaibigan namin ay mahuhulog ako, mahuhulog na pala ako, pero wala syang planong saluhin ako, kaya nga ng namatay si Jake, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, nalungkot ako dahil nakita ko kung paano na saktan si Kirsten, kung paano sya nakakatulog mula sa pagiyak, kung paano nya sisihin yung sarili nya sa pagkawala ni Jake.

Pero may parti sa akin natuwa at alam kong masama yun, binalik ko ito sa box, nakita ko yung frame, napa ngiti ako, picture namin to ni Kirsten sa isang summer play, Romeo and Juliet, sya yung Juliet, at ako si Romeo pero kahit kailan hindi nya ako magiging Romeo, ang bakla ko, langhiya napaluha na pala ako.

Tumayo ako at pumunta sa grocery bags, shit ang tanga ko bakit hindi ako bumili ng essentials? kaya ito ako bumaba para pumunta sa pinakamalapit na grocery store, dapat naliligo na ako sa oras na ito. After kong magbayad palabas na ako ng may nabangga akong babae, "sorry!" sabi ko sakanya, paglingon nito, "Kristen?" sabi ko, ngumiti ito, "Sorry, but I'm not Kristen, Hi! I'm Mirzi, Kristen's twin sister" sabi nito, ngumiti ako, "Naku sorry talaga" hirit ko pa.

"It's fine, sanay na ako" sagot naman ito, we end up sa isang coffee shop, "So? paano mo ako nakilala" tanong ko, "Yung pumunta ka sa school? nakita kita" simpling sagot nya, "pero bakit hindi ka lumapit sa kanila" naguguluhan kong tanong, "Okey Enzo, mukang hindi mo talaga gets, me and your bestfriends are not friends, I'm just here to help you" sabi nya na ikinagulat ko, "help me sa ano?" tanong ko, "to have Kirsten" sagot naman nito, "at bakit ko naman kukunin si Kirsten?" galit kong sabi, nag smirk lang ito, "Enzo, relax! ang init mo, alam ko na matagal mo ng gusto si Kirsten, the way you look at her? full of love, ganon ko kaya tignan si Mac" sabi pa nito, "so dahil gusto mo si Mac tutulongan kita? baliw ka ba? oo may lihim akong pagtingin sa bestfriend ko, pero hindi ko magagawa yun sa kanya, excuse me" sabi ko sabay tayo at lumabas ng coffee shop, kahit anong mangyari hindi gagawin kay Kirsten yun.


Mark's Pov

"Sure ka bang okey na tong suot ko?" tanong ko kay Trexia, "may gad Mark, pang lima mo ng tanong yan, Okey na nga diba? you look fine, just relax okey" sagot naman nito, ito na naman ako parang matatae na ako na ewan. Andito ako ngayon sa main house ng mga Hao, makikilala ko na ang buong angkan ng mga Hao, makakasabay ko sa isang haponan ang isang Angelo Hao, the number one business tycoon at parang mahuhulog na ang puso ko sa kaba, nagulat na lang ako ng hiniwakan ni Trexia ang kamay ko, "Relax, andito ako" sabi nito, kaya ngumiti ako.

Pagpasok namin agad akong sinalubong ng mga kuya ni Trexia, "relax lang, parang finals lang to" bulong ni Lemuel, "na kailangan mong ma perfect" dugtong ni Robert, dahilan para sikuhin sya ni Trexia, grabi mas lumakas ang kabog ng dibdib ko, tumawa lang ang kambal sa harapan ko, "kaya ko to" bulong ko sa sarili ko, nakita ko ang parents nila, "Goodevening po tita, tito" sabi ko sabay mano, ngumiti naman sila, "Mark, this is Stella, kuya ko sempre tita ni Trexia" pagpakilala ni tito Joseph, "hello po" sabi ko sabay shake her hand, "finally, nice to meet you iho, this Ben my husband, and Tyro my son" pagpakilala nito, and I shake their hands, "mukang hindi umubra ang pagka pusang gala sa'yo ni Trexia, ingat ka may rabbis yan" sabi ni Tyro, "ha.ha.ha" sarcastic laugh ni Trexia, "hindi pa naman ako nakakagat" biro ko naman kaya kinurot nya ako, ng medyo naka adjust na ako sa family nya medyo nawala ang kaba ko.

"I'm here, sorry I'm late" sabi ng isang matadang boses, paglingon ko nakita ko ang lolo ni Trexia, bila na lang bumalik yung kaba ko, shit para nabato ako rito sa upuan ko, agad naman silang nagmano rito, "you must be, Mark, Trexia's boyfriend" sabi nito, kaya agad akong tumayo, "Mark Anthony Buenavista sir" sabi ko and I offer my hand, and he shake my hand.

"A Buenavista, okey let's eat, gutom na ako, halika ka rito Kevin iho" sabi nito kaya napansin ko nandyan pala sya, agad kong tinignan si Trexia, at mukang hindi sya gulat, "bakit sya nandito?" bulong ko, "buntot yan ni lolo, anak ng business partner ni lolo, just don't mind him" sabi naman nito, tinignan ko si Kevin, ngumiti lang ito.

Habang kumakain hindi ako mapakali parang maraming itatanong yung lolo nya, "so Mark" panimula nito, ayan na, at mukang nabasa pa yung nasa utak ko, "bakit hindi business course ang kinuha mo, sabi kasi nitong si Lemuel nagiisang lalaki ka lang" sabi pa nito, "bata pa lang po ako gusto ko na maging doctor, kaya sabi ko paglaki ko talaga magiging doctor ako kahit ang layo sa field ng family ko, at yung mga ate ko naman ang namamahala doon, sila kasi ang may hilig doon" sagot ko, "huh? sa amin kasing mga chinese kung ano ang business ng family yun ang pagaaralan mo, gaya nitong si Kevin, he took up Pharmacy kasi Pharmacuetical business sila" sabi nito sabay subo, bakit parang gustong gusto nya tong Kevin na to, "dad, hindi naman chinese ang family ni Mark kaya ganoon" sabi ni tita Stella, "I know, wag mo akong gawing tanga Stella" agad na bungad nito, mas kinabahan ako, "sa panahon ngayon para mas mahalin mo yung ginagawa mo, kailangan MAHAL mo ito, hindi dahil pinilit lang sa'yo o dahil wala kang CHOICE" sabi naman ni Trexia kaya napatingin ako sakanya, pero walang emotion ang muka nya at patuloy lang sa pagkain, "so ipipilit mo kahit hindi pwede" sabi naman ng lolo nya, "kung yung ang magpapasaya sa'yo bakit hindi" sagot pa ni Trexia, "watch your mouth ms. HAO" sigaw ng lolo nya, at diniin ang Hao.

Tumayo si Trexia, "Let's go boo, hindi tayo dapat nandito, napakilala ko na ang boyfriend ko, the end" sabi ni Trexia, at umalis ng dinning area, agad naman akong tumayo at sumunod sakanya, paglabas ko nasaloob na sya ng kotse ko, "boo" sabi ko pagkapasok ko, "let's eat ice cream" sabi nya, ngumiti ako at pinaandar ang kotse.

Sana okey lang sya, alam kong malaki problema to, sana okey ka lang boo, dahil andito lang ako.

Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon