Chapter 8-4

6 0 0
                                    


Mac's Pov

Almost one week ko na rin ito tinatago, nababaliw na ako, hindi ko alam kung sasabihin ko ba, basta ang alam ko masasaktan ng husto si Mark, pero bakit alangan akong sabihin kay Mark ang mga nalalaman ko? isang linggo na rin ako nag tatampo kay Kirsten pero hindi nya pa rin magawang sabihin sa akin ang totoo.

Nakasandal ako sa kotse ko ng pumarada ang kotse ni Mark sa tabi ng kotse ko, "oh pare? bakit ka nandyan?" bungad nya, "good morning ha" biro nya pa, kailangan ma sabi ko na sa kanya ang dapat nyang malaman, kahit na masaktan sya sa sasabihin ko, "Mark" panimula ko, "oh bakit? ba't mukang alangan ka? may problema?" nagaalala nyang tanong, parang na bubuhol ang dila ko, paano ko ba ito sisimulan?

Bigla na lang tumunog ang phone ni Mark, kaya na tauhan ako. "Naku pare pwede mamaya na? late na ako" sabi nito at tinapik ang balikad ko at tuloyan ng umalis, "a-ano..." mahinang bulong ko, "arsh! putang ina Mac! ang duwag mo" sigaw ko dahilan para mapa lingon ang ibang tao sa parking area, "what?" galit kong sabi sa kanila, lumakad ako at humarap sa pader ang bobo mo! at sinuntok ko ang pader ng ulit-ulit, "Mac?" tawag ng isang pamilyar na boses, shit si Trexia

Paglingon ko, nasa likod ko sya kasabay ng mga tao sa paligid, seven am palang pero parang marami ng nakikialam dito, "anong tinitingin nyu rito? alis" sigaw ko, sabay ng pag alis ng mga tao, maliban kay Trexia na tinitignan ang kamao ko, dumudugo na pala.

Agad nya itong nilapitan at hinawakan, "ano bang pumasok dyan sa utak mo at simutok mo yung pader? walang laban yung pader oh" sabi nya sabay ngiti, same Trexia pero bakit ang lungkot ng ngiti nya? maraming nag bago sa kanya, yung hindi nya pagsabay ng pag enroll sa tatlo dahilan kung bakit hindi na sila magkaklase sa semester na ito, naging malungkotin rin sya, ewan ko lang kung ako lang ba ito o sadyang ganoon na sya mula nagsimula ang pasokan,  hindi na rin sya namin nakakasama ng madalas, and according kay Mark kasi may pinapagawa ang lolo nya

Hinila ko ang kamay ko, "wag kang mag panggap na mabait" sabi ko, "anong- ano problema mo?" tanong ya, "bakit mo sasaktan ang bestfriend ko" balik kong tanong kay Trexia, nagulat sya sa sinabi ko, "anong pinag sa-sabi mo? baliw ka talaga" depensa nya, "kung magsisinungaling ka lang naman dyan ka na, rinig na rinig ko na iiwan mo ang bestfriend ko Trex, mula dyan sa bibig mo, minahal mo ba talaga si Mark?" sabi ko at tinalikuran sya.

"One month Mac" sabi nya, dahilan para mapalingon ko, "ano sabi mo?" saad ko, nakita kung umiiyak na pala sya, "a-anong sabi mo?" sabi ko, "one month! one month Mac, I only have a month to love him, to love him ng buo, kasi I need to let him go" sabi nya habang dumadaloy ang mga luha nya, agad ko syang niyakap sa mga narinig ko.

Pero kumawala ito, "I have to let him go para hindi na sila gulohin ng lolo ko, matagal ko ng itong tinatago Mac, sakal na sakal na ako, pero hanggang ngayon hindi pa ako handa na sabihin sa kanya, ang hirap Mac" dugtong nya at umakap sa akin

umupo kami sa bench, at nakinig ako sa kanya, hindi ako nagsalita pero ramdam na ramdam ko ang bigat na dala nya, "hindi kita pipigilang sabihin sa kanya Mac choice mo yun, pero please! hanggang sa birthday ko na lang, kahit hanggang doon na lang" sabi nya habang hawak ang kamay ko, "please, kahit sa araw lang na yun makasama ko sya" dugtong nya, pinunasan ko ang luha nya, "kahit masakit sa akin na masasaktan si Mark, pero mas kailangan mo ako ngayon andito lang ako" sabi ko and hug her.

Ng mahismasan na sya at medyo okey na sya, umakyat na kami sa tambayan, naka akbay ako sa kanya habang papasok kami, magkatabi naman si Mark and Kirsten, nakita ko agad ang selos ni Mark, seloso talaga. "Ba't di ka pumasok sa review?" tanong ni Earl, "Nagdate kami ni Trexia" sagot ko, "anong date?" sabi ni Mark sabay hila kay Trexia, kinurot naman ni Trexia si Mark, kaya tumawa kami, "oa nito binibiro ka lang" sabi ni Trexia, tumabi naman ako kay Kirsten

"What?" saad ko, "you knew?!" sabi nya, "secret muna natin to, Trexia needs us" sabi ko and kiss her cheek, "I love you" sabi nya, "mahal na mahal kita" saad ko.


Trexia's Pov

Nagmamadali akong pumunta ng parking area na iwan ko ata ang cellphone ko sa kotse pagkalock ko ng pinto, "Trex" sabi ni Kevin, lumingon ako baka may mga tao, "ano yun?" mataray kung sagot, "alam mo naman hindi ako titigil hanggang hindi ka susunod sa kasunduan ng pamilya natin" sabi nya at hinawakan ang siko ko, "bitawan mo ako, alam mo ang tigas rin ng bungo mo, hindi kita mamahalin kaya mas mabuting pang umatras ka na" sabi ko at tinabig ang pagkahawak nya sakin.

"may problema ba dito brad?" sabi ng isang pamilyar na boses, "naguusap lang kami Mark" sagot ni Kevin, hiniwakan ko agad ang kamay ni Mark, "pwede ba Kevin, sa sunod na lang tayo magusap" sabi ko at hinila si Mark

"ano sabi nya" seryosong tanong ni Mark, "about kay lolo, yun lang" sagot ko, "hindi ko gustong magkasama kayo boo, please iwasan mo sya" sabi nito, at base sa muka nya hindi yun pakiusap utos yun, tumango ako. At tuluyan kaming bumalik sa building namin.

Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon