Chapter 7-7

8 0 0
                                    


Enzo's Pov

Pagkatapos namin ni mommy magayos, agad kaming pumunta sa venue ng party, napaka ganda ng set up ng party, ngumiti si mommy at iniwan nila ako para lumapit sa mga business tycoon na naka palibot, kumuha ako ng drink at nag ikot-ikot nakita ko ang tropa ni Kirsten masaya sila sa isang table, bakit ba kasi hirap akong makipag friends, tumalikod ako ng biglang may tumawag sakin, "saan ka pupunta? Don ka na ma upo, may space pa doon" sabi ni Trexia, "okey lang ako don na lang ako sa table nina mommy" sabi ko, "sa upoan ng mga matanda?" pagbibiro ni Trexia, tumawa naman ako at hinayaan syang hilain ako, "guys dito uupo si Enzo ha" sabi ni Trexia, tinignan ko ang mga boyfriend nila ngumiti naman sila, kaya umopo naman ako, "oo nga naman Enzo dito ka na ma upo kaysa doon noh" sabi naman ni Kristen, tumawa naman ako, "nasaan si Kirsten" tanong ko, "sabay daw silang baba mamaya pag start" sabi ni Curty kaya tumango lang ako.

Nagbibiruan sina Earl at Gio at tawa naman kami ng tawa dito, "cr lang ako" pagpaalam ni Trexia, "sabay na ako" sabi ko naman, tumango naman ito at humawak sa braso ko. Pagkatapos ko hinitay ko na si Trexia sa labas, pagkalabas nya.

"Alam mo nakakalula yang lalim ng iniisip mo" sabi ni Trexia at hinila ako sabay umopo sa bench, "teka baka hanapin ka nila" sabi ko, nilingon nya ako at tumawa lang, umopo ako sa tabi nya "Enzo?" tawag nya, "hmm?" tanging tugoon ko, "kalian mo sasabihin na gusto mo sya?" sabi nito, alam nya?

"alam mo?" sabi ko, "Enzo, kung paano mo sya tignan, kung paano ka mag alala sa kanya, hindi ordinaryong bestfriend yun, hindi ako bulag Enzo" sabi nya kaya tumawa naman ako, "mabuti ka pa alam mo" sabi ko sabay yuko, piningot nya ang tinga ko, "kasi kaibigan ka nya, at akala nya normal lang lahat" paliwanag ni Trexia, "pero sa'yo iba na pala at nasasaktan ka na, alam mo ba paano ko na laman?" dugtong nya, tinignan ko lang sya, "noong debut party nya, yung umiiyak ka na tumatawa, kasi si Jake pa rin kahit nandyan ka na, akala nila umiiyak ka dahil ramdam mo ang sakit na nararamdaman ni Kirsten, pero ikaw yung nasasaktan, subrang nasasaktan" makahulugang sabi ni Trexia, ngumiti ako na may halong lungkot, "tanggap ko naman na hanggang friends lang talaga kami" sabi ko naman, "pero nasasaktan ka na, at wala syang alam doon, kahit ngayon lang isipin mo rin ang sarili mo, kaibigan mo rin ako at ayuko nakikita kang nasasaktan, hindi sa sinasabi kong kailangan mong ipilit na mahalin ka rin nya, mas ma buting alam nya kung bakit kailangan mong dumistansya paminsan-minsan" sabi nya habang hawak ang kamay ko.

Napaiisip ko ang mga sinabi nya, tama nga sya nasasaktan na ako, kailangan ko na sigurong umamin.

"hoy! Andito lang pala kayo eh" sabi ni Curtny "kanina ka pa hinahanap ni Mark at mag sta-start na ang party, tara na!" dugtong nito at hinila kami.

Pagpasok naming sakto naman nag simula na ang party, nakita kong bumaba ang Wilson family, pero ang mata ko ay naka pako lang kay Kirsten, napaka ganda nya sa white gown nya. Simple yet elegant, yung dating gusgusin ngayon napaka ganda na, actually lahat sila napakalaki ng pinagbago nila.

Nakita kong sinalubong sya ni Mac, yung saya sa mga mata nya kitang kita mo talaga, never nya ako tinignan ng ganyan, nakakainggit at napakasakit, naramdaman ko ang hawak ni Trexia. Ngumiti lang ako ng pilit, pero nabalot ng sakit ang puso ko, para ito'y namamanhid, bakit hindi ako? sana ako na lang.

Andito ako sa after party, well mukang hindi naman ako nag eenjoy dito, andito ako sa labas at medyo may tama na sempre, nagulat ako ng may umopo sa tabi ko, "anong meron dito at wala ka sa loob?" tanong ni Kirsten, tumawa naman ako, "mas gusto ko lang dito" sagot ko naman, "na o-op ka doon, makipag join ka kaya" sabi pa nito, tinignan ko lang sya

"bakit?" tanong nito, "mahirap ba ako mahalin?" tanong ko, tumayo ito, "ha? Hindi ah sino nag sabi sa'yo non? nabasted ka ba" gulat na tanong nya, pero tumawa pa ito, napaka manhid mo.

"bakit hindi mo maramdaman na mahal kita? Mahal na mahal kita" sigaw ko, kita kita ko ang gulat sa muka nya, "please Kirsten ako na lang, ako na lang mahalin mo" sabi ko sabay lapit sa kanya, "Enzo please, tama na, sorry pero si Mac talaga ang mahal ko, hangang mag kaibigan lang talaga tayo" sabi ko, hinawakan ko ang mga braso nya "Enzo nasasaktan ako" sabi nito pero hinawakan ko sya ng mahigpit, "please ako na lang, ako na lang mahalin mo" sabi ko at sinubukan syang halikan, ng bigla may humatak sakin at sinuntok ako.

"Walang hiya ka talaga, ahas ka! Sabi na ngaba eh" sigaw ni Mac, tumayo ako at pinunasan ang gilid ng bibig ko, "alam mo! bakit ka ba kasi pumasok sa buhay nya, namin" sigaw ko, "eh gago ka pala eh, hoy! kahit anong gawin mo, hindi ka nya mamahalin" sigaw nito, "alam mo kung bakit? kasi ako yung minahal, minamahal at mamahalin lang, tamin mo dyan sa utak mo" dugtong pa nito, nagulat ako ng sinampal ako ni Kirsten, "wag kang magpapakita sa akin" sabi ni Kirsten at hinila na sya ni Mac, "hindi sa ganitong paraan Enzo, hindi. I'm so dissapointed" sabi ni Trexia at iniwan na rin ako, tinignan lang ako nina Curtny at Kristen, akala ko kaibigan ko sila hindi pala. Pwe!

Lumabas ako bar at pinagsisipa ang mga basurahang nakita ko sa labas, "hangang dyan ka lang ba? Kung pwede ka naman gumanti?" sabi ng isang babae paglingon ko si Mirzi pala, "bakit ka nandito?" sigaw ko, "chill, kakampi tayo dito, kaysa magalit ka sa mga basurahan na yan? Magtulongan tayo" sabi pa nya, "pagnagtulongan tayo, makukuha mo si Kirsten at sempre makukuha ko si Mac, simple as that!" dugtong nito. Napaisip ako, oras na naisipin ko rin ang sarili ko, "ano ba ang plano mo?" saad ko, ngumiti ito.


Mac's Pov

Andito kami sa hotel room ni Kirsten, lahat kami gulat sa nangyari, "grabi hindi ko akalain na kaya ni Enzo yun" sabi ni Kristen, tinignan ko si Kirsten naka tingin lang ito sa bintana, may mga pasa to sa higpit ng hawak ng gago, "sabi na karibal mo yun eh" saligbat naman ni Gio, tinignan ko sya ng masama at hinila naman sya ni Kristen, "alam mo gago ka talaga" agad na saad ni Mark, "tama na yan" awat naman ni Trexia, tumayo ako at nilapitan si Kirsten, "Sana hindi ko na lang sya pinagtabuyan, nasaktan ko sya Mac" sabi nya, "ano?" sigaw ko, "kaibigan ko si Enzo Mac, kailangan ko syang kausapin" sabi ni Kirsten, "teka? ANO? Kakausapin mo sya? Tignan mo nga ang ginawa nya, kung kaibigan ka nya hindi nya yun gagawin" sigaw ko, "nagulat ako oo, at mali yung reaction na ipinakita ko Mac, sa lahat ng tao ako dapat ang nakakaintindi sa kanya, pero iba ang ipinakita ko" sabi nya, "umamin ka nga! May gusto ka ba sa kanya" sigaw ko, "anong klasing tanong yan" sigaw nya, "sagutin mo" utos ko, "sempre wala, so pati yun pinagdududahan mo?" sigaw nya, "hindi ko alam kung maniniwala ako sa pinapakita mo ngayon" sabi ko, may luhang pumatak sa mga mata nya.

PAK!

"alam ang labo mo, dahil sa pagaalala ko sa kaibigan ko pagdududahan mo ang pagmamahal ko sa'yo?" sigaw nito at tumalikod, "san ka pupunta?" mahinang sabi ko, "kausapin mo na lang ako pag hindi na ganyan ka kitid ang utak mo" sabi nya at tuluyang lumabas ng kwarto, sinundan naman sya ni Curtny at Kirsten, "magusap na lang kayo kapag pariho na kayong kalmado, kami na muna ang bahala" sabi ni Trexia at sumunod na rin.

"ang gulo pare" sabi ko sabay upo, hinawakan naman ni Earl ang balikat ko, "maayos rin to" sabi ni Mark, tinakpan ko ang muka ko ng mga kamay ko, bakit ba kasi nagkakaganito. Bakit ba kasi ang gulo.

nakita kung tumunog ang cellphone ko,  nakita kung nag text si Trexia, "Tara magkape tayo" text nito kaya tumayo ako at lumabas.

Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon