Chapter 8-3

7 0 0
                                    

Mark's Pov

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumasok dito sa school, first day of school as a Med student, mabuti naman at medyo ayos na ang status namin ngayon, medyo mahirap kasi ang pinagdaan namin this past few weeks, mabuti na lang hindi ako iniwan ni Trexia sa mga panahoong yun, as for our company pa okey na ulet ito kasabay ng paginging okey ni daddy. Kaya mas inspired akong magaral ng husto.

Mukang wala pa talagang ka tao-tao dito ah, pag ka park ko ng kotse ko, agad ko napansin ang kotse ni Trexia, ang aga naman ata nyang dumating, agad akong pumunta sa tambayan at tinignan kung naroon si Trexia,  pero wala naman sya rito?

Nasaan kaya yung pusang yun, bumaba ako ng building para kunin yung cellphone ko sa kotse ng nakasalobong ko si Lemuel, "oh? pare andito ka pala" sabi ko, "oo, hinahanap ko si Trexia" sagot naman nito, "yun nga eh hindi ko pa rin nakikita" kwento ko, "nasan kaya yun?" takang sabi ni Lemuel, "hindi pa sya nag tetext sakin eh" sabi ko naman

"pare" tawag ng isang pamilyar na boses kaya nilingon namin, "oh? Gio, ano yun?" sabi ko, "hinahanap nyu ba si Trexia?" tanong nito, tumango kami ni Lemuel, "nasa garden sya, ohh? ayan na pala eh" sabi ni Gio sabay turo kay Trexia na kasabay si Kirsten, ba't maga ang mga mata nito, ilang araw ko na papansin ang pagiging malungkotin nya.

"Oh? bakit mo ako tinoturo?" takang tanong nya, "hinahanap ka namin bunso" panimula ni Lemuel, "cellphone mo" dugtong nya sabay abot ng phone nito, kinuha naman ni Trexia ito, "salamat kuya, nakalimutan ko pala" sabi nya, "baliw ka talaga, oh sya alis na ako kailangan na ako sa company" sabi nito at nagpaalam na.

Nauna namang maglakad si Kirsten at Gio, "mukang makalimutin ka lately" sabi ko, hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko, "napuyat ako sa movie marathon ko, look at my eyes" sabi nya na parang nagsusumbong na bata, tumawa naman ako, that explains ang maga sa mata nya, "okey lang mahal pa rin naman kita" sabi ko naman, "bolero" saad nya sabay pisil sa mga pisngi ko.

"oh! by the way boo! goodluck sa firstday" masiglang sabi nya, "kiss ko" pangasar ko, "kiss? kiskisin ko kaya muka mo" sabi nya sabay layo sakin, tumawa naman ako ng malakas itong babaing talaga to, pasalamat ka mahal kita, and I followed her.


Mac's Pov

Nagmamadali akong pumunta sa tambayan, nauuna kasi ako kina Earl at Gio, kasi na una akong natapos doon sa review test namin, nasa may pinto na ako ng narinig ko ang sinabi ni Kirsten "Kailan mo hihiwalayan si Mark" kaya napako ako sa kinatatayoan ko, bakit nya iiwan si Mark, "hindi ko alam, subrang mahal ko sya para bitawan lang" sabi ni Trexia, alam ko sya yung nagsasalita.

Uminit ang ulo ko, bakit nya sasaktan si Mark, sa anong rason? nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko, "ba't ka nandyan? nasa loob sina Trexia tara!" sabi ni Mark sabay lampas sakin, bakit parang nagaalangan akong sabihin kay Mark ang mga narinig ko, kailangan malaman ko kung ano pinaplano ni Trexia, bakit nya pinaglalaruan si Mark.

Pagpasok ko, "sige sunod kami" sabi ni Kirsten habang naka holding hands sina Mark at Trexia, "Hi Mac" bati ni Trexia, pero hindi ko sya pinansin, kaya lumabas na lang sila ni Mark.

"Bakit hindi mo pinansin si Trexia" sabi naman ni Kirsten, "bakit ko papansinin ang taong mananakit sa bestfriend ko" saad ko, bakas ang pagkagulat sa muka nya, "a-anong pinagsasabi mo?" agad nyang depensa, "hindi ko alam ang rason pero ang alam ko lang ay kailangan kong balaan ang kaibigan ko, alam kong masasaktan sya sa gagawin nya" pasigaw kong sabi, "Mac please, let Trexia handle this" sabi ni Kirsten, "ano ba ang nagyayari?" tanong ko, yumuko lang si Kirsten at "please wag ka munang sumali rito" sabi nya, "bakit hindi ako sasali, Kirs, bestfriend ko ang sasaktan ng bestfriend mo" sigaw ko, "at hindi mo rin alam ang pinagdadaanan ng bestfriend ko kaya please, wag ka na muna sumatsat" sigaw nya at nag walk out, bakit parang kamping kampi sya sa kamalian ni Trexia, basta ayuko masaktan si Mark tapos ang usapan.


Our College Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon