Kabanata 1

7.1K 157 4
                                    

Nasubukan mo na bang itanong sa Tatay mo kung nakailang kasintahan siya bago niya nakilala ang iyong Inay? O naitanong mo rin ba sa Nanay mo kung nagkaroon pa muna siya ng ibang irog bago niya magawang ikasal sa Itay mo? Bibihira lang siguro ang sagot ng, "Nang makilala ko ang Itay o ang Inay mo ay siya na kaagad ang iniharap ko sa altar ng simbahan"


Marami sa atin ang nakararanas muna o nakailang subok sa iba't ibang relasyon bago natagpuan ang talagang nakalaan para sa kanila. Hindi naman kasi lahat ng unang itinibok ng ating mga puso ay masasabing siya na ang inilaan para sa atin. Siyempre damadamin iyan. Kusa iyang titibok na sa tingin natin na ang taong iyon ay may malaking impact sa ating kaibuturan. Maaring nagkakilala kayo at nagkaibigan ora mismo pero di natin masasabing kayo na talaga. Maaring ang dahilan ng Diyos kung bakit kayo unang pinagtagpo kahit na sa huli ay hindi naman pala kayo ang nagkakatuluyan ay upang maihanda kayo at maging responsable at matatag kapag makilala nyo na ang nilalang na siyang inyong magiging kabiyak. Ang gulo diba? Bakit hindi na lang kaya pwedeng ibigay agad-agad iyong taong nakatakda para sa'tin? Kung hindi naman pala kayo, bakit kailangan pang kayo ay bigkisin tapos sa huli maghihiwalay din daman pala? Kaya hindi lahat ng love story ay may happy ending. Masakit subalit iyan ay kailangan nating tanggapin at maunawaan. Ang mahalaga ay ang magagandang aral na napulot natin na siyang ating magagamit sa pagharap sa panibagong yugto ng ating buhay pag-ibig. Hay...tadhana minsan kayhirap intindihin. Daming pasakalye. Say ng mga kapatid nating mga beks, daming eklavum.


Labin-limang taon lang ako no'n nang una kong maranasan ang umibig. Sabi nila puppy love pa lang daw iyon. Tugon ko naman, true love na. E sa iba na ang nararamdaman ko kay Cindy eh na kaklase ko. Iyong tinubuan ka na ng taghiyawat sa kaiisip mo sa kanya dahil maghahating-gabi na lang ay hindi ka pa dinadalaw ng antok. Mas inuuna ko pa siyang itetext o i-chachat sa facebook kaysa sa mga assignments ko gayung buong maghapon naman kaming magkasama sa paaralan at magkatabi pa. Minsan, inaalaska pa ako ng kaibigan at kaklase kong si Jerome na baka raw magkapalit na kami ng mukha ni Cindy na girlfriend ko dahil sa sobrang dikit namin sa school. Naturingan pa nga kaming PDA(Public Display of affection) ng aming mga kaklase dahil magkaholding hands kami palagi niyan kapag ganoong naglalakad kami sa loob ng school campus. Magtungo sa library o kaya'y sa canteen para kumain ng recess at pananghalian.


Sobrang mahal na mahal ko no'n si Cindy. At batid kong ganoon din siya sa akin. Siya ang naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral. Kadalasang bukambibig ng mga magulang na ang pakikipagrelasyon ay nakasisira ng pag-aaral gaya ng sa tulad namin ni Cindy na mga bata pa. Masyadong mapusok at madaling iginagapo ng matinding emosyon subalit hindi naman nangyari iyon sa amin. Bagamat isinabay ko ang pakikipag-girlfriend sa aking pag-aaral hindi naman nasira ang aking konsentrasyon bagkus mas lalo pa akong ginanahan kung kaya't laging matataas ang nakukuha kong marka. Na siyang dahilan ng pagiging top list ko sa aming klase


Doon ko nahinuha na hindi naman sa lahat ng pagkakataon may masamang maidudulot kapag isinabay ang pakikipagrelasyon sa pag-aaral. Siyempre nasa tao lang iyan kung paano siya magdala. Kung pumasok ka sa ganyang bagay ay dapat alam mo ang iyong mga limitasyon. Dapat alam mo ang tama sa mali. Kailangan mong ikintal sa iyong isipan na kapag mahal mo iyong tao ay dapat na mag-aral ka ng mabuti para makamit mo ang inyong magandang bukas sakali mang kayo parin hanggang sa huli. Ito lang kasi ang susi sa pagkamit ng magandang buhay sa hinaharap lalo na sa isang tulad kong ulila na sa mga magulang.


Bata pa lamang ako no'n nang iwan kami ni Mama dahil sumama raw ito sa isang mayamang lalaking negosyante. Dalawang taon lang ako no'n nang si Papa na ang umaruga sa akin. Tumatayong ilaw at haligi ng tahanan na hindi nagtagal kinuha rin ng Diyos sa akin dahil nabangga ang minamaneho niyang taxi. Iyon kasi ang ipinangbubuhay niya sa akin. At dahil nga pumanaw na siya, ang tiyuhin ko na kapatid niya ang tumatayong mga magulang ko, si Tito Eugenio na mas nakasanayan kong tawaging Tito Yohan. Hindi naging lingid sa aking kaalaman ang tunay na pagkatao ni Tito. Sa postura at ayos niya ay hindi mo mapagkakamalang pusong binabae siya. Iyon nga lang kung minsan, kahit na anong gawin niyang pagtitigas-tigasan, sumisirko ang kanyang boses lalo na kapag kasama niya ang mga tropa niyang kasapi ng KBP, Kapisanan ng mga Beki ng Pilipinas. Halos araw-araw ay napupuno ng kanilang mga tili at tawanan ang bahay. Hiyawan at sigawan kapag nanonood ng Miss Universe sa TV, grabe parang guguho na iyong bubongan namin.

Don't Cry LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon