Nagising ako kinabukasan na wala na sa bahay si Louie. Sabi ni Tito, maaga raw itong sinundo ni Kent upang makipagkita sa kanilang family doctor. Naisip ko na baka sumama ang pakiramdam ni Louie sa sapilitan kong pag-angkin sa kanya kagabi kaya naisipan nito na magpatingin sa duktor. Ganoon naman talaga ang mga mayayaman, OA kung minsan. Makaramdam lang ng kakaiba sa kanilang katawan ay sa clinic kaagad ang punta. Kabaliktaran naman sa mga mahihirap. Saka lang makuhang magpatingin sa duktor kung malubha na ang kalagayan, gastos din naman kasi ang magpatingin sa duktor. Kung bakit ba kasi hindi na lang gawin ng ating gobyerno na libre ang consultation fee sa lahat ng pampublikong ospital.
Matapos ng aking klase ay sa KFC-MOA kaagad ako tumungo suot ng aking training uniform na binili ko kahapon. Nang makarating ako, sa kitchen kaagad ako dumiritso. "Good afternoon po Sir!" Bati ko kay Sir Marco na kasalukuyan tumutulong sa pagfry ng manok. Tumugon din naman siya.
"First day ng training ay sa Kitchen muna kayo magbabad!" Panimula ni Sir Marco sa aming dalawa ni Mario, iyong part time rin na binilhan ko ng polo-shirt. "Kailangan nyong malaman ang lahat ng kitchen equipments at kung paano ito gagamitin. Don't worry guys madali lang naman matutunan ang mga iyan. Siya nga pala, ipinakilala ko sa inyo si Jerwin, ang magiging trainer nyo!" At nakita kung lumapit sa aming harapan ang sinasabi niyang Jerwin. Sa tingin ko hindi kami magkakalayo ng edad. May maayos namang itsura ngunit hindi naman masyadong pinagpala ng tangkad.
Tumitig sa akin si Jerwin. Mula ulo hanggang paa. Napansin ko kaagad na may kakaiba sa titig niyang iyon sa akin na para bang ako ay kanyang iniimadjing nakahubad. Ewan ko lang pero napi-feel ko kaagad ang kanyang pagiging berde. Ang minsang pagkahulog ko kay Louie ay naging daan na matuto akong kumilatis sa pagkasino ng isang tao. Ganoon na din kaya ako? Sana hindi.
"Naubusan na ba ng ibang sizes ng binibintang poloshirt ang department store ngayon. Pumuputok ah!" Kuminto ni Jerwin sa suot ko. Hapit na hapit kasi ito sa aking katawan. Bumakat dito ang maumbok kong dibdib pati ng aking utong.
"Kuwan kasi, mahilig ako sa mga body fit na damit. Bawal ba ang ganito?"
"Hindi naman. Basta ba kumportable ka lang magsuot niyan. Siya nga pala, ako si Jerwin ang naatasang magtrain sa inyo sa loob ng isang Linggo!" Pagpapakilala niya. Matapos kong magpakilala rin at ni Mario ay nagsimula na kaagad siya sa paglilitanya.
"Ito ang deepfryer!" Turo niya sa dalawang malalaking parang kawaling parihaba na may kumukulong mantika. "Ito ang ginagamit para makagawa tayo ng fried chicken at fries. Itong isa ay para lamang sa manok. At itong isa naman ay sa fries. Tandaan na dapat hindi pwedeng magkabaliktad at baka maging lasang manok ang isinerve nyong fries sa kustomer and vice versa!"
Matapos niya kaming ma-orient sa mga kitchen equipments, may iniabot siyang booklet na kung saan nakalagay ang lahat ng menu at code nito at kailangan namin iyong saulohin. Pagkatapos ng halos isang oras na paglilitanya niya, hands-on na kaagad kami sa mga gawain sa kusina. Hindi naman ako nahirapan sa pagluluto. Doon lang ako nangangapa sa paglilinis ng mesa at paghuhugas ng mga pinagkainan ng mga kustomer dahil kinakailangan ng liksi at bilis ng kilos. First time ko naman kasi sa isang fastfood chain ngunit alam kong masasanay din ako sa kalaunan.
Limang oras lang naman ang duty ko, subalit sa nararamdaman kong pagod at pananakit ng katawan, pakiramdam ko, nakaduty ako ng isang buong araw kaya naman laking pasalamat ko ng makitang pumatak na sa alas diyes ang oras sa digital clock na nakasabit sa itaas ng pintuan papasok sa opisina ng manager at may-ari ng restaurant. Ngunit bago kami magtime-out, kinakailangan muna naming siguruhing malinis ang kitchen lalo na nung dining area pati lahat ng mga utensils at mga kitchen equipments. Bilang closing shift, kailangan din masiguro naming naka-off lahat ng switch lalo na nung tangke ng gas. Kaya halos mag-aalas onse na ng gabi kung kami ay makalabas
BINABASA MO ANG
Don't Cry Louie
General FictionIpinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang l...