"Pumarito si Mama? Bulalas ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanila.
"Hi-hindi, ang ibig sa-bihin ni Shawie ay si Mauro iyong isang kaibigang bakla naming nakapag-abroad sa Espanya. Diba Shawie!?" Siniko ni Tito si Ate Shawie. "Ah, oo, tama, si Mauro na ngayo'y Margarita na ang pangalan dahil nagpasexchange na. Aba, akalain mo, sinuwerte ang bruha, nakabingwit ng Espanyol kaya abunda na sa datung!"
Tumango lang ako. Hindi ko man naabutan iyong transgender na kaibigan nila na nagkataong kapangalan pa ni Mama ay malaking pasalamat ko na lang dahil sa iniabot nitong tulong kay Tito. Kahit papaano naitabi ko 'yong pera galing kay Louie. Isasauli ko na lang 'yon sa kanya kapag muli kaming magkikita.
Unti-unti ng bumabalik ang lakas ni Tito. Bukod kay Scarlet na umaalalay sa kanya sa bahay, ay madalas din siyang binibisita ni Ate Shawie at ng iba pa nitong mga kaibigan kaya naging panatag na ulit ang loob ko. Nakabalik na din ako sa trabaho. Ngayon, ang isipan ko'y nakasentro na lamang sa aking pag-aaral at sa trabaho at siyempre kay Louie. Nagsisimula na akong gumawa ng hakbang para magkaroon ng kumunikasyon sa kanya. Mula ng umalis ito ng bansa, isang buwan ang nakaraan ay wala na akong balita sa kanya. Hindi ko na kasi makita ang kanyang facebook account. Kaya naman kinapalan ko na ang aking mukha na magmessage kay Kent sa facebook, nagbabasakaling may makuha akong impormasyon sa kanya tungkol kay Louie dahil siya lang naman iyong malapit na kaibigan ng mahal ko.
"Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa kaibigan ko? Diba nga itinaboy mo na sya?" Ang reply niya sa akin ng kinumumusta ko sa kanya si Louie. Batid kong may galit siya sa akin gawa ng pagpapahirap ko sa kalooban ni Louie noon. Hindi lingid sa aking kaalaman na siya ang naging sumbungan nito sa lahat ng pasakit na idinulot ko sa kanya kaya inintindi ko na lamang. Kasalanan ko din naman kasi.
"Alam ko at labis ko na iyong pinagsisihan. Ang kagustuhan kong muli syang makita ay upang humingi sa kanya ng tawad!"
"Tapos ano? Sasaktan mo na naman siya ulit? Hindi mo lang alam kong gaano ka niya iniyakan sa mga panahong lumalapit sya sa'yo at itinataboy mo siya na para bang may nakakahawang sakit? Tama na Al. I won't let Louie hurt anymore. Wala kang puso. Hindi ka marunong maawa. Hindi ka marunong magpahalaga. If you really care for Louie, then, hayaan mo na siya na lumayo. He's starting to forget a waste man like you. He didn't deserve you!"
Maaanghang na salita ang kanyang binitawan pero wala akong karapatan na magrumintado dahil totoo din naman ang mga iyon. Kung tutuusin kulang pa ang mga salitang iyon para maiganti si Louie. Kahit na bugbugin pa niya ako, ayos lang, bawat suntok niya tatanggapin ko. Kung sa ganoong paraan maibasan kahit na kunti ang atrasong nagawa ko sa kaibigan niya. Pero sa sinabi niyang hayaan ko na lamang si Louie, iyon ang hinding-hindi ko magagawa. Kung totoo mang sinisimulan na akong kalimutan ni Louie, gagawin ko lahat ng paraan para lamang manumbalik ang pag-ibig niya sa akin na aking sinira. Kahit na sa pagkakaibigan lang muna ay solve na ako, huwag lang siyang tuluyang mawalay sa akin.
At dahil wala akong napigang impormasyon mula kay Kent,naglog-out na ako. Subalit ipinapangako ko sa aking sarili na hindi titigil hangga't hindi maging akin muli ang mahal ko. Si Louie lang ang magpapasaya sa akin. Minulat ako ng pagmamahal niya sa tunay na anyo ng pag-ibig. Siya ang gusto kong makayakap at humimlay sa aking bisig. Ang maiinit niyang mga halik ang ninanais kong muling matikman at higit sa lahat siya ang gusto kong makasama habang ako ay nabubuhay.
BINABASA MO ANG
Don't Cry Louie
Ficción GeneralIpinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang l...