Kabanata 17

1.8K 79 17
                                    

***AL**

Nang marinig ko buhat sa bibig ni Ate Shawie ang pahayag niyang, "E iyong tungkol sa inyo ni Al, hanggang kailan mo ililihim na ikaw na kinikilala niyang Tiyuhin ay siyang totoong ama niya pala!" ay kaagad akong lumabas sa aking pinagkublihan upang harapin si Tito. Nagupuyos ako sa matinding galit na kung bakit niya nagawang ilihim sa akin ang bagay na iyon. Ano ang mga dahilan niya?


"Totoo ba ang mga narinig ko Tito? Ikaw na kinilala kong tiyuhin ang siyang tunay kong ama?" Bulalas ko na siyang ikinapatda ng dalawa. Waring nakakita ng bangkay na muling nabuhay. "Me and my big mouth nga naman kasi!" Wika ni Ate Shawie. Napatakip pa ito sa kanyang bunganga. Nakatingin ito kay Tito na parang hindi parin nahimasmasan sa aking biglaang pagsulpot. Waring nag-iisip sa kung ano ang pwede niyang idadahilan sa akin.


"Ano, sumagot kayo!" Untag ko ulit. Paasik iyon.


"Patawad anak. May mga dahilan lang ako kung bakit ko nagawa ang paglihiman ka!" Tumayo siya at akmang yayakapin ako ngunit mabilis ang aking pag-iwas.


"Na ano po? Natatakot ka na tulad ni Mama, hindi kita matanggap dahil sa inyong pagiging ganyan? Na itatakwil kita at hindi kilalaning ama?"


Kasabay ng pagtango ni Tito ay ang pagbulwak ng mga luha niya sa mata. Mukhang nasukol ko ang mga dapat sana'y sasabihin niya sa akin. Mula pagkabata ay siya na ang kinilala kong tiyuhin na bumuhay sa akin. Lahat naman ng tungkulin ng isang ama para sa kanyang anak ay ginampana niya. Lahat binibigay niya sa abot ng kanyang makakaya. Wala na akong mahihiling pa. Ngunit sa ginawa niyang paglilihim ay labis ang aking nararamdamang galit at tampo. Kahit naman kasi naroon siya na tumayo bilang aking ama at ina, hindi ko parin maalis sa aking sarili ang mangulila sa tunay na mga magulang. Iba parin iyong may tinatawag kang PAPA na kasa-kasama mo sa iyong paglaki. Sa aking murang edad noon, ramdam na ramdam ko ang kakulangan ni Papa Roberto sa kanyang pagiging ama sa akin. Sapat na sa kanya ang maabutan ako ng barya pambaon ko sa eskwela na hindi man lang tinutugunan ang iba kong pangangailangan. Hungkag ang atensiyon at pagmamahal na ipinadama niya sa akin dahil hindi naman pala niya ako tunay na anak.


Agad ako na pumasok sa aking kwarto at dali-daling nag-impake. Habang nasa sukdulan pa ang aking tampo kay Tito ay naispan kong bumukod na muna. Ayoko na muna siyang makasama sa araw-araw at baka may masabi pa akong hindi maganda na ikasasama ng kanyang loob.


"Aalis ka?" Tanong niya ng pumasok sa aking silid.


"Magpapalipas lang ako ng sama ng loob. Hindi nyo rin naman ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Sa pagpapanggap mong Tiyuhin ko, para mo narin akong dinedma bilang anak nyo!"


"Anak, alam mong hindi totoo 'yan. Tiyuhin man ang pagpapakilala ko sa'yo, pero higit pa sa tunay na ama ang pinapadama kong pagmamahal at pag-aaruga sa'yo!"


"Alam ko naman po 'yon. Hindi nyo na kailangang ipaala-ala sa akin iyon lahat. Ang sa'kin lang naman ay kung bakit sa akin kayo naglihim. Bagamat nariyan kayo, iba parin kasi iyong lumaki kang may kinilalang ama. Ngayon, malinaw na sa akin na kung bakit lumihis bigla ang pagkatao ko, may pinagpamanahan pala. Huwag kayong mag-aalala, tanggap ko naman kayo kahit ganyan kayo!" Sabay sara ng siper ng aking maleta.


"Hindi ka na ba talaga papipigil anak?"


Don't Cry LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon